"It's a good thing we have our spare bikinis, swimming tayo sa pool ninyo!" umakyat si Maxxine para samahan ako magbihis habang sina Bianca naman ay tinutulungan daw sina Manang na mag barbecue 


Kami lang at nina Manang ang nasa bahay, iyong guards ni Daddy ay kasama nila kaya pinagbigyan ko na si Maxxine sa gusto niyang mag parehas daw kami ng bikini na susuotin.


"Tiara's here!!!" sigaw ni Maxxine nang lumabas kami ng kitchen, nasa pool na si Bianca at Nick habang si Karlie ay kasama sina Manang sa pagluluto.


"Hala, Manang. Kami na po dyan." sabi ko nang lumapit kina Manang


"Naku, patapos na ito. Doon na kayo at lumangoy,sama mo na rin si Karlie at baka maubos ang kakainin niyo." biro ni Manang, she's with us for fifteen years already kaya kilala niya ang mga kaibigan ko


"Manang ah! Binubully mo ako! Hindi na ikaw yung favorite ko!" kunwaring nagtatampo si Karlie at tumawa lang ang mga katulong sakanya


Inasar siya ni Nick at binasa ng tubig. Umilag ako dahil wala pa ako sa mood mabasa, mas gusto kong kumain muna.


Nang luto na ang pagkain ay umahon na ang dalawa at nagsimula na kaming kumain. Pinag-usapan na namin iyong magiging surpresa sa birthday ni Shaira, yayayain namin ni Nick at Maxxine si Shai sa dancefloor at ididistract habang si Karlie at Bianca naman ay may dalang cake at balloons at lahat ng tao ay kakanta ng happy birthday. 


"May hinanda rin akong lalaki para maging masaya naman siya." tumawa si Nick sa naisip niyang ideya


"Ano ba iyon? Bridal shower? Kadiri naman yang gift mo." umirap si Karlie


"Asus, kung alam ko lang makikinabang ka rin sa regalo ko." umirap rin si Nick, umiling ako at napatingin kay Maxxine na walang reaksyon sa pinaguusapan sa hapag.


Nanatili siya sa kanyang phone at seryosong nakatingin doon. Siniko ko siya at baka may kaaway ito.


Ngumiti siya at pinakita sa akin ang kanyang phone "My parents said yes, pinayagan nila akong matulog sainyo!" and with that, nagpaalam na rin ang iba na matulog dito. I know they're doing that for me, for me not to overthink and I'm grateful for them.


Hindi ko pa nabubuksan ang aking cellphone dahil pagkagising ko ay agad ko silang hinahanp at minadali ako ni Maxxine sa pagbihis kaya hindi na pumasok sa utak ko ang aking phone. I want to talk to him about that pero sa ibang araw na lang, ayokong maging emosyonal habang nandito ang mga kaibigan ko.


Nilabas ni Bianca ang kanyang mahiwagang phone at nagsimula nanaman silang mag photoshoot, sa amin palmtrees, sunlounger, outdoor bar, jacuzzi at iba pa. Pilit na nagrereklamo si Karlie na bakit kailangang busog siya at doon magpipicture taking


"Ang laki tuloy ng tiyan ko sa pictures!" sigaw niya at hindi na sumali sa picture taking at niyaya akong lumangoy na


Ang party person na si Nick ay naghanap ng wine kaya umakyat na kami para maligo at tumambay sa balcony ng aking kwarto para mag-chill at uminom ng wine 

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now