"Nakita mo ba kung saan dumaan ang Prinsesa Cassandra?"

"Cassandra pala ang pangalan ng babaeng iyon." Naisip ni Emmanuel.

"Mukhang dito ko siya huling nakitang dumaan." Tinuro ni Emmanuel ang ibang daan kung saan hindi dumaan si Cassandra. Napagtanto niya na mukhang dapat makatakas ni Cassandra sa mga guwardya ng palasyo.

Hinintay niya na munang tuluyang mawala sa kanyang paningin ang mga guwardya, bago tahakin ang daan kung saan dumaan din ang prinsesa.

Isang napakalawak na mala-Hardin ng Eden ang bumungad sa mga mata ng binata. Kaagad na hinanap niya ang prinsesa na sa tanda niya'y nakasuot ng parang pang-maharlikang kasuotan ng sinauna.

Isang pag-uusap ang naulinigan ni Emmanuel.

"Pero Laurel . . ."

"Ang prinsesa!" bulalas niya sa kanyang isipan. "At sino 'tong kausap at kasa-kasama niya?"

"Cassandra, tingnan mo ako. Tingnan mo ang sarili mo. Tingnan mo ang sitwasyon nating dalawa. Magkakaiba tayo ng pamumuhay. Alam mo naman 'di ba na hindi pwedeng magsama ang isang maharlika . . . at ang isang kagaya ko?" sabi ng lalaki at hinawakan ang mga palad ng prinsesa. Napahikbi ang magandang dalaga at nagpatuloy ang lalaki sa pagsasalita. "Dahil 'pag nalaman nila, ng mga tao sa palasyo . . . bibigyan nila tayo ng kaukulang parusa, alam mo iyon. Kaya hindi tayo pwedeng magsama. Isa kang prinsesa, maganda ang kasuotan at malinis. Samantalang ako . . . tingnan mo ako, Cassandra, isa lamang akong hamak na hardinero ng kaharian. Isang alipin. Marumi. Mabaho. Sino ba na matino ang mangangarap na ako'y mapangasawa sa pangha" Hindi na natapos ng binata ang kanyang sinasabi ng biglang lumuhod ang prinsesa.


"Pero ibahin mo ako sa kanila, mahal kong Laurel! Mas pipiliin ko pang ika'y makasama, magkaroon ng hindi marangyang buhay, basta't ika'y nasa mga bisig ko. Oh Laurel ko! Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito?" pagsusumamo ng dalaga.

"Cassandra, makinig ka hindi kita mahal. Kaya—" Sa ikalawang pagkakataon ay naputol na naman ang dapat na sasabihin ng binata sapagkat bigla na lang umatras ng anim na beses ang prinsesa, at may hinilang babae mula sa likod ng mga halamang rosas. Nandoon ito at nakikinig sa usapan ng dalawa.

Felicita [Short Story]Where stories live. Discover now