ShamEul- Twenty Two

Start from the beginning
                                    

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay mahigpit ko ulit siyang niyakap.

"Hindi na ako aalis pa sa tabi mo Aking mahal. gagawa tayo ng sarili nating mundo. Mundo na tayong dalawa lang at wala ng manggugulo pa." Bulong ko sa kanya.

"Pero, paano na ang mundong kinagisnan mo ng ikaw ay bumalik? Mga magulang mo ngayon sa katauhan na 'yan? Mga nagmamahal mong mga pinsan at mga kaibigan?"

"Maiintindihan nila ang kalagayan natin ngayon. Alam nila na ikaw ang kaligayan ko. Ikaw ang lahat sakin. Ang tagal nating hinintay ang panahon na 'to. Hindi na ako papayag na magkahiwalay pa ta'yo."  Buong pagmamahal kong usal sa kanya.

Alam kong masaktan sila sa gagawin kong pag alis pero alam ko, darating ang araw na maiintindihan din nila ako. Kailangan ko lang makapag paalam sa kanila ng maayos. Masakit para sa'kin ang hindi sila piliin. Pero mas masakit ang hindi ko makasama ang babaeng matagal ko ng hinanap at pinangarap na akasamang muli. At ngayon nakita ko na siya at nakasama, hindi na ako muling papayag pa na mahiwalay pa sa kanya.

-----

NIKKI POV

Nangingig na ako sa takot, dahil sa nakikita kong parang wala ng buhay ang katawan ng pinsan naming si Eul. Kung ano anong dasal na ang ginawa ni Mang Arturino, pero parang wala pa din pagbabago sa kalagayan niya.

"Dalhin na natin siya sa hospital. Baka mamatay pa siya dito." Sigaw ni Mylene.

"Malabo na natin siyang maligtas, wala na akong magagawa kapag nagdesisyon na siyang sumama kay Shamy." Malungkot na usal ni Mang Arturino sa amin.

Halos lahat kami hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Anong sinasabi mong sumama na siya sa baliw na multo na 'yun? Albularyo ka, labanan mo yung multo na 'yun para mabawi mo ang pinsan namin!" Galit na sigaw ni Nico sa matandang mangagamot habang hawak ito sa kwelyo ng damit.

Agad naman umawat si Mang berting at Tatay Jess sa pagitan nila.

"Hindi ko kayang labanan, kung ang mismong babawiin natin ay hindi lumalaban para sa buhay niya." Mahinahong saad niya.

"Pero hindi pwedeng mamatay ang pinsan namin!" Umiiyak na usal ni Arail habang naka upo sa harap ni Eul at hawak sa kamay. "Dalhin natin siya sa hospital, baka may sakit lang siya at hindi siya magamot ni Mang Arturino."

Tulong tulong silang nilabas ang katawan ni Eul. Tila wala na itong buhay.

Lahat kaming magpipinsan ay iyak lang iyak habang nilalabas siya sa lumang bahay nila Shamy.

Pero bago kami tuluyang lumabas, narinig kong sumigaw ng napakalakas si Arail.

"Shamy! Kung naririnig at nakikita mo kami, parang awa mo na ibalik mo sa amin ang pinsan naming si Eul. Hindi siya si Lolo Van!" Sigaw niya. Bigla din humangin ng malakas sa loob ng bahay, dahilan para magdikit dikit kami sa isa't isa dahil sa takot.

Sumilip ako sa labas para tingnan kung malaka din ang hangin. Pero kahit isang dahon ng puno ay hindi ko nakitang gumalaw dahil sa hangin.

"Malapit na kaming magsama ng aking pinakamamahal kaya wala na kayong magagawa para mapigilan pa ito."

Halos lahat kami ay tila napako sa'ming kinatatayuan ng marinig namin ang tinig ng isang babae.

"Tumigil kana Shamy sa kahibangan mo. Hindi siya si Van! Ilang beses ko bang uulitin sa'yo tanggapin mo na, nasa magkabilang mundo kayo!" Galit na sigaw ni Tatay Jess. "Ibalik mo na sa amin si Eul." Pagmamakaawa niya.

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Where stories live. Discover now