Chapter 2

46 1 0
                                        

- - - -

Kinabukasan

    Masaya pumasok si Steph at dala pa rin nito ang mga alaala ng pangyayari kahapon .'I'm on cloud9!! Nasabi nito sa sarili ng madaanan nito si Migs ,ka-org mate nya sa isa sa mga club na sinalihan nito ,sa hallway .At dahil Good Vibes sya ay nginitian nya ito ng bongga .

    Hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa mga labi nito habang patuloy sa paglalakad sa hallway ng school ng biglang may umagapay at umakbay sa kanya .Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya hindi nya na ikinagulat .Isang tao lang naman ang dahilan sa ganung reaction ng puso nya .'Alam na! Nang lingunin nya ito ay seryosong mukha ni Josh ang nabungaran nya .'Anu'ng problema nito ?Nang ibubuka na ni Steph at kanyang bibig para ivoice-out ang tanong na yun ay naunahan sya nito .

    " Sinu yun? Bakit wagas ang ngiti mo sa kanya ?! Parang wala ng bukas, ah. "Tanong ni Josh na parang badtrip .'Kay aga-gaga BV agad !?

    'Possesive boyfriend? Nilukob ng galak ang puso ni Steph sa naisip .Pero syempre alam naman nyang hindi . .possesive ,pwede pa sa tagal na ba ng pagkakabigan nila . . .pero boyfriend ?? 'I wish !!

Isa na yan sa mga dahilan kung bakit until now umaasa sya na sana pwede .Pagdating kasi sa mga ganyang bagay ngpaka-overprotective nito sa kanya .Alam naman nya . .ah hindi . .ramdam naman nya na he also feels something for her ,pero bakit nga ba hindi maging sila ?'Well, baka naman ikaw lang ang nag-iisip na he also feels something for you? Dahil kung ganun nga ,matagal ka na sana nyang niligawan . .sa tinagal-tagal nyong magkaibigan .

    " Anung meron ?Ito naman para ngiti lang e .Tsaka kilala ko yun . . .ka-org ko yun noh!! " Sagot nya sa tanong nito ng nakasmile .Ang cute talaga magselos nitong lakaking 'to .'As if nagseselos nga !?

    " Nakakabad trip! Kahit na ka-org mo pa un ,wala akong pakielam .Basta dapat hindi ka ngingiti kung kani-kaninu. "Hindi pa rin ngumingiti na sabi nito .

    'Kaya hindi ko maiwasang umaasa Josh e .Wag ka kasing ganyan! Habang tumatagal ,ramdam nya na lalo syang nahuhulog dito .Lalo pa sa mga ipinapakita at ipinaparamdam nito sa bawat araw na magkasama sila .

    Umalis ako sa pagkakaakbay ni Josh at hinarap ito .Mula sa pwesto nya ay pinagmasdan nya ito at kahit na seryoso at medyo nakakunot ang noo nito ay gwapo pa rin ito .'Wala bang magpapapangit sa  lalaking 'to ?

    " Sorry poooooo . .  "Ginaya pa talaga ang ni Steph ang gesture ni Chichay sa GTB ha .Nag-effort pa sya para lang dito .

    Hindi inalisni Steph ang tingin kay Josh . . . .kaya kitang-kita nya ang pagbabago ng expression ng mukha nito .Nakangiti na ito ngayon .Nilapitan sya nito at sabay sabing . .

   " Ang cute-cute mo talaga! " Sabay kurot sa pisngi ni Steph ng nakatawa .Pero ikinagulat nya nung  lampasan nya lang ako .'Nilampasan lang nya ako !?Sayang effort .

    Napanguso sya kay Josh .

    " Aray ha! Ba't my kurot pa!? " Sabay hawak sa pisngi nya .Nakatigil pa rin sya sa pwesto . . .pinagmasdan ang likod nito ng bigla-bigla na lang sya nitong hilahin .

    " Tara na! Malalate na tayo. . " Sabi nito habang hinihila sya .

    Napangiti na sya at nagpatangay na lang dito .Kahit na hindi niti sabihin ,ramdam nya .Kahit na ganito lang sila . . . .kahit na masakit na hanggang dito lang talaga . . .tatanggapin nya makasama lang si Josh palagi .

- - - -

Josh's POV

    Nakakahiya yung inasal ko kanina kay Steph .Para akong possesive boyfriend kung makapagselos ah ? Samantalang wala naman akong karapatang magselos .

