Chapter 5

8 0 0
                                    

"Ah! Aray! Aray! Dahan dahan please?" tinaasan ko lang ng kilay ang lalaking pabibo na nasa harapan ko. Ang tapang makipagbugbugan pero sa alchol na may betadine umaaray!

"Tish. Can you please make it gentle?" sabi naman nung isa pang matapang sa bugbugan. Di ko inakalang may tinatagong tapang itong si Remus.

Hindi ako nabriefing na ang totorpe torpeng lalaking ito eh malakas palang sumuntok. Putok nga ang noo ni Stefan sa kanya eh, tapos sya putok labi dahil mas malakas si Stefan. Sanay kasi ang isang 'yan sa away, dalawa sila ng Kuya Goerge.

"Talagang sinasadya ko diinan kaya magtiis kayong dalawa! Akala ninyo kasi mga imortal kayo kung magsapakan! Tapos a-aray aray naman kayo ngayon?!" pataray kong sabi at sabay na muling umaray ang dalawang ito.

Tapos na ang pool party, natapos nang dahil sa gulo nila. Nabwisit ang host ng party na kaibigan ni Remus at pinalabas lahat ng guests kaya eto kami ngayon sa labas naggagamutan.

Buti nalang din at boy scout itong si Remus dahil may first aid kit sya sa loob ng sasakyan.

"Kasalanan mo kasi 'to" paninisi ni Remus kay Stefan.

"Why is it my fault? I'm just concern. Amber is my bestfriend's youngest sibling." Lihim na naman akong nasaktan sa pagkakasabi niyang iyon.

Sanay na akong ganyan ang laging sinasabi nito sa iba kapag nagpapakita ng concern pero masakit pa rin pag naririnig yun! Kaya madalas pinipili ko nalang di magpa-apekto.

"May pahawak hawak ka pa kasi Pre!" gigil na sabi ni Remus.

"I didn't touch her Bro! Wag kang praning! Boyfriend ka ba?"

"Bakit ikaw kung makapag-care? Boyfriend ka rin ba?!"

"Hindi ba talaga kayo titigil?!" gigil na ring saway ko at nameywang na sa harapan nila. Tatawa tawa naman si Vern sa may gilid. Nagkapaliwanagan na nga kanina tapos ayan at nag-uumpisa na naman silang mag-away. Parang mga sira!

"Bakit ka kasi nakasuot ng kita yan?" nginuso ni Remus ang parteng dibdib ko at tinaliman ng tingin ang katabi na halatang nagpipigil ng inis na muli itong masuntok.

"Ay wow ha? Kasalanan ko pa? Saka ikaw na rin naman maysabi na hindi naman revealing ang suot ko kanina bago tayo pumunta tapos ngayon nagrereklamo ka?" Inis kong bwelta na ikinatahimik nito at ikinatawa naman nung isa. Bwisit eh, mapang-asar pa!

Nakajacket naman na ako ngayon hindi tulad kanina. Pinasuot sakin ito ni Vern nung pinalabas na kami ng party at malakas kutob kong sa babae ni Stefan ito. Eto yung amoy ng pabango nung phyton eh! Kung hindi lang kelangan nuncang isuot ko 'to!

Matapos ang gamutan session namin ay nagsi-uwi na rin kami. Hindi na ako nagpahatid kay Remus kasi iisa lang naman ang way namin nina Vern kaya sa kanila na ako sumabay.

"Anong drama mo kanina brother ha?"

"Ako?" painosenteng tanong nito. Na busi-busyhan sa pagmamaneho.

"Malamang ikaw. Ikaw lang kapatid ko dito no! Dami mo drama kanina. Papansin ka kanina alam mo ba yun!"

"Parang wala akong maalala."

"Walang maalala? Eh sinabi mo lang naman kay Remus na bawal ako ng seafood at matatamis." dagdag ko sa tanong ni Vern dito.

"Totoo naman sinabi ko. It's merely a fact so what's wrong with that?" anito na halatang nagpapainosente pa rin gaya kanina.

"Pero hindi mo naman kelangan ganunin siya no! Napahiya sayo yung tao. Nagpapa-impress yun kay Tisha tapos eh sinisira mo diskarte! Duh!"

Way back to YouDär berättelser lever. Upptäck nu