Chapter 7

34 0 0
                                        

- - - -

Steph's POV

    Nag-alala lang talaga ako sa kanya . .ilang araw ba namang kaming hindi nagkita at nagkasama .Nakakainis lang isipin na parang wala lang dito yun .

    " Bakit ba galit na galit ka? Kung sinasagot mo lang naman ang mga text at tawag ko hindi ka na makukulitan sa'kin e !?Hindi naman ako mangungulit kung sinabi mo agad ang mga gusto kong marinig!? Gusto ko lang naman malaman kung ok ka lang ah !?" I said out of frustration .

   Oo ,alam ko na napasobra ako . .pero hindi naman nya ako masisisi ,nag-alala lang ako .Kung nagreply lang naman sya . .kahit isa lang . . .I would feel at ease and stop worrying already pero wala e .

    " Ba't ba ayaw mong malaman ko ha ?May tinatago ka siguro ,noh? " Patuloy ni Steph .

    Napatigil si Josh sa sinabi ko pero saglit lang yun .

    " O ,e anu naman sa'yo !?Siguro ganun nga yun . .na ayaw kong ngang ipaalam sa'yo .Hindi mo ba ramdam yun!? "Josh said sarcastically .

    And now ,it's her turn to be surprise and shocked .Ba't nga ba hindi nya naisip na baka kaya hindi nito sinasagot ang mga tawag at text nito ay ayaw nyang ipaalam sa kanya? Napakasakit . .ang sakit para sa kanya . .na si Josh mismo . .sya ang nagsabi sa kanya .

    Ilang minuto ang lumipas .Walang umiimik ni isa sa kanila .She tried to hold back her tears . .her emotions . .kahit na ramdam nya anytime now bibigay na sya .

    " Nakita ko kayong magkasama ni Janice . . ." I said calmly but with trembling voice .

    Nanginginig na sya but she tried to compose herself .

     Pictures of Josh and Janice laughing together flashed back on her mind .Nainis sya sa isiping si Janice ang dahilan ng lahat ng yun . . .kung bakit hindi nito sinasagot ang text at tawag nito . .kung bakit nawalan ito ng time para sa kanya .

    " Sya siguro ang palagi mong kasa-kasama noh!? "Hindi na nya naitago sa boses nya ang inis .

    Tiningnan ako ni Josh .Kita sa mukha nito na pilit lang kinakalma ang sarili .Kahit malamlam ang mga mata nito ay kita pa rin ang tinitimping galit .

    " O? E anu namang pakielam mo kung si Janice nga ang kasama ko ,ha!? Alam mo naman pala e ,ba't nagtatanong ka pa!? Gusto mo bang ikwento ko sa'yo lahat!? O dapat ko pa bang ikwento . . .kung alam mo  naman pala?! E alam mo naman lahat!? " Sa gulat ko ay sagot nito .

    Hindi man lang iyon itinanggi nito .Straight to the point na sagot ni Josh . .and it struck straight through her heart .

****

Josh's POV

    Masama ang pakiramdam ko . .masakit ang ulo ko . .tapos badtrip pa sya dahil sa thesis nila . .naghalu-halu na ang lahat .Tapos itong si Steph ,kung anu-anu pa ang sinasabi .Ang tagal nilang hindi nagkita tapos ganito lang ang mangyayari ?Isa pa yun sa nakadagdag sa pagkainit ng ulo ko . .kaya hindi na ako nakapagpigil .

     " Sinu ka ba ha!? Kung makaasta ka parang asawa kita na nahuli mo akong pinagtataksilan kita . .masyado ka naman atang assuming!?. . .E sinu ka ba sa akala mo!? Asawa ko !? Girlfriend?! Girlfriend ba kita ,ha!? Girlfriend ba kita!? Ni hindi nga kita girlfriend!?! " Galit na galit na sabi ko .

    Nagulat ako . . .at nakita ko na maski ito ay nagulat rin .Huli na para bawiin ko ang mga nasabi ko .Pareho kaming natulos nito sa kinatatyuan .Kitang-kita ko ang sakit sa mukha ni Steph. Nagsimula ng maglandas ang mga luha nito .'Oh no! Sigaw ng isip ni Josh .Bakit ko nasabi yun ?Bakit ?

    Hindi dahilan na masama ang pakiramdam ko ,na badtrip ako para masabi ko ang mga yun . .hindi dahilan ang init ng ulo para masaktan ko si Steph . .ang babaeng pinakamamahal ko .

- - - -

Steph's POV

    Ni hindi nga kita girlfriend !?!

    Ni hindi nga kita girlfriend !?!

    Ni hindi nga kita girlfriend !?!

    Ni hindi nga kita girlfriend !?!

    Nagpaulit-ulit ang mga huling  salitang binitawan ni Josh sa isip ko. 'Bulls-eye! Deklara ng isip ko .Sapul na sapul ako sa mga huling sinabi ni Josh .'E sinu ka nga ba ,ha?Ni hindi ka nga girlfriend e. Pagsang-ayon ng isip nya dito .Oo nga pala ,naalala ko . . .hindi nga pala kami . .hindi nga pala nya ako girlfriend .At sobrang sakit na marinig yun mula mismo kay Josh .

    Parang sinampal sya ng katotohanang iyon .Wala syang pinanghahawakan kay Josh . . .from the very beginning .'Yan kasi e ,bakit masyado kang umasa . . .nasasaktan ka tuloy .Sermon ng isip ko .

    Hindi ako makahinga . .ang sakit sa dibdib .Kaya ito ,hindi ko na napiglang mapaiyak .Naglandas ang  mga luha kong walang tigil sa pag-agos mula sa mga mata ko.Ganito pala . . .ganito pala kasakit na marinig mismo sa taong mahal mo ang . . .ang katotohanan .

    Nagbalik ang mga masasaya nyang alaala kasama si Josh . .ang tawanan nila ,lambingan ,asaran ,tampuhan ,etc .Ang mga pagpaparamdam nito at pagpapakita na mahalaga sya para dito .Wala lang ang mga yun dito ?Nag-assume lang ba talaga ako dahil sa mga kilos nito ?Binigyan ko lang ng kahulugan ang mga yun ?Siguro masyado nga lang syang nadala sa mga ipinapakita ni Josh sa kanya .Ang saklap naman .

    Tiningnan ko ito at kahit na nanlalabo na ang mga mata nya ay kitang-kita nya ang halu-halong imosyon sa mukha nito .

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now