Tumikhim si Miss Ana habang umiiling. Sa huli ay ngumiti siya. " You've change a lot, Vera Cruz. Pero wag kang clingy! Go get your butt up and do what I said."
Hindi ko mapigilan na matawa ng nagtawanan ang buong klase. Yumuko ng bahagy si Luther at panay ang mura hanggang tumabi siya sa partner niya.
"Yey! Sana palaging may exercise.." sigaw ng kapartner ni Luther. Napatingin ako sa kanya.
"And why is that?" Iritableng sagot ng katabi niya.
"Alone time namin ni Luther eh.." she said shamelessly. Nagulat ako ng bumaling pa siya sa akin. "Pahiram muna ah?" Natawa siya kaya lihim akong umirap. God! Parang nandiri ako sa sarili ko. Ganyan ganyan kasi ako kay Simon noon. Kaloka! Nakakahiya pala. Fake akong ngumiti sa kanya sabay iwas ng tingin.
"Ay putakte!" Halos tumaob ako sa upuan ko sa sobrang gulat. Paano naman! Si Eros ay nasa harap ko at konting pitik nalang ay mahahalikan ko siya.
"Nanjan ka pala?" Napaatras ako ng bahagya ng makaramdam ako ng ilang. Tumaas ang kilay ni Ero sa akin at umatras din ng bahagya. "I'm here first, di mo lang nakita."
Ngumiti siya at hinarap ang upuan niya sa akin para magkatapat kami. Nagsimula nang gumawa ang lahat habang ako ay parang tangang nakatulala sa isang sentence na dapat namin iexplain.
Why is attitude is important in business world?
Pakiramdam ko ay nagkarambola ang braincells ng utak ko. Ano ba akala ni Miss Ana? Sasali ako ng Miss Universe? Pwedeng bang confidently beautiful with a heart nalang? Ugh.
"Why is attitude is important nga ba?" I murmured habang kagat ang dulo ng ballpen ko. Napatingin pa ako kay Eros na tahimik at seryosong nagsasagot.
"Wala kang masagot?" Biglang tanong niya sa akin.
"Hindi ko kasi makonek ang attitude.. like! Bobo yata ako.." natawa ako ng bahagya at ganon din si Eros. Hindi ko alam kung bakit business course ang kinuha ko. May kumpanya nga ang mga Dela Fuente pero meron naman ng tigapagmana. Meron nga ang daddy but obviously hindi din ako ang tagapagmana. Ano ba kasi nakain ko at napasok ako dito?
Dapat ay sa tourism nalang ako pumasok or kahit ano!
"Baliw ka," nailing si Eros ng bahagya kaya napanguso ako.
"Paki-konek nga kasi, please.." nag puppy eye pa ako sa kanya. Ngumiti siya at umiling tsaka pumangalumbaba sa harap ko.
"Why attitude is important? It's big part in the business world, kasi doon ang batayan ng mga investor mo kung karaptdapat sila mag-invest sa kumpanya mo. You need to be trusted to gain high. Second, people will love you if you have good attitude.. lahat nakakonek yan.. third, how can you handle a huge responsibility if can't handle yourself well?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Eros.. somehow, nagets ko na kung bakit tinanggalan ng mana ng papa ni Luther, siya. He has attitude problem.. sobrang carefree niya at walang pakialam sa mundo. Sugarol na, babaero pa! Minsan nga nasabi niya sa akin na pati niya sex life niya ay pinanghimasukan na ng papa niya. Halos hindi nga ako makahinga kakatawa non eh.
"Eh paano kung nagbago naman?" Parang tangang tanong ko kaya kumunot ang noo niya. Malamlam siyang tumingin sa akin na parang sinusuri ako. "Are you refering to someone?" Nakita ko kung paano siya lumingon kay Luther na nahuli kong nakatingin sa amin. Seryoso lang ang mga ni Luther hanggang mag-igting ang kanyang panga. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Why is he look pissed?
"Ofcourse not, di ba pwedeng random thoughts lang?" Umirap ako kaya napahalakhak siya ng mahina.
"Well, if he is really changing.. maybe he deserves a chance." Naging seryoso si Eros. "Pero lahat ng bahay dapat ginagawa mo ng may puso.. ginagawa mo hindi dahil kailangan mong gawin, kundi yun ang gusto mong gawin."
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
18. Not Real
Start from the beginning