    Oo inaamin ko ,mahal ko si Steph at ramdam ko na ganon din ang nararamdaman nya for me pero ba't nga ba hindi ko sya ligawan ?ba't hindi kami ?Well, kung magiging kami kasi . .baka maging magumulo lang ang lahat .Ok na naman kami kahit ganito . .masaya .'Pero kontento ka ba ? Tanong ng isip ko .

    Kontento na nga ba ako na hanggang dito lang ako . .kami ?Na kahit pagbalik-baliktarin man ang mundo e wala akong karapatan sa kanya ?Ayoko man sa ganitong setting namin e mas palagay ako sa ganito kesa naman pag naging kami . . .baka masira ang lahat sa isang pagkakamali lang .

    I know the things that could hurt her ,and I'm afraid that someday ay bigla ko na lang yun magawa sa kanya . .ng di ko sinasadya .Mas masasaktan ako pag nangyari yun .Napakasakit to think that she's the only girl I want . .but also the only girl I can't have .At yun ang masakit na katotohanan ,pero kahit ganon. . . sana naman naiiparamdam ko sa kanya ang pagmamahl ko .

    Pinagmasdan ko ang nag-iisang babaeng nagpapasaya sa 'kin ngayon .'Steph. Sabi ko sa sarili at napangiti ako .Ang babaeng abot kamay ko na , pero hindi ko pa rin mahawakan .Anu nga ba ang relasyon naming dalwa? 'Friends !?More than friends !?Lovers !?Ay ewan! Basta kung anu ang meron kami ngayon ,un ang mahalaga .'Tama! Pagsang-ayon ng isip ko .

    Kahit walang pormal na usapan na kami . . .basta ang mahalaga ang nararamdaman naming dalawa .The feeling is mutual naman .

****

Uwian

Steph's POV

    Hindi pa kami nakakalabas ng building namin ng bumuhos na ang ulan .Nandito kami ngayon sa entrance ng building at nakatanga . . .na para bang pagtinitigan mo ang ulan ay . .Woosh!! sa isang iglap ay bigla na lang itong mawawala .Hayst !!

    " Kainis naman! Ba't ngayon pa umulan kung kelan wala akong dalang payong? " Pagsisintir ni Steph .

    Mangilan-ngilan na lang ang mga studyante sa building namin at ako ,ito at naghihintay at naghihintay pa rin sa pagtila ng ulan .

    " Parang may mangyayari kung tatanga ka lang jan . .hindi na titila yan . "  Sabi ng pamilyar na boses sa tabi ko .

    Napalingon ako sa pinangmulan nun . .at tama ako ,sya nga . .si Josh .Nandito na sya ngayon sa tabi ko .

Nagtaka ako kung bakit hinubad nito ang jersey jacket nito .'Kung kelan umuulan saka naisipang maghubad ?Kaninang ang init-init hindi inaalis ,,lakas trip ah!

    Tiningnan ako nito at tumango na para bang nag-aaya kung sasama ba ako . .'Aba syempre naman sasama ako noh!? Sagot ko sa aking isip .

   " Halika na! " Untag nito sabay lahad ng kamay .

    Nagdadalwang-isip akong tinapunan ng tingin ang nakalahad nyang kamay sabay tingin ulit sa ulan .

    " Gagamitin natin 'tong jacket ko . . . .Baka gabihin pa tayo sa byahe pag hinintay pa natin ang pagtila nyan .." Sabi nito sabay taas ng jacket at  nguso sa ulan .

    Napabaling ulit kay Josh ang attention ko . .kaya pala hunibad nito ang jacket nito .'Ang sweet talaga ng mokong na 'to!

    And with no hesitation ,tinanggap ko ang kamay nya .Nang inangat ko ang tingin sa mukha nya ay nakangiti na ito . .kaya napangiti na rin ako .Hangga't nandyan si Josh wala dapat akong  ikabahala at ikatakot . .kaya napatingin ako sa magkahugpong naming mga kamay .

    Sabay kaming sumugod sa ulan ni Josh na ang tanging gamit namin ay ang jacket nya .Nakakakilig ang eksena na 'yon . .na para akong nasa isa sa mga koreanovelas na napanuod ko .

    We're sharing his jacket to cover us from the rain .His one hand holding it and the other one on my shoulder .'To secure you from the rain ,sabi nya .Nakakakilig talaga .Ito ako ngayon ,sa ilalim ng ulan . .kasama ang lalaking mahal ko .Napangiti ako .

    Nagtatawanan pa kami habang tumatakbo sa ulanan .Para kaming mga sira .

No Strings AttachedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin