Chapter 1: Anghel at Engot

Magsimula sa umpisa
                                    

Ng matapos siyang kumuha ng mga pinamili, sinundan ko siya sa counter. Sisingit na sana ako para kausapin ang babaeng anghel habang nagpa-punch si miss cashier. Pero nagpaalam ito sa kahera at umalis muna sandali. Mukhang may nakalimutan ata itong kunin.

**Scarlett’s POV***

Ay! Teka, may nakalimutan pala ako sa mga pinamili ko. Kung kelan nandito na ako sa counter eh, tsaka ko pa nalimutan. Nakalimutan kong kumuha ng shampoo. Importante pa naman yun para sa hair ko. Maarte akong masyado sa hair ko no! Sabi nila crowning glory natin yan, kaya dapat alaagan mabuti. Naks naman! Kulang nalang mag commercial ako.

Kaya sinabihan ko muna si lady cashier na may nakalimutan ako at babalik din agad ako. Shampoo lang naman kukunin ko eh.

Pag-alis ko, napansin ko ang isang lalaki. Nakayuko siya pero medyo halata na nakikita niya ako sa kanyang peripheral vision. Nakita ko rin siya kanina nung kumukuha pa ako ng mga items pero malayo na ako sa kanya nung mapansin ko siya. Malabo pa naman ang mga mata ko pag malayoan. Hindi ko tuloy alam kung lalaki ba talaga yun or I am pogay. Hahaha. Pero ang alam ko magaling siyang manamit.

Kahit nasa malayo siya kanina, malalaman at malalaman mo na maayos siyang manamit. Tapos ang buhok niya, malinis tingnan. Hindi yung pang k-pop na kung ano-ano nalang ang kulay. Tiningnan ko siyang maigi pero nakayuko pa rin siya. Nahihiya ba siya? Beki nga ata to eh!

Pinansin ko uli ang suot niya. Hmm..mukhang familiar. Saan ko nga ba nakita ang damit na yan? Patuloy lang ako sa paglalakad kasi nga pinag-intay ko pa si lady cashier pero nag-iisip pa rin ako kung saan ko nakita ang damit na iyon.

Isip-isip…

Hmmm….

OMG! Tama! Si Kuyang Engot yun! Engot kasi mukha siyang engot kanina nung binangga niya ako. Imbes na tulungan ako, naka tanga lang siya. Hayy grabee.. Pero nag sorry naman siya kaya hindi na rin ako nagalit. Nainis lang ako nung nakita kong basag na ang mga pinamili ko. :( Kaya ayun binigay ko sa kanya. Aanhin ko pa yun.

Ang engot engot mo kasi kuya eh! Tsss… Sayang, gwapo mo pa naman. Ay enebeyen! Ang landi ko nemen! Tsss…

Kaya siguro nakayuko siya kanina dahil nahiya sa nagawa niya sakin. Hmmm…

Mabilis pa sa alas-kwatro at nakabalik na ako sa counter. Wala na doon si Kuyang engot. Hahaha! Ay, natakot ata sakin.

Binigay ko na kay lady cashier ang last item. Babayaran ko na sana nung matapos ng maipunch pero …

“Ay, Ma’am, nabayaran na po lahat ng items niyo.”, at naka smile pa siya habang sinasabi yun.

Niloloko mo ba ako ate?

“Ha? Paanong nangyaring nabayaran na? Eh, ngayon palang ako nakabalik ate dahil nga nalimutan ko yang shampoo.”, nagtatakang sabi ko sa kanya sabay turo sa shampoo.

“Yes Ma’am. Pero binayaran na po ng kasama niyo.”

Kasama? Sinong kasama ko? Si ate talaga, patawa! Lokohan na to eh!

“Wala akong kasama te.”

“Ah, eh, sabi po ni Sir magkasama raw po kayo.”, napakamot pa si ate sa ulo niya. Hahaha.

“Sinong sir?”, kunot noo kung tanong.

“Si Sir Lorvin po, Ma’am.”, sagot naman nito.

“Lorvin? Wala akong kilalang Lorvin.”

Tumalikod si ateng cashier na parang may hinahanap tapos tinuro niya ang isang lalaki.

“Yun po, Ma’am.”, sabay ngiti.

