We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Para sa'yo aking Ama

159 1 0
                                        

Sa bawat araw ika'y ginugunita,
Pilit inaalala mga sandaling kasama ka,
Bagama't tila nalimot na,
Puso ko'y hanap-hanap ka pa rin sa tuwina.

Bawat pagdurusa'y pilit kinayanan mo,
Bawat problema'y pilit nilutas mo.
Ang lahat ng pagod at sakripisyo'y kinalimutan mo,
Sa pangarap na kami'y maitaguyod mo.

Kay tagal na nung huli kang mahagkan,
Halik na alaala na lng ng kabataan,
Bakit kailangan mo pang lumisan?
Lumisan sa panahong ika'y aking kailangan.

Pilit bumabangon sa banging pinagkakalugmukan,
Pilit itinatayo ang banderang 'yong iniwanan,
Aking 'itay, muli ka sanang masilayan,
At mayakap kahit sasandali man lamang.

Sa 'king pangungulila'y naisulat itong mga salita,
Bagama't 'di mo na mababasa pa,
Ni maririnig 'tong handog na tula,
Nais kong malaman mong minamahal kita.

Alam kong huli na,
Ngunit ano pa nga ba'ng magagawa?
Aking ama, sa'yo ako'y nangungulila,
Nas'an ka na nga ba? Ika'y hanap hanap pa.

Ngunit para saan pa kung alam ko namang wala ka na,
Wala na rin namang kwenta itong tula.
Tulang para sa iyo aking ginawa,
Aking ginawa 'pagkat sayo'y nangungulila.

Alam ko namang hindi mo na ito mababasa,
Pero sa simpleng paraan ay babatiin pa rin kita.
Sa araw ng mga ama'y 'di ko kayang limutin ka,
Maraming salamat, mahal kita, aking ama.

(Para talaga dapat to sa Father's day eh kaso di ko na naipublish... hahahaha!)

Tagalog PoemsStories to obsess over. Discover now