Chapter 3 : Digging the past

6 0 0

Kaharap ko siya ngayon. Nagcecellphone lang siya. Andito kami ngayon sa Starbucks. Wala tambay lang, wala na kasi kami magawa sa bahay eh.

Kanina ko pa siya tinititigan, ano nga ba laban ko sakanya? Maganda kahit di magayos, matalino kahit di magaral, mabait din. Perfect lang eh. Samantalang ako, ano meron saakin? masungit, payat, maganda. Sympre sabi ng nanay ko 'yun, yun yung paniniwalaan ko. Hahaha.

"Cassie... Alam kong maganda ako pero hanggang magbest friends lang tayo please.."

"Anong pinagsasabi mo dyan Chelsea?"

"Kasi naman, Cass kanina ka pa nakatitig sakin. naiinlove ka na ata sakin eh."

" 'Wag ka masyadong feeler ha? Nakakasama." Sabay tawa naming dalawa. Nagseryoso ako bigla.

Kahit malaman kong totoo yung panaginip ko, alam kong hindi ko kayang magalit sa babaeng 'to. Mahirap kayang maghanap ng tunay na best friend.. Tunay nga ba?

"Ano ba kasing iniisip mo Cass? Kanina ka pa mukhang bothered eh."

"Wala, may napananaginipan lang ako."

"Ano naman yun?"

"Uh.."

Sasabihin ko ba?

"Tungkol kasi kay Ian..."

Napatigil siya sa kakalikot niya sa phone niya. Bigla siya natigilan.

"Oh? Ano nangyari?" Iba yung aura ng mukha niya. Kinakabahan tuloy ako baka kasi totoo.

"Nakita ko na Chelsea, kung sino yung matagal ko ng hinahanap. Kung kanino ako pinagpalit ni Ian....

..Chelsea, sayo daw."

Nakatingin lang kami sa isa't isa. inaantay ko reaction niya. Actually, kahit totoo nama 'yun wala na ako pakielam kasi moved on na ako kay Ian. Kaso alam naman ni Chelsea kung gaano ko kamahal si Ian noon at kung gaano ako nasaktan. Alam niya rin kung gaano ko gusto malaman kung sino ang pumalit saakin.

"Uh, Are you mad? Do you think that is true?" Umiwas siya ng tingin saakin. Ang pangit na ng atmosphere namin.

"You know Chelsea, even if it's true I'm not mad. But is it true?"

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.

"Sorry Cass for hiding this to you. Sorry if i betrayed you. Mukha man na inagaw ko siya sa'yo, believe me, Cass I didn't. 'Di namin alam kung paano nangyari na mainlove kami sa isa't isa... never ka niyang niloko. Siguro nagfade lang yung pagmamahal niya sayo kaso napapalapit na kami sa isa't isa. "

"Alam ko kung bakit niya ako iniwan Chelsea. Tanggap kong nawala yung pagmamahal niya saakin, ang hindi ko maintindihan ngayon kung bakit kailangan mo itago at bakit ikaw pa?"

Hindi ako naiiyak. Naiinis ako. Hindi naman ako palaiyak na tao eh, hindi ako mahina. Ayoko maging mahina. I've been a weak person before and i don't want to be like that anymore. Tinitignan ko lang siya. Hindi man lang niya ako matignan sa mata.

"Sorry Cass. I just can't tell you. Araw araw kitang nakikitang umiiyak at wala sa sarili mo dahil kay Ian, tapos sasabihin ko pa na ako ang dahilan nun? di ko kaya Cass maiwan kang nasasaktan. It may sound like a selfish reason but for me, it's not. I just want to stay by your side at the time you feel down. Sorry Cass."

"Naiintindihan kita Chelsea, pero sana maintindihan mo kung bakit ako naiinis ngayon. Imagine, for 2 years, hinahanap ko kung sino yun pumalit sakin kay Ian yun pala yung katabi ko lang. Sana sinabi mo na lang Chelsea hindi yung panaginip pa ang magsasabi saakin ng totoo. Yes Chelsea, you've been a sweet friend for staying by my side but you lied. Balibaliktarin man ang mundo nagsinungalin ka pa rin."

This is My Love StoryBasahin ang storyang ito ng LIBRE!