CHAPTER IV *Lola is <3*

10 0 0
                                    

*Mae's POV*

Nandito ako ngayon sa isang napakagandang simbahan na napapalibutan ng makukulay na bulalaklak. Batid kong may ikakasal ngayon.

"Andito ka na pala anak." naluluhang salubong sakin ni Papa na talagang ipinagtaka ko. "Napakaganda mo ngayon anak.." dagdag pa niya kaya agad naman akong napatingin sa sarili ko.

O.O

"B-bakit ako nakaputing gown?!" gulat na tanong ko kay Papa kaya kumunot naman ang noo niya.

"Wag ka namang parang tanga dyan anak. Ngayon ang kasal mo, nagka-amnesia ka ba bigla?" hindi ako nakasagot agad sa sinabing iyon ni Papa.

Ikakasal?? Ako?? o.O

>___________<

Natigilan ako nang dahan-dahang bumukas ang pinto nung simbahan saka naman ako inalalayan ni Papa papasok sa loob.

Napakaraming tao sa loob. Lahat sila'y masaya at nagpapalakpakan habang nakatingin sa akin.

Queen ina. Ikakasal nga ako >_____<

Sa di kalayua'y natatanaw ko ang isang lalaking naka-all white na masayang nakatitig sa akin ngunit tanging ang mga ngiti niya lang ang nakikita ko ng ayos dahil kasalukuyan kong hindi suot ang salamin ko.

Palapit na kami ng palapit sa may altar..

Nang bahagya ko na sanang naaaninag yung mukha nung lalaking nakaputing kasuotan..

"ATE HOY!!!!!" napabalikwas ako ng bangon sa sigaw na iyon saka ko hinarap si Mythos na tila ba'y gulat sa reaksyon ng mukha ko. "Namumutla ka Ate.." gulat na sambit niya pa kaya napahawak naman ako sa mukha ko. "Ikukuha kitang tubig." dali-dali namang lumabas si Mythos saka agad ring bumalik dala ang isang basong tubig na ininom ko rin naman agad. "Ano bang nangyari sayo?" alalang tanong nito.

"Nanaginip kasi ako.." mahinahong sambit ko habang napapatulala. "Ikakasal raw ako." napasulyap pa ako sa kapatid ko pagkasabi ko nun.

o.O <-- Si Mythos

 Pero biglang..

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" taka kong pinagmasdan ang kapatid ko. "Dapat nga matuwa ka pa sa panaginip mo eh. HAHAHAHAHAHAHA!" nagets ko yung ipinahihiwatig niya kaya naman binatukan ko sya. "Aray naman Ate." natatawa-tawa pa ring reklamo nito. "Pero anong itsura nung mapapang-asawa mo? Mukha bang mayaman? Ha?" excited na tanong nito kaya muli ko itong binatukan.

"Kahit kelan ka talagang bata ka eh no!" inis na pangaral ko rito kaya bahagya siyang napakamot sa ulo niya. "Anong oras na nga pala?" agad naman napatingin si Mythos sa relo niya.

"4:30-"

"ANO?!" gulat na bulalas ko rito saka dali-daling naligo't nagbihis.

5pm ang pasok ko sa pinagtatrabahuhan kong fast food chain. -_______________-

Dali na naman ako nito kay Manager >.< 

"ATE! TEKA LANG!" tawag sa akin ni Mythos bago ako tuluyang umalis saka naman siya dali-daling lumapit sa akin at may inabot na papel kaya agad ko naman iyong kinuha at binasa kung anong nakasulat.

"ANO?! RECOLLECTION LANG 10,000PHP NA?!?!" nanggagalaiting tanong ko kay Mythos na agad namang napapahiyang napatungo kaya huminga naman ako agad ng malalim saka pinilit ngumiti. "Sige sige, next week tayo magbabayad." iniangat niya ang paningin niya sakin saka ako niyakap.

BUHAY MAGANDA &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon