CHAPTER III *not so nice to meet you*

9 0 0
                                    

*Mae's POV*

Kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa may subdivision namin. As usual, tanghaling tapat at mainit kaya tahimik ang paligid.

Kainis. Lugmok ako =^=

"Ibigay mo na sabi samin yung susi ng kotse mo eh!"

"Ayoko nga sabi eh!"

o.o

Hinanap ko agad yung nagsisigawan na yun at nahagip agad ng paningin ko ang isang lalaking tingin ko'y ka-edad ko lamang na pinagtutulungan ng tatlong impaktong goons.

Hindi ako nag-atubiling lumapit doon.

"Hoy! Tigilan niyo nga yan!" pigil ko sa kanila kaya nilingon naman nila ako agad.

"U-uy M-Mae O.O" gulat na bati sa akin nung isa sa mga goons na yon.

"Sinabi ko bang batiin mo ako?? Ang sabi ko tigilan niyo siya!" turo ko pa dun sa lalaking halatang anak-mayaman na hawak-hawak nung dalawa pang goons.

"Mae naman.. tinuturuan lang naman namin siya ng leksyon kas-"

"At kelan ka pa naging teacher eh hanggang grade 4 nga lang natapos mo?!" sabay batok ko sa kanya kaya napakamot naman siya sa ulo niya.

Gantong badtrip ako, wag niyo akong simulan.

"B-bitawan niyo na nga siya!" parang batang utos nung leader nung tatlong goons sa kanila.

Agad naman nila itong binitawan.

"Kasi naman.. Sinuwerte na nga naudlot pa." pagmamaktol pa nung isa sa mga goons.

"MAY SINASABI KA?!" maangas na tanong ko sa kanya at agad naman siyang umiling. "Kung gusto niyo ng pera, magtrabaho kayo ng marangal. Ang lalaki nga ng katawan niyo, sa masama niyo naman ginagamit. Siya, LAYAS!" nagitla sila sa sigaw ko at agad na umalis. Sinundan ko pa sila ng tingin hanggang sa tuluyan silang mawala sa paningin ko.

"S-salamat Miss.." napalingon naman ako sa biglang nagsalita.

Gwapo pala 'tong isang 'to. Yung three little pigs talaga na 'yon; mga insecure :P

"Mm.. Wala yon. Umalis ka na dito bago ka pa mapagtripan uli ng kung sino." walang emosyong sambit ko sa kanya saka akmang aalis na.

"Ay teka lang!" pigil niya sa akin at agad ko naman siyang nilingon "Gusto kong makabawi sayo. Kaso nakuha na nila ang pera ko," pagtuturo niya pa dun sa tatlong baboy "G-gusto mo sumama ka muna sakin? Kung okay lang?" tinaasan ko naman siya agad ng kilay at nahalata ko ang pagkagitla niya "S-sige.. Eto.." sabay kuha niya sa wallet niya at abot sa akin ng kung ano "Calling card ko; just call me if you need anything. Basta kaya kong makatulong, tutulungan kita." pilit na ngiting ani niyaat kinuha ko naman yung calling card niya raw. "By the way.. I am Kiko." paglalahad niya pa ng kamay niya.

"Ako si Mae." kung inaakala niyong nakipagkamay ako, nagkakamali kayo kasi inapir-an ko siya.

"A-ah.. Hehe.. nice to meet you." ilang na sabi niya sa akin matapos makipag-apir.

"Ah sige." walang emosyong sabi ko saka siya tuluyang tinalikuran.

"Ihahatid na kita sa inyo Mae!" sigaw pa nitong Kiko na 'to.

BUHAY MAGANDA <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon