Prologue

200 57 4
                                    

Ang politika ay marumi, magulo, patayan, dayaan at higit sa lahat nakawan.

Saksi ako sa pandaraya ng mga batikang politiko na kilala ko.

Nariyan iyong haharangin ang mga balota, babayaran ang mga botante kapalit kanilang boto, nanakawin ang pera ng taong bayan.

Sila-sila ang magkakasama ngunit nagsisiraan.

Sila-sila ang laging magkakaharap ngunit nagpaplastikan.

Sila-sila ang magkakakampi ngunit nagnanakawan.

Magkakalaban na nagpapatayan.

Para saan, para sa ikababango ng pangalan?

Para saan, para sa ikauunlad ng sarili?

Paano na ang taong bayan na umaasa sa kanila?

That day, kitang-kita ko kung gaano karumi ang pulitika.

That day, kitang-kita ko kung paano nagpapauto ang mga tao sa kakarampot na halaga kapalit ng boto nang taong hindi karapat-dapat na maihalal upang mailuklok.

That day, kitang kita ko kung paano ipagpalit ng mga tao ang kanilang karapatan at dignidad kapalit ng kakarampot na halaga, nakakalungkot ngunit iyon ang totoo.

That day, nawala ang mahahalagang buhay sa akin ng dahil sa pulitika.

Papaano ko mababago ang sistema nito, kaya ko pa ba itong baguhin?

Alam kung mahirap at malabo ngunit susubukan ko kahit pa kapalit ng buhay ko.

Paano ko mabibigyan ng hustisya ang pagkawala nila? Sila ang dahilan kung bakit ko pinasok ang maduming gawain kapalit ng hustisyang hinihingi. Hustisya para sa aking magulang.

--*--

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced,distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods,without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

Copyright© 2020 by: AyemNhiena





















That DayWhere stories live. Discover now