Chapter 14: Ambon

45.6K 1.7K 231
                                    

CHAPTER 14

"Paano ba patitilain ang bagyo kung ang gusto mo lang ay ambon?"

- Ambon by Migz and Maya


Napabalikwas ako at nagising dahil sa pagkasilaw sa araw. Pagdilat ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang bukas na bintana. Pinagmasdan ko ang aking paligid, saka ko lang napansin na nasa ako pala ay nakatulog sa cabin ni Apollo na malapit sa Artemis Lake. 

At nakaunan pa rin siya sa lap ko... kung saan ko siya huling nakausap.

Shit.

Nasa cabin pa rin ako. Anong oras na? May pasok pa kami! 

Oh lord... Nangyari ba talaga 'yung nangyari dito sa sofa? Muntikan ko ba talaga siyang hinalikan? Oh my God. Sinabi niyang hindi ako mawala sa isipan niya!

"Antok lang 'yan. May pasok pa tayo bukas. Go to sleep na," naalala kong sinabi sa kanya bago ko nilapat ang palad ko sa mga mata niya.

Fucking hell. Anong ginawa niya? Anong ginawa KO?

Hindi ko na muna dapat iniisip 'to ngayon. Ang kailangan kong gawin ay gisingin si Apollo at umuwi ng Casa Arcangel. Kailangang makahabol kami sa classes namin! Monday na Monday at late na kami.

Tinignan ko si Apollo at sinulit ang huling oras na kaya ko siyang titigan nang ganito kalapit. Kung hindi lang talaga bawal, Apollo.

I sighed. Ito ang problema sa pagiging matapang all the time. Ang hirap kapag fearless ka. Tingin mo lahat kaya mong harapin. Pero minsan nabubulag ka na sa tapang at hindi mo nasusukat nang maayos kung mananalo o matatalo ka ba sa laban. 

Akala mo panalo ka na, pero bibiglain ka ng tadhana at ipapakita niya sa'yo ang katapat mo... 'Yung taong alam ang kahinaan mo o 'yung taong magpapahina sa'yo.

Sabi nga nila, it's all fun and games until someone falls.

Pero kaya ko pa naman pigilan. I'm not there yet but I'm so close.

And I'm not sure if he's going to be my 'weakness'.

Isa lang ang sigurado ko. Sa sitwasyon naming dalawa, I know he can't be the one.

"Apollo," I called his name as I lightly tap his cheek. "Apollo, wake up. Late na tayo."

Hindi siya natinag sa mapayapa niyang pagtulog. 

I sighed. 

"You left me with no choice, Captain Buzzkill," I whispered as I pinched his nose. Wala pang ilang segundo ay nagising si Apollo at napabalikwas. Nalaglag siya sa sofa at napatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng pagkakabagsak niya sa sahig.

"Hey, sleepyhead," bati ko sa kanya nang nakangiti habang pinapanuod siyang magkusot ng kanyang mga mata. Bakit ang cute niya? It's not freaking fair.

Binuksan niya ang kanyang mga mata at tumingin sa paligid. "Why did you wake me up just now?"

"Kakagising ko lang din," sabi ko bago tumayo. Napatili ako nang matumba ako at bumagsak sa tabi ni Apollo. "Ow! Cramps! Cramps! Cramps!"

He sat on his hunches slowly. "C'mon, I'll carry you until the cramping stops," sabi niya bago umakmang bubuhatin ako.

Tinulak ko siya palayo. "Pero may hangover ka pa! Baka malaglag mo pa ako at mas lalo pa akong masaktan no."

He sighed and just sat beside me. "Okay. Let's just wait it out."

His Girl FridayTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang