Chapter 1

33.3K 577 81
                                    

"Sacky! May girlfriend ka na?" sigaw ng isa sa mga babaeng bumubuntot sakin ngayon.

Di na 'to bago. Lagi nang ganito ang buhay ko.

"If you behave...maybe you'll be my girlfriend."

Tumigil ako para harapin siya and as expected lahat ng mga buntot nila nagsilabasan. They looked like little puppies waiting for their master.

"Sinong may klase pa ngayon? 'Yong napakagandang babaeng nagcutting class just to follow me?"

"Ako!"

"Me too!"

"ME."

Sabay-sabay naman nilang sagot.

"You'll be my girlfriend," nakangiting sabi ko sa kanila.

"If you won't cut your class again," dagdag ko naman saka nagpatuloy sa paglalakad.

Batid ko ang pagkadismaya nilang lahat. Ganito naman kasi lagi. I don't know but it's fun teasing them.

'Isaac Dryle Alfonzo Guevarra date me!'

Biglang may isang napakalaking banner ang biglang bumagsak mula sa 3rd floor at ito ang nakalagay.

Dahil sa nasa labas ako ng school building at andito naglalakad sa may pathway, kitang-kita ko ang malaking banner na iyon.

These girls never fail to surprise me. Isaac Dryle Alfonzo Guevarra ipinanganak ka talagang habulin ng mga babae.

"Psst! Itigil nyo 'yan!" sigaw ng isang gwardya sa mga babaeng nagkabit ng banner.

Agad naman silang nagsi-alisan. Tumatakbong pumipito pa si manong guard papuntang third floor.

"Kelan ba kayo matututo? Wala na ba kayong ibang magawa?"

Napabuntong-hininga naman ang isang guard na malapit lang sa kinatatayuan ko matapos maglabas ng kanyang saloobin.

"Mr. Guevarra, di talaga mawawalan ng kaguluhan ang eskwelahang ito dahil sa 'yo. Uy, ikaw ano pang ginagawa mo riyan? Habulin mo ang mga pasaway na 'yon."

Dumating din ang isa pang guard at inutusan ang guard na nakabantay dito.

"Yes, Chief!"

At nagsitakbuhan na silang dalawa papuntang third floor.

Maybe ako nga dahilan ng mga kaguluhan dito. But these scenes make this university not boring. I made this university cut above the rest.

"Then I have to go."

Nagpatuloy akong maglakad kasi may gagawin pa ako. Ngunit nang paakyat na ako sa hagdan, may babaeng nahulog sa harapan ko. At nagkalat ang mga gamit at librong dala niya.

"I don't know that my mere presence can literally make you fall," sabi ko sa kanya habang tinutulungan siyang pulutin ang mga gamit niya.

Pero ni isang salita wala akong narinig mula sa kanya.

Hinayaan ko siyang tapusin ang pinupulot niya. Pinagmasdan ko siya. Pero hindi pa rin siya kumikibo.

"Hey! Okay ka lang? May masakit sa katawan mo?"

Pilit ko siyang tinatanong habang chini-check kung may sugat siya. Luckily wala naman.

"Why aren't you answering? Hey!" Tinatapik ko na siya pero wala parin.

Niyugyog ko na ang balikat niya at nanatili pa rin siyang nakayuko. Nakatingin lang sa sahig.

"I'll date you if you answer me," diretsahang sabi ko.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon