Chapter 12: 2nd week of training

ابدأ من البداية
                                    

"Dahil sa nangyari noong nakaraang araw, hindi naging maayos ang training ninyo. But it's okay dahil 1st week pa lamang ng training, I just want to say that this training is not just to train ourselves but because to be ready if somebody want to destroy our beloved Kingdom and Academy. For the incoming birthday of our Princess Demi, maraming dadalo na magmumula sa pitong kaharian kasama na ang Darvil Kingdom. Kung saan ang isa sa kinatatakutan ng ilan sa inyo. But don't worry dahil nakipagkasundo si Queen Jeid (Jeyd) na makicelebrate sa 18th birthday ng Prinsesa. And the Magicum Kingdom accept their request just for one night. Kaya pagbutihin ninyo ang training na ito."

"First training ngayon ng mga sophomore students, so sa apat na grupo kailangan may isang representative upang alalayan ang isa't-isa habang ang natitirang tatlo ang lalaban. For this kind of training dapat wala masyadong sakitan, pero in case na may mangyari naglagay na rin ng barrier." pagpapaliwanag ni Mrs. Bond

"Dahil kulang ng isa ang grupo ni Eron, si Jasper at Kiela (Keyla) muna ang papalit kina Lliyah at Gella. While Whint group is Jaedis (Jaydis) subtitute ni Maige." Mrs. Rivera added.

"First bubunot ako ng pangalan mula sa apat na box, kung sinuman ang makaharap niyo please lang wala masyadong sakitan dahil simula pa lamang. Sa 3rd training niyo pa ilalabas ang tunay niyong kapangyarihan. Sa ngayon kung anu ang weapon niyo iyon ang dapat ninyong gamitin. Is it clear?" tanong ni Mrs. Bond

"Yes professor!" sagot naming lahat.

"Healer Sunni wil be here for a moment, pero dahil may emergency she gonna be late. Okay this training is just a beginning, and remember the purpose of it. No harmful and no powers just your weapon and ability, focus in your strength not in your weaknesses. Is it clear?" muli niyang tanong.

"Yes professor!" muli naming sagot.

"First training, from group 1 and group 3. Gene from group 1 and Whint from group 3. Let the battle begin." pagkasabi na pagkasabi ay agad na pumasok sina Gene at Whint sa barrier  upang maglaban. Inilabas ni Gene ang kanyang sword habang ang kay Whint naman ay ang dagger.

"Wow Gene ikaw pa talaga ang makakaharap ko." mayabang na sabi ni Whint. Rinig namin ang usapan nila kahit wala kami sa loob ng barrier.

"Galingan mo ha, baka kasi maglaro ka na naman ng patentero hahaha." Whint added.

"Huwag ka puro satsat Whint, lumaban ka na lang." sagot ni Gene. Agad na lumapit si Gene at aktong ihahampas ang espada sa harap ni Whint, pero umilag lang si Whint. Nakangiti siya habang umiilag sa mga pag atake ni Gene.

"Prince Gene yan lang ba ang kaya mo. Nga pala nakalimutan ko sophomore ka lang pala." pang iinis ni Whint kay Gene. Sa sobrang inis ni Gene naisipan niyang puruhan sa bandang pisngi si Whint. Pero patuloy lang siya sa pag ilag.

"Woah, huwag diyan masisira ang kagandahan ng mukha ko. Baka wala ng lumapit sa aking mga babae niyan." patuloy niyang pang iinis.

"Duwag ka ba?"

"Bakit naman?"

"Eh kanina ka pa ilag ng ilag. Ganyan ba talaga ang mga apprentice, habang tumatagal yumayabang. Baka nakakalimutan mo weapon at ability ang gagamitin dito hindi ang kayabangan na meron sayo." nagulat na lang ako sa sinabi ni Gene, ngayon ko lang siya nakita at narinig na magsalita ng ganoon.

"Huwag ka ng sumatsat lumaban ka na lang." sabay hagis ni Whint ng dagger sa direction ni Gene. Agad namang iniharang ni Gene ang kanyang weapon. Nawasak ang dagger pero nasugatan siya sa may kanang tainga kung saan tumalsik ang piraso ng dagger na inihagis ni Whint.

"Masakit ba?" pang iinis na tanong ni Whint.

"Baka ito ang masakit." agad na sinaksak ni Gene si Whint sa bandang likuran.

PRINCESS POWER حيث تعيش القصص. اكتشف الآن