Prologue

4 0 0
                                    

Hello!

Lahat po ng nandito ay imahinasyon ko lang. Sana mag-enjoy kayo at basahin niyo to hanggang matapos ko. Yehey! 

Please feel free to comment if you ike it or not. I'll appreciate everythiiing. 

Vote din :) :)

--

“BOO!” tumalon ako papunta sa harap niya at ginulat ko siya. “Hello Yanyan!” ang laki ng ngiti ko, siguro eto na yung surprise niya saakin ngayong Valentine’s day. Kanina ko pa ata to inaantay noh, akala ko assumera na ako pero meron pala siyang ibibigay sakin. Teka, parang tahimik ata siya.

“Pssst, Anong problema mo?” Tinabihan ko siya at pinolupot ko yung kamay ko sa braso niya.

“Uh.. Cassie.. kasi..” nakayuko niya tong sinabi. Kinakabahan ata ako ha, baka makipagbreak na to saakin saktong Valentine’s day pa ah, ano to malalibrong love story?

“Hahaha! Cassie-kasi. Magkatunog ah, yun na ba bagong nickname mo saakin?” Pinilit ko na lang ibahin ang topic, ayoko nga baka break-an talga niya ako. Hindi ko ‘yun kaya Yanyan…

“Cassie yung mga sasabihin ko seryoso at totoo. Sana makinig ka muna at mamaya ka na magtanong o magsalita.” Seryoso niya tong sinabi habang nakatingin ng deretso sa kawalan. Lumayo ako sakanya at sinandal ko ang ulo ko at pumikit. Siguro dapat ko na iready sarili ko.

“We’ve been together for 8 months. You were my princess and I was your prince. You’re one of a kind Cassie. But.. I can’t feel it anymore. I can’t feel you anymore. Kung dati kapag malayo ka pa lang, napapangiti na ako, ngayon hindi na. Kung dati ngiti mo pa lang buo na araw ko, ngayon hindi na yun sapat. Kung dati ikaw lang makasama ko masaya na ako, ngayon hindi na kasi I’ve found someone else. I found my true happiness, true princess and true lo—“

“Tama na, Ian. I get it. You don’t need to say all the reasons why you’re leaving me. It’s enough.”

Tumayo ako at naglakad papalayo. Tinaas ko ang ulo ko, dapat hindi ako umiyak. Hindi sa harap niya.

“Cassie, wait!” rinig ko na sumusunod siya saakin. Lumingon ako sakanya, walang ekspresyon.

“Ian, thanks for the memories. Sana nahanap mo yung taong kukumpleto sa mga pagkukulang ko.”

Aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan braso ko. Hinawi ko to ng mahina,

“Sorry.” , sabi niya.

Tinignan ko siya sa mata. Inaantay kong bawiin niya lahat ng sinabi niya. Ilang segundo kong inantay yun at ilang segundo ko ring tinitigan ang kanyang mga mata na noon ay puno ng pagmamahal… na ngayon ay wala na. Wala akong narinig. Ngumiti ako ng bahagya at umalis.”

This is My Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon