CHAPTER 39- FOR REAL?!

10.6K 157 19
                                    

CHAPTER 39- FOR REAL?!

 

SUMMER’s POV

 

Nagising ako kinaumagahan dahil sa may kung anong humahalukay sa sikmura ko. napatakbo tuloy ako sa c.r at sumuka pero wala namang lumalabas. Gawd!! Im like this since yesterday. Napaisip tuloy ako kung may masama ba akong nakain. As far as i know wala naman eh.

“huy!! Tulala ka na naman.” Nakita kong nakasandal si heaven sa pintuan ng c.r. syeeeeeeet!! Bat ganun?? Bakit parang ang gwapo niya sa paningin ko??

“wa-wala.” Iniwas ko ang tingin ko kasi para bang namumula ang mukha ko. the eff!! Anong nangyayari sa akin??

“maligo ka na. pupunta pa tayo sa libing ni tito enrique. They are expecting us.” Tumalikod siya sa akin at umalis na. Tama kayo. Ngayon nga ang libing ni tito enrique. Nalaman na rin namin ang pasikot sikot at magulong mundo ng mga ramirez. Nung una, nakakagulat, pero i just realize sila nga ang para sa isa’t isa. Para bang tadhana na ang gumawa ng paraan para magkasama sila, maging kumplikado ang lahat at in the end, tadhana parin ang gumawa ng paraan para maging maayos sila.

Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko, bumaba na ako ng dining room at nasa hallway palang ako amoy na amoy ko na ang pagkain. Favorite kong bacon. Pero, sa hindi malamang dahilan, i got disappointed. Para bang gusto kong itapon ang bacon. Im craving for something else.

“hindi ka ba nagugutom?” nilingon ko si heaven na sarap na sarap sa pagkain. Waaaaahhh!! Nakakahiya naman kung magrerequest nalang ako ng basta basta diba? Pero, sige try natin?? Uwaaaahhhh!!!!

“e-eh ka-kasi... a-ano eh..” napatigil siya sa pagkain at tumingin sa akin. Ang gwapo niya!!

ANO!!! SAN GALING YUN SUMMER!! SERIOUSLY?!

“bakit?? Do you want something else?” tumango ako at nagpacute. Nakita ko namang nagblush si heaven at ang sarap sarap niyang kurutin! Pigilan niyo akoooo!!

“gusto ko ng  tapa.” I answered him. Ano ba naman to!! Dati ayaw ko ng tapa, kasi ewan ko hindi ko lang type tapos bigla bigla akong magrerequest?? Abnormal lang!!

IM INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon