Chapter 3

14 0 0
                                    

Way Back to you - Confession

Hindi ko na nagawa pang umakyat ng aking silid nang makapasok kami sa loob ng bahay, nanlalabo na kasi ang aking paningin dahil sa luha.

This tears made my eyes clouded, I'm feeling pain again. Same as what I've felt before. Akala ko nawala na. Hindi pa pala...

"Sinabi ko naman na kasi sayo, wag na siya. You knew that Kuya Goerge won't ever like it. Stop making the same mistakes you did before. Just forget him. Madami namang iba." seryoso ang mga mata ng Kuya Wes. Ramdam ko iyon sa bawat words na sinasabi nito.

Napa-angat ako ng tingin. Nakapamulsa ito habang nakamasid sakin. Apaw na ang mga mata ko sa luha. Kahit na kasi anong gawin ko, nasasaktan pa rin ako kahit wala naman akong karapatan sa lalaking iyon.

I feel like I'm lost and I needed someone to pick me up. "Kuya..."

"Shh... Tama nang pagda-drama sa hagdan. Panget ka na lalo ka pang papanget. Maawa ka naman sa mga magiging future pamangkin ko. Huwag mo nang ipasa ang kapangitan, tama nang sayo lang!" aniya na kinotongan pa ako sa ulo. Sadista. Alam na ngang umiiyak ako eh!

"Ewan ko sayo!" Hinampas ko muna sya bilang ganti bago pinunasan ang aking mga luha. Kasi naman lagi nyang sinisira yung moment. Yung nandun ka na sa peak ng emotion tapos bigla ka nyang iiwan sa ere at lagi nyang dadagdagan ng kalokohan yung mga seryosong usapan.

Hinila niya ako ng konti payakap sa kanya at marahang tinapik tapik ang aking likuran. This is really the best hug for me. Masasabi kong swerte pa tin ako at may kapatid akong nag-aalala para sakin.

"Don't make him as part of you as if he is the owner of your heart because in the first place it was yours to own. Take care of yourself first okay?"

Naliwanagan ako ng kaunti sa sinabi nya. He was just two years older than me but then mas matured na siyang mag-isip kumpara sakin. Eh diba sabi nila late daw magmature ang mga boys, so dapat mas matured ako sa kanya kahit mas matanda sya sakin.

And I just realized now, how lucky I am being the youngest of the family because all their attentions are all up on me. Kung baga sa gangster or mafia eh ako yung boss na dapat protektahan ng lahat.

"Thanks Kuya." Hinagkan ko sya sa pisngi ko dahil ang overwhelming ng kanyang sinabi. Sweet nya eh. Natouched ako. Kaso sinamaan nya ako bigla ng tingin pagkatapos kong gawin yun.

"Tama na yung thank you lang, wag na yung hahalik pa! Kadiri pa naman yung laway mo!" Reklamo nito saka inagaw ang bag ko at inilabas ang alcohol at nilagyan ang kanyang pisngi.

Napairap nalang ako sa kawalan. Minsan rin, nakakainis ang isang to! Di marunong mag-appreciate ng affection pabalik. Saka hindi naman kadiri ang laway ko dahil in the first place wala namang laway ang pisngi nya!

"Dyan ka na nga, ang arte arte mo!" Inagaw ko pabalik ang bag kasabay ng pag-irap at saka padabog na umakyat paitaas. Nirenovate kasi ang bahay namin, nawala na ang elevator pinatanggal na ni Papa kasi muntik nang madisgrasya noon si Ace, yung isa sa mga anak nina Kuya Jacob at Ate Anya.

Dinig ko pa ang pagtawa ni Kuya sa ibaba bago sumigaw na naiwan ko raw yung alcohol. Di pa nakuntento, tinawag pa ulit akong panget. Tse! Bahala nga sya dyan! Mag-eedit pa ako ng new vids ko para sa vlog na ipo-post ko bukas.

---

Maaga akong pumasok dahil may lakad raw si Kuya Wes. Maaga kasi nya akong ginising para ihatid sa school.

Saan naman kaya pupunta ang isang yun?

Madalas kapag wala itong klase at hinahatid ako wala syang ibang pinupuntahan, unlike today. Nanibago ako bigla sa kanya.

Way back to YouWhere stories live. Discover now