Na hindi ko na magagawa simula ngayon. Dahil umalis na sya.

May narinig akong nagsabi sa akin dati na kapag feeling mo daw, down na down ka, kailangan mong ngumiti. Kailangan kong ngumiti. Ire-replace noon ang kalungkutang nararamdaman ko.

Pero ngayon, hindi ko mai-unat ang mga labi ko. Hindi ko magawang ngumiti. Ang hirap, hindi ko kaya.

"Huy, anong ginagawa mo dyan? Tumayo ka nga." Nadinig kong sabi ng isang lalaki.

Kilalang kilala ko ang boses na iyon kaya naman nilingon ko kaagad ito.

"Alam mo, para kang siraulo kanina. Bakit mo ginawa 'yun? Bakit mo pa ako hinabol? Pabalik naman talaga ako kasi nakita kita." sabi ni Renz.

Tumayo ako. Tinitigan ko muna si Renz ng ilang segundo.

At saka ko siya hinampas ng malakas sa balikat.

"Aray ko, sakit!" Sabi nya.

And without saying anything, binigay ko sa kanya 'yung maliit na chakang penguin.

"Ano 'to?"

Tanong niya. I heaved a sigh.

"Gamit 'yan pangkulam. Baka maisipan mong kulamin ako tuwing mami-miss mo ako pag nasa Canada ka na." Sabi ko.

Pinanliitan nya ako ng mata.

"Baka gusto mong kulamin talaga kita?" Sabi naman nya. I chuckled.

"Ano pa ba 'yan, edi remembrance! Paalis ka na't lahat ang slow mo pa rin," sabi ko sa kanya.

He smiled, "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil binigyan mo ako ng remembrance o magagalit dahil sinabihan mo ako ng slow."

"Ikaw kasi eh!"

"Ok, ok. I know. I just played dumb. Malay mo kasi diba gamit pangkulam talaga 'to? Ikaw pa naman, napakawirdo mo." Sabi nya.

I pouted. "Remembrance 'yan. Actually key chain ko dapat 'yan eh. Kaso naisipan ko na lang ibigay sa'yo kasi paalis ka. Bwiset ka kasi."

"Dapat lang. Cute naman eh. Na-appreciate ko."

Hinawakan ako ni Renz sa magkabilang balikat at tinitigan nya ako sa mga mata ko.

Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ito katulad ng dati na puno ng saya kapag magkasama kami.

"Ken, I want you to know na hindi kailangan ng remembrance para hindi kita makalimutan. Mahal kita eh, so paano ko magagawang makalimutan ka? But I still appreciate this cute penguin. Kuyari na lang ikaw 'to para kahit nasa Canada ako, feeling ko kasama kita."

"Subukan mo lang ibigay 'yan sa magiging jowa mo don sasapakin talaga kita!"

"Jowa?!" Hinawakan ni Renz ang kamay ko at nilagay nya ito sa dibdib nya, "eh mukhang wala nang balak nitong tumibok sa iba eh, sa'yo lang. So paanong magkakajowa ako sa Canada? Ken, wala akong pake kahit i-reject mo ako ng ilang beses. As long as ikaw ang tinitibok nito. 'Wag kang mag-alala, hindi naman kita pipigilan sa gusto mo. At sinisigurado ko sa'yo,"

Hinigpitan niya ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"...babalik ako."

~*~

Monday morning. Tamad na tamad akong bumangon sa higaan ko. Wala na akong makakakulitan sa school. Ako na naman mag-isa. Kung sabagay, sanay naman ako sa ganoong set up. But still, nakakapanibago pa rin na wala na talaga si Renz.

Ipagpapatuloy nya doon ang pag-aaral nya. At sa pagkakaalam ko rin, kailangan sya doon ng tito nya, or papa nya ata 'yun dahil may kailangan syang i-verify na mga papeles which bawal dalhin dito sa Pilipinas.

Pumasok pa rin ako. Hindi ko nga lang alam kung nakakain ba ako ng almusal o hindi dahil sobrang lutang ko nga kanina. Hindi ko alam kung ilang oras lang ako natulog.

Pagpasok ko sa first subject ko ay nakatingin sa akin ang mga kaklase kong nursing at kapwa ko educ. Pag minor subject kasi ay may kaklase kaming ibang course.

Umupo ako sa upuan ko at umuub-ob sa desk. Maya-maya ay may kumulbit sa akin.

"Ken, ok ka lang?" Sabi nito.

Hindi ko sya tiningnan. Umiling lang ako. Hindi naman talaga ako ok.

"Ahh, kaya pala naka NSTP shirt ka." Sabi nito.

Napabangon naman ako bigla. Tumingin ako sa suot ko at tama sya, naka NSTP shirt nga ako. Punyemas. Lagot ako kay Prof. Lee nito.

"May assignment ka?" Tanong pa nya. Ngayon ko lang na-realize na si Laydelle pala ang kausap ko.

"Wala eh. Haha," sabi ko.

"Anong nangyari? Bakit parang ang lanta mo?" Tanong nya.

Sasagot pa sana ako nang biglang maagaw ng atensyon ko ang lalaking kakapasok lang ng room.

Ang gwapo niya. Kakaiba ang dating nya. Ang lakas. Ang ganda rin ng uniform nya. Iba sa uniform naming mga educ at nursing. Ang gwapo gwapo nya. Familiar ang uniform nya. Sa pagkakaalam ko, I.T. ang may ganoong uniform. Teka, wala naman kaming kaklaseng I.T. sa subject na 'to ah? Anong ginagawa nya dito?

Inaninag ko pa ang mukha nya at nang ma-realize ko kung sino sya ay muli akong umub-ob sa aking desk.

Parang gusto ko biglang bawiin 'yung mga sinabi ko.

"Pagod lang. Saka puyat." Sagot ko sa tanong ni Laydelle.

"Puyat o broken hearted?" Tanong uli nya.

Naramdaman ko namang kumalam ang sikmura ko. Ayun ang sagot. Puyat, pagod, at hindi ako nag-breakfast.

"Oops, narinig ko 'yun. Gusto mo punta muna tayong cafeteria? Libre kita." Sabi nya.

Tatanggi na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko at pinatayo ako. Nagulat ako sa kung sino ito.

Ang lalaking kakapasok lang. Si Vincent Saavedra.

Hinila nya ako palabas ng room, at hindi lang doon. Dinala nya rin ako hanggang ground floor.

"Teka nga Vincent, ano bang ginagawa mo? Nasisiraan ka na ba ng bait?" Sabi ko at tumigil naman kami sa paglakad.

Hinarap nya ako. "I'll give you two options. Sasama ka sa akin, o..."

Medyo inilapit pa nya ang mukha nya sa akin. I held my breath.

"...talagang sasama ka sa akin?"

---

A/N:

Yow guys! May bago tayong story.

Hinahanap-hanap Kita ang title. Subukan nyo basahin guys! Yiieee babasahin na yaaan yiiieeee! Thank you for the support through reading, voting and commenting!

Onga pala, fave ko kasi si Plan Rathavit Kijworaluk kaya sya pa rin sa cover nun. Haha! Yep, ako lang po gumagawa ng cover. Hihi. Yun lungs. Thank yow!

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now