Friendship and Relationship

23 0 0
                                    

Chapter 1: Friendship & Relationship

"Sophie, uwi na tayo." Sabi ni Brian na atat na atat na umuwi.

*Si Brian Ghon yung gwapo na blonde. 5"9 ang height at half-filipino, half chinese siya. 16 years old. 4th year sila.

"Shush! Hindi pa nga nag be-bell, atat ka na agad." Sabi ni Sophie habang nakikinig sa guro.

*Si Sophie Malapi, matalinong nerd na mahilig makinig sa guro. Mahilig sa Math at Science. Brown buhok at 5"0 height niya. 16 years old din.

"Ang tagal kasi ng oras! 20 minutes? More like 2 hours!" Pasigaw na pabulong na sinabi ni Brian.

"OA mo bes." Sabi ni Sophie habang nakangiti.

"Sophie and Brian! Manahimik kayo." Sabi ng guro.

"Yes, ma'am." Sagot ng dalawa.

After 20 minutes...

"Hay nako. Tapos na rin." Sabi ni Brian na may ngiti na kasing laki ng buwan.

"Natawag tuloy tayo ni ma'am. Kulit mo kasi." Sabi ni Sophie na nakasimangot na very fake.

"Sige na, uwi na tayo. Laro tayo ng bago kong console." Masayang sinabi ni Brian.

"Ge." Ayun lang ang sagot ni Sophie sa boyfriend niya.

"Hoy!" May narinig silang sumigaw.

Tumingin sila sa labas ng classroom at nakita si Jerimay na kumakaway.

*Jerimay Pankatan, isang talentadong dalaga, kaya sumayaw at gawin lahat ng sport. Average lang scores niya sa academics perovok na yun diba. Marunong kumanta at may blonde na buhok. Dyed. 5"7 yung tangkad niya. Alam mo na age niya

Kinuha na nila ang bag nila at lumabas ng classroom.

"Jerimay! Gusto mo sumama mag laro sa bagong console si Brian?" Tinanong ni Sophie.

Ngumiti si Jerimay pero nawala agad yun nung siya'y humikab.

"Hindi eh. May practice pa ako sa volleyball. Pati kailangan niyo ng freetime ni Lovey-Dovey." Sinabi ni Jerimay habang nakangiti.

Siya'y naglakad paalis papunta practice.

'Ok lang kaya siya? Parang hindi naman siya masaya. Baka pagod lang siya.' Sinabi ni Sophie sa isip niya.

"Halina Sophie." Sabi ni Brian habang hinihila na si Sophie papunta sa kotse ni Brian para makapaglaro na sila.

"Ge ge." Sabi ni Sophie papunta ng kotse ni Brian.

Pagpunta nila sa bahay ni Brian, naglaro na sila ng Tekken. (I definitely don't own this.)

"Oh oh oh. Wala ka sa Alisa ko!" Sabi ni Sophie.

"Wala ka naman kay Leo. He's the best!" Sabi ni Brian habang naka-focus siyang mag-button mash sa controller niya.

"Babae 'yon, bugok!" Sabi ni Sophie habang naglalagay si ng ten-hit combo sa character ni Brian.

"Wew! Lalaki 'to." Sabi ni Brian na hindi naniniwala.

"Sure, babe." Sinabi niya habang kinocombo nanaman ni Sophie si Brian.

Tapos talo si Brian.

"Yes! Sabi ko sayo hindi mo ko kaya eh." Sabi niya habang tinuturo niya ang mukha ni Brian.

Tinarayan ni Brian si Sophie tapos niyakap niya ito.

"Ang cute cute mo talaga, mahal ko."
Sabi ni Brian habang nagdradrama.

"Eww. Stop being matamis!" Biglang tumawa si Brian dito.

"Mahal talaga kita." Sinabi niya habang binigyan niya ng halik ang ilong ni Sophie.

"Mahal din kita!" Sagot naman ni Sophie.

Nagyakap lang sila. Nung dumilim na, hinatid na ni Brian si Sophie sa bahay nila.

***

Jerimay's POV:

"Bakit ang sakit ng puso ko kapag nakikita ko sila." Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad pauwi.

'Baka kasi wala na siyang time sakin at mahal ko na siya.

'Ano ba ito! Pareho kaming babae! Paano ko siya mamahalin.' Sabi ko sa isip ko at tumingin na lang sa taas at ako'y nag sigh.

'Anong gagawin ko sa buhay ko'

To be continued...

***

Author's Note:

Sorry kung maikli.

Sino ba Mahal Ko?!Where stories live. Discover now