Chapter 1

42 0 0
                                    

Way Back to you - He's back.

"Ayun o! Ang ganda na naman ng umaga ko! Hi Tisha!" Narinig kong sabi ng isang lalaki, tiningnan ko sya at nginitian. He is Kevin, ahead siya ng one year sa batch ko, at isa rin siya sa mga fan boys na umaaura sa paligid ko, kilala ko siya kasi magka-org kami sa sports club.

"Naks naman ang sweet talaga ng crush ko! Ingat ka sa paglalakad. Mamahalin mo pa ako!" Pa-boyish na ngumiti siya na ikinatawa ko.

"Baliw!" Saka iiling iling na lumakad na lang ako papunta sa college building.

Yep college student na ako hindi lang halata pero nasa fourth year na. Maaga akong nagschooling. I think mga four or five years old. And I'm taking up Bachelor of Science in Business Administration. Nung una ayoko ng course na 'to pero wala akong magagawa ito ang gusto ni Papa.

Later on naintindihan ko din sya. Wala nga naman syang ibang pag-iiwan ng mga business nya kundi kami lang na mga anak. Noon ko lang din naintindihan kung bakit hindi tumututol ang nakakatanda kong kapatid, si Kuya Tristan at  pinagbibigyan nito palagi ang gusto ng Papa.

"Hey Tish!!" Biglang tawag sakin ng isang tinig, si Veronica iyon, isa sa mga close friends ko hinintay nya muna akong makalapit bago nito  itinuloy ang pag-akyat sa hagdan, actually tatlo lang talaga sila na close ko since highschool.

Mga false kase yung iba. Nakikipagfriends lang saken kasi alam nilang kapatid ko ang President ng student council, kami ang owner ng school na'to and lastly ay dahil isa akong vlogger. They all want my famous name, not the real me.

"Asan si Jastine?" Tanong ko pagkalapit palang kay Vern. Siya ang huling kasama nito kanina sa open field. Nakita ko kasi sila kanina nung nagpunta ako sa tambayan para iwan ang ibang dalang gamit.

"Ayun she's making ligaw na naman kay Hiro! Lande nun eh! Ke bata bata! I'll make sumbong nalang siya kay Kuya Emman later!" Pa-conyo niyang sagot. Napangiti ako, naalala ko kasi ang dating ako. Haha ganun pala kapag nagmamatured na, nagbabago na ang mga dating nakasanayan mo.

"Ate Tish!! Ate Vern!!" Napahinto kami sa may hagdan, nilingon namin ang tumatawag na si Jastine hingal na hingal sya nang mahabol kami.

Ambilis nyo naman! Reklamo agad nya habang nakakapit sa braso ko. "Ayan ligaw pa more! Kaya your always bagal eh!" Komento kaagad ni Vern.

"Hala Ate Vern ang hard mo ah? Masama bang magmahal? Killjoy neto! Palibhasa hindi ka magiging type ng kapatid ko kahit magbinata pa sya!" Anito na ang tinutukoy at ang kakambal niya na si Inigo.

They were like cat and dog when they fight kaya sanay na kami ni Inigo. Nakakatuwa nga kung sakaling maging mag-hipag sila in the future haha. Age doesn't matter naman diba when it comes to love.

Actually mga pamangkin ko sina Jastine at Inigo, anak sila ng Kuya Emman. Hindi nila ako tinatawag na Tita kapag nasa school dahil ako na rin ang may sabi. Masyado kasing nakakatanda haha.

Grade 8 palang silang dalawa pero matured na silang magsalita. Namana ata nila Kay Kuya Ethan ang pagiging ganun or kay Kuya Stanley or pwede ring kay Kuya Xian. Ah basta yun na yun.

Magsasalita sana si Vern nang bigla na lang syang mapanganga tapos biglang tinakpan yung bibig nya saka impit na tumili.

Kasunod nun ang pagtili na rin ni Jastine at ng iba pang babae sa paligid. Kukurutin ko talaga to sa singit si Jastine, ang harot!

Napadako yung tingin ko sa lalaking papalapit sa amin. Biglang tumibok yung puso ko ng malakas tapos uminit yung buong mukha ko. I was not dense alam ko yung gantong feeling naramdaman ko na 'to noon. Ang feeling na minsang nagpahamak sakin.

Way back to YouWhere stories live. Discover now