Tiningnan ko ang lalaking tinuro ni lady cashier. Sino ba tong Lorvin na ito? Ang bait naman niya masyado at siya pang nagbayad ng mga pinamili ko. Siguro DOM yun. Nakuuu! Ayokong magkautang sa mga ganyan no! Baka kung ano pang hingin sakin na kapalit! Waaaahhhh! Oh my G! Nooooo!

Ang layo ng lalaki. Blurry siya sa paningin ko. Pero unti-unti itong lumapit. At ng medyo malapit na siya, ngumiti ito at kumaway.

Ang gwapo ni kuyaaaaaa! Ang ganda ng smile niya! Ang landi lang no? Hahaha.

Pero nagising ako sa katotohanang ang gwapong si Kuya ay si Kuyang Engot pala! OMG!!!

Palapit ito ng papalapit kung saan ako nakatayo. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti niya. Kitang kita ang mga mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. Pati ngipin bay pagnanasahan ko pa? Kaloka!

Nakingiti pa rin ito samantalang ako nakatingin lang habang kinukuha niya ang mga pinamili ko. Hawak-hawak niya ang mga ito gamit ang left hand niya. Ang lakas ni koya! Mabigat yun ah! Siguro ang laki ng biceps ni koya no? Ayy teka! Kung ano-ano nalang pinag-iisip ko dito!

Namalayan kong paalis na si kuyang engot na gwapo at tsaka lang ako natauhan nung makita kong dala-dala niyang paalis ang mga pinamili ko.

“Hooooyyyy! Teka, sanda-----“

Toink! At natapilok ako!

Oh Nooo! Ma-a-out balance na ako!

Kyaaaahhhhh!!!

Matutumba na akooooo!!! Siguradong babagsak ako sa sahig nito...

Boooggshh!

Aray ko po! Mukhang nabali ata ang napakatangos kong ilong. Achuchu. Hinimas-himas ko ito ng kanang kamay ko samantalang ang kaliwang kamay ko naman napahawak sa matigas na parang malambot.

Matigas na malambot?

Huh? Hindi naman malambot ang sahig, ah? Infact, matigas lang to dahil sa gawa ito sa tiles. Pero bakit malambot?

Kinapa-kapa ko ito gamit ang kaliwang kamay. Oh my gosh! Napasubsub ako sa isang malapad na dibdib! Kayo ha? Ibang iniisip..hmmm! Kalerkey kayo! Hahaha!

Kaninong dibdib ba to? Halatang macho naman.. hehehe..to rescue and dibdib niya. Yay! Kaya tumingala ako para tingnan kung sino sabay sabing, -- “S-sorry po.”, hawak ko parin ang ilong ko.

Pero pagtingin ko si Kuyang engot lang pala. Nakayukong napatingin lang rin siya sa akin. Sobrang lapit na ng pagmumukha namin. Kung wala lang talaga ang kamay ko sa ilong ko, para na kaming naghahalikan.

“Okay lang miss. I’m willing to catch you with my wide chest.”, ngumiti ito ng nakakaloko at may sabay pang kindat.

Nakatulala lang ako sa kanya habang ganoon pa rin ang posisyon namin. Saka ko lang namalayan na matagal-tagal din pala kami sa ganitong posisyon. Yung kanang kamay niya naka wrap sa waist ko while yung kaliwang kamay niya nasa butt ko. Butt?!

What?? Paanong nasa butt? Eh hawak-hawak niya yung mga pinamili ko kanina.

Dali-dali ko siyang tinulak papalayo at isang ---

Paaaaakkk!!!

Isang malutong na sampal ang inabot ni Kuyang engot! He deserves it!

Napahawak lang siya sa kaliwang pisngi niya samantalang ako, mabilis na nagwalk-out. Nakita ko yung mga pinamili ko sa isang push cart sa gilid niya. Kinuha ko ito at itinulak papalayo.

I’m about to go when I forgot to tell him something. Huminto ako at nilingon siya.

“You pervert!”, at mabilis na umalis sa kinatatayuan ko.

Nakatingin lang ang mga tao sa amin. Pero wala na akong pakialam. Masyadong nakakahiya ang nangyari tapos na manyak pa ako nung kuyang engot na iyon. Engot na nga manyak pa! Kainis! I need to get out from here as fast I can!

----

(A.Note: Sorry medyo bitin pa, pero please comment lang po tayo and vote. Salamat. Mwaah!)

One Day, Three Autumns (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon