Nang makarating na ako sa tapat ng gate nila, magd-doorbell na sana ako nang bigla namang bumukas 'yung main gate. Lumabas ang isang kotse.

Oo nga pala. Dumating na 'yung kuya nyang galing SoKor.

Nang makaalis na 'yung kotse ay kinausap ko 'yung isa maid nila. Si mama Tessie.

"Mama Tessie!" Tawag ko dito.

"Ay cutiepie! Napadalaw ka?"

"Opo eh. May kukunin lang po ako kay Renz," sabi ko.

"Ay, oo nga pala." Biglang sabi ni ate Tessie at may kinuha sya na something sa loob. Isa itong maliit na box.

Inabot nya ito sa akin.

"Ano po ito?" Tanong ko. Ako na ang nagbuklat at nagulat ako sa laman nito. Ito 'yung mga aklat na balak ko pa lang kunin.

"Paano nyo po nalaman na ito yung kukunin ko sa kanya?" Tanong ko kay mama Tessie.

Ngumiti siya ng malungkot. "Ang anak kong 'yun, biglaan kasing umalis. Ni wala man lang pormal na paalam. Inihabilin nya sa akin na sakaling pumunta ka dito, ibigay ko daw 'yan sa'yo." Sabi nya.

Natigilan ako.

Muling pumasok sa isip ko 'yung kotseng lumabas kanina. Hindi kaya...

Napapikit ako. Grabe. Ang bilis. Akala ko kung kanino lang yung kotse na lumabas kanina. Akala ko 'yung kuya nya.

Sya na pala.

"Ken!" Tawag ng isang lalaki.

Napatingin ako sa tumawag at nakita ko ang isang lalaki. Ang kuya ni Renz na galing SoKor.

Nagbago ang itsura nya ng makita nya ako.

"H-hindi mo pa ba alam? Kakaalis lang nya." Sabi nito.

Alam ko, alam ko. Inulet?

Ngumiti lang ako ng malungkot at unti-unti na akong tumalikod sa kanila.

Tutal wala na naman doon ang taong pakay ko.

Naalala ko 'yung sinabi sa akin ni Paul kanina.

"It's ok. Mas ok na 'yun kesa magcountdown ka nang magcountdown dyan. Mas ok na yung surprise. Para di masyadong mabigat."

Di daw masyadong mabigat. Tangina.

Alam kong matino si Paul. Hindi ko akalaing makakapasinungaling sya sa akin ng ganun.

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa maabutan ko ang isang kotse. Nakatigil ito.

At hindi ako tanga para hindi mapansin na ito 'yung kotseng lumabas kanina mula sa gate nina Renz.

Wait, wait. Wag ka munang aalis. May ibibigay pa ako. Please, please!

Sinubukan kong tumakbo. Nagbaka-sakali na maaabutan ko pa ito. Ngunit hindi pa man ako lubos na nakakalapit ay nagsimula na uli itong umandar at umalis.

Unti-unti na rin akong napatigil sa pagtakbo. Kung tatawagin ko sya, wala nang sense. Kung tatakbo pa rin ako para habulin sya, wala na ring sense.

Dito ako bigla nakaramdam ng bigat.

Napatingin ako sa hawak kong maliit na penguin. Sayang. Ni-hindi ko man lang naibigay sa kanya.

"Renz.." I said, hopeless.

Pumikit ako. Nakakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Ayokong umiyak. Ayokong isipin ng ibang tao na ang babaw ko.

Umupo muna ako sa isang tabi. Naisip ko bigla ang lahat ng pinagsamahan namin ni Renz. Ang lahat ng kalokohang pinaggagawa namin. Kung paano kami magbiruan.

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now