Wala pa atang babaeng kaya akong tanggihan. Kung ito lang paraan para sagutin niya ako then why not.

Tiningnan ko siyang maigi. Nakayuko lang siya at di kumikibo. Ngunit ilang sandali pa ay bigla na lang niyang hinablot ang gamit niya saka tumakbo palayo.

What's wrong with her?

Di ko inakala na darating sa puntong may ganitong pangyayari sa buhay ko. I've spent my twenty years receiving attention from everyone. And no one fails to notice me.

May nagbago ba sa mukha ko? Lumaki na ba eyebags ko. Di naman siguro, natutulog kaya ako ng maaga.

"Uy, Isaac Alfonzo Guevarra! Late ka na sa meeting," biglang sigaw sa akin ni Tristan.

O nga pala meeting nga pala pinunta ko rito.

"Tristan Nicodemues Tumakas sa mental! May kulang sa pangalan ko. Binigyan ako ng mama ko ng magandang pangalan kaya 'wag mong kaligtaan."

Itong lokong 'to sinasadya talaga niyang di kumpletuhin ang pangalan ko. Alam kasi nyang gusto kung tinatawag gamit ang full name ko. Pero alam naman niya na walang tatalo sa pangalan nya. Hahahaha

"Ikaw na ang panalo."

Matapos niyang matanggap ang pagkatalo agad na siyang pumasok sa room kung saan kami magme-meeting.

Sa meeting room...

"Hey, Tristan panget na ba ako? May iba ba sa mukha ko?"

Nilapitan ko si Tristan na nakaupong nagbabasa ngayon. Di pa rin kasi nawawala sa memorya ko ang nangyari kanina. Tinigil naman niya ang pagbabasa.

"Nawawalan na ba ng confidence ang isang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra ngayon?" nakangising sabi niya.

"Baka nauntog ang ulo niya at natauhan na rin sa wakas," biglang sabat naman ni Zooey na kanina ay naglalaro sa phone nya.

At sabay na nagtawanan ang dalawa.

"That can never happen. I'm no other than..."

"Isaac Dryle Alfonzo Guevarra. Ang super sa sikat na narcissist at playboy ng Spenteire University."

Hindi ko naituloy ang famous line ko kasi inunahan na ako ni Mike.

"Mike! Buhay ka pa pala," sabi ko naman sa kanya.

Matagal din kaming di nagkita.

"Magsi-ayos na kayong tatlo. Alam niyo naman na umaabot na sa itaas iyang mga kalokohan niyo. And specially you, Isaac," sermon sa amin ni Mike.

"So you're here because of that?" tanong ko kay Mike.

"Right." Tumango siya may kinuhang mga documents sa mesa niya. "To solve these problems, let's start with your online profiles. And you knew that these profiles are posted in the university's online portal."

"Isaac Dryle Alfonzo Guevarra, the guy who never dates someone but flirts with everyone."

Binabasa ngayon ni Mike ang mga post tungkol sa akin doon sa online portal.

"The guy who makes every girl want to date him but never date them. Isaac Dryle is the name," dagdag pa nya habang patuloy na nagbabasa. Umupo siya at nagpatuloy sa pagbabasa. "No ordinary playboy. Isaac Guevarra is a playboy who enjoy teasing girls."

"Then what?" tanong ko kay Mike.

"Si Sac lang naman may mga ganitong scandal," Zooey commented.

"Labas na kami riyan."

At pati na rin si Tristan. Aba akala nila ako lang.

"You two have good image but grades? Too bad."

Nagsalita ulit si Mike.

"You, Zooey. You always skip your classes. And Tristan, you never skip your class but sleep instead."

"Kala niyo ha. Atleast I'm a good example than the both of you."

Tinawanan ko na lang silang dalawa. Alam naman namin na silang dalawa ang pinakatamad mag-aral sa amin.

"To solve your playboy image you need to have a girlfriend for real. And a tutor for the both of you," pagdidiin ni Mike.

"Girlfriend? I have a lot of them waiting in line. How should I chose?" I asked them.

"That wouldn't be your problem. I've already chose someone who can be your girlfriend and at the same time their tutor."

As expected of Mike. He always make things done easily. He is cold as ice.

"Mike---" sabay naming sabi.

Walang ibang salita ang lumabas sa mga bibig namin. Alam namin na mahirap tanggihan si Mike. Dahil gagawin niya ang lahat para kusa na kaming sumunod.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Where stories live. Discover now