"Baby boy!!" Napasinghap kami ng dumagundong ang boses ng isang lalaki. He looks likes Luther's father sa features ng itsura niya. But then they have huge different sa attitude at sa aura.
Luther rolled his eyes dramatically. "Jesus! uncle John. Kaya ko nang gumawa ng bata."
Lumakas ang tawa ni uncle John. All of a sudden Luther's became alive and jolly. Lumapit si Luther kay uncle John sabay yakap nila sa isa't isa.
"It's been a while.. Binata kana.." naiiling habang nakangiting sabi niya.
Umiling si Luther pero hindi pa din matanggal ang ngiti sa labi niya. "Why are you here?"
Uncle John shrugged. "To clear things out." Sumeryoso siya ng bahagya sabay tapik sa balikat ni Luther.
"Yeah, papa is out of his sanity."
Lumalim ang usapan nila kaya pakiramdam ko ay kailangan ko sila bigyan ng panahon mag usap ng sila lang. Besides, mukhang okay naman si Luther na kausap si uncle John.
Plano ko sanang lumabas sa garden nila pero dahil sa katangahan ay nabasag ko ang vase sa gilid. Shit! Napapikit ako ng mariin dahil sa skandalosong tunog ng nabasag na vase.
"Who are you?" Lalo akong napapikit dahil sa malamig na boses ni uncle John.
"Okay ka lang?" Napasinghap pa ako ng biglang lumitaw si Luther at alalayan ang siko ko. Ang puso ko ay nagsimula na naman kumalabog. Jusko! Baka matapos ang gabi na ito na mamatay ako due to over beat of heart. Damn.
"Ayos lang.. sorry sa vase.." mahinang sabi ko.
"No worries.. bakit kaba umalis sa tabi ko?"
Hawak ko ang laylayan ng gown ko ng hilahin ako ni Luther paalis sa vase na nabasag.
"You know her?" Bungad ni uncle John ng makalapit kami.
"She's with me.." sagot ni Luther sabay hapit ng beywang ko. Lalong humataw ang puso ko sa sobrang bilis. Sumagi ngaun sa isip ko kung bakit ako pumayag sa deal na ito. Baka hindi na ako abutan ng sikat ng araw dahil any moment ikakamatay ko ang walang tigil na kaba at kalabog ng puso ko.
Ngumisi ng nakakaloko si uncle John. Somehow, magkamukha sila ni Luther sa ugali. "She's with you?" Tumaas ang kilay ni uncle John sabay lagok ng alak na hawak niya.
"For bed or for real?"
Nalaglag ang panga ko! Ugh. This is what I really get being with Luther.
Luther groaned. "Uncle.. for real.." iritableng sagot niya sabay halik sa sentido ko na ikinagulat ko. Tumingin ako kay Luther ng masama tsaka niya ako kinindatan! Tangina niya! Puro benefits ang nakukuha niya sakin ah!
Humalakhak ulit si uncle John. "She must be special.."
"She is." Sagot ni Luther.. napauwang ang labi ni uncle John na parang hindi makapaniwala. Ako man ay bahagyang napanganga dahil ako mismo ay hindi makapaniwala! Grabe! Ang galing manloko ni Luther! Pero bakit pakiramdam ko seryoso siya?
"Hi.. I'm Johnson Ricafort Fuentebella Vera Cruz.." sabay lahad ng kamay ni uncle John sa akin. Bahagya pa akong natawa dahil halos hingalin siya sa haba ng pangalan niya. Nahihiya man ako ay tinanggap ko ang kamay niya. "Hello po.. I'm Sasha.." tumango tango si uncle John sabay baling kay Luther.
"I wonder how did you get her?"
"Tito, ako paba?" Tumawa si Luther at uncle John habang ako dito ay parang tanga na hindi makasunod sa kanila. Umirap pa ako sa kayabangan ni Luther! Ala bang babae sa pamilya ni Luther? Bakit puro lalaki ang nakikilala ko?
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
17. I can try
Start from the beginning
