END

198 10 12
                                    

Junhoe's

"Okay na lahat. Nalagay nyo na luggage ni Junhoe sa loob? Tara na dali. Baka ma-late pa sya sa flight nya." Di ako maramdam ng excitement para lumipad sa ibayong lugar na pupuntahan ko. Tatlong araw akong hindi nagparamdam kay Jinny. Patay yung cellphone ko, nawawala yung charger kaya hanggang ngayon hindi ko mabuksan. Nag-aalala ko baka may text na sakin si Jinny. Pero di naman yun nagtetext na mauuna sakin pero di naman imposible? Gwapo kaya ng manliligaw nya.

"Junhoe wag ka nang babalik ha?" Tumatawang sambit sakin ni Yejin noona na katabi ko ngayon sa sasakyan namin. Buong pamilya silang maghahatid sakin. Hindi naman halatang suportado nila ako. Para ngang masaya pa sila na aalis na ko sa bahay e lalo na 'tong kapatid ko na naka-ngiting tagumpay na!

Sinamaan ko sya ng tingin. Sinandal ko yung ulo ko sa may bintana. Namimiss ko na si Jinny. Oo nakasama ko sya ng ilang araw bago itong pag-alis ko pero hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Kung magpapaalam ako, ano ba namang pakialam nya? Baka nga matuwa rin sya na aalis na ko dahil wala nang mangungulit sa kanya. Pero baka malungkot din yun kase wala na syang manliligaw na gaya ko. Nasa akin na kase lahat eh.

"Ma, pwede pahiram ng cellphone mo? Tatawagan ko lang kaibigan ko." Ayokong hiramin cellphone ng ate ko. Baka mamaya pagtripan nya pa 'tong tatawagan ko. Inabot sakin ni mama yung phone nya, buti nalang kabisado ko number ni Chanwoo. Kay Jinny din naman kabisado ko kaso natatakot akong tawagan sya, baka bigla nalang akong umatras sa pag-alis ko.

"Hello? Sino 'to? Wala akong panahon makipag-call mate ah. May girlfriend na ako." Aba gago. Kala mo naman may magtatangkang lumandi sa kanya.

"Oy. Si Junhoe 'to." Pasalamat sya kasama mo parents ko ngayon dahil kundi, tinadtad ko ng mura 'to. "Ngayon na flight ko papuntang Berkley. Nakita mo ba si Jinny? Lowbatt na kase cellphone ko tsaka sira charger ko. Hindi ko alam kung nagtetext ba sya sakin, pwede pakisabi sa kanya na ang gwapo ko—"

"Kung yan lang naman hyung di na ko mageeffort sabihin sa kanya yan." Gago amputa. Kinagat ko dila ko para mapigilan ko sarili kong magmura.

"De seryoso, pakisabi miss ko na sya. Masaya ako na nakasama ko sya kahit papaano. Pasabi mahal na mahal ko sya." Sincere kong sabi. Nahihiya na nga ako dahil naririnig ako ng pamilya ko. Puta kase.

"Ew naman hyung. Kinikilabutan ako, feeling ko sakin mo sinasabi yan. Ughhh." Tanginang 'to ang arte. Maka-ew amputa.

"Sige na Chanwoo. Salamat. Bbye." Pasalamat talaga syang kasama ko sila mama at papa. Kundi inulan sya ng mga mura sakin. Hayop.

Binalik ko na kay mama yung phone nya. Kahit na nakausap ko si Chanwoo para sabihin kay Jinny lahat ng yun hindi parin ako mapanatag. Hays. Nakarating kami sa airport. Alas kwatro pa naman yung flight ko. 2pm palang kase. Hinatid nila ako ng maaga dahil gusto nila magduty free. Ayos nga eh, pumila na raw ako agad habang sila nasa duty free. Nabbwisit ako.

"Ingat ka dun kapatid, mag aral kang mabuti ha? Ayan na yung pangarap mo, abutin mo na." Excuse me si Jinny kaya pangarap ko. Pangarap ko syang maging asawa at maging nanay ng mga anak ko. Ang sarap siguro mamuhay kung kasama ko sya.

"Ge pakasaya kayo sa duty free." Kahit anong pilit ko sa kanila na isama ako sa loob ayaw nila dahil baka makaligtaan ko raw yung flight ko.

Nung nawala na sila nakahanap ako ng upuan. Dito nalang ako maghihintay ng  dalawang oras. Wala eh, ang dadamot ng pamilya ko. Ayaw ako pasamahin sa duty free! Tss.

AFTER 2 hours..

"Paging Mr Koo Junhoe, your plane is already waiting for you. Please come as soon as possible or we will leave you." Ay puta ano daw?! Nataranta ako bigla nang marinig ko yung gwapo kong pangalan. Isang malaking luggage yung dala ko kaya medyo nahirapan akong kaladkarin yun at hanapin yung departure area.

Habang naglalakad na ko papunta sa departure area nanakit bigla yung likod ko ng may tumamang tsinelas dito. Puta! Bakit nambabato?! Pinagpagan ko yung likod ko, nagdadalawang isip ako kung haharapin ko yung bumato. Baka mahuli ako sa flight kung aawayin ko pa. Humakbang ulit ako, malapit na ko sa departure are nang makaramdam ulit ako ng pagbato, this time sa ulo ko tumama! Putangina sino ba yun?!

"Hