CHAPTER TWELVE

1.1K 43 0
                                    


CHAPTER TWELVE


"Ooh! Ang galing naman magkakaklase kayo ngayon!" Komento ni Adi. Dinala nila kami dito sa maliit na fast food restaurant na pagmamay-ari ng pamilya nila Jelo.


"Yeah, kayong tatlo ba?" Tanong ni Mandy.


"Same section and course lang din," Sagot ni Kel. Dumating na 'yung mga pagkain na inorder namin na si Jelo pa mismo ang nag-serve sa amin, "But I really thought you guys are dating."


"Oo nga! Tapos biglang banat ng joke lang itong si Aguirre."


"And Aggie seems disappointed." Tiningnan ko ng masama si Kel. Napaka-epal talaga nito.


"Really? You're disappointed?" Tanong ni Porter na may nakakalokong ngiti sa mukha.


"Hindi rin no. Feeling mo." I said as I take a sip on my juice. Kanina ko pa napapansin na ang tahimik ni Steph. I wonder what happened when we left them.


"Man, nakakapanibago talaga ang itsura mo ngayon Aguirre."


"Welcome sa samahan ng mga gwapo, dude!"


"Thanks dude!" Nagfist bump pa silang apat.


"Tss, GGSS." I snorted. Nagsama-sama ang mga mayayabang at may saltik sa utak.


"Gwapong gwapo sa sarili? Come on Aggie, we're just stating the obvious." Mayabang na sabi ni Kel at nakuha na namang umakbay sa balikat ko. Tss, bakit ba kasi katabi ko ang isang 'to?


"Gagong gago sa sarili." I answered.


"Ouch! You cold woman!"


"Baka binasted ni Fourth kaya ganyan!"


"Ewan ko sa inyo." Umalis na ako sa pwesto ko dahil nagkakagulo na 'yung apat. Maling mali ang pagpwesto ko sa pagitan nila Porter at Kel. Sobrang gugulo nilang katabi. Parang noong highschool lang ay hindi sila nagpapansinan at inis pa sila kay Porter pero ngayon kung makapaglokohan sila ay akala mong magkaibigan na sila since birth.


"Aggie! Wait!" Tumayo rin si Mandy at sumunod sakin, "Saan ka pupunta?"


"CR lang."


"Sama ako." Nang nasa loob na kami ng CR ni Mandy ay hindi ko na napigilan pang magtanong about sa nangyari kanina sa plano nya.


"Hmm, wala pa masyaong kinukwento ni Steph sakin but I think it went well." Napatango-tango ako sa mga sinabi nya. It went well? Paano kayang it went well? Nagkamabutihan na sila kagad? Are they planning on going out?


"See?" Mandy nudged my shoulder when we got out of the comfort room and pointed towards Porter and Steph. They look really happy. Hindi ko alam kung ano ang pinagkukwentuhan nilang nakakatuwa.

Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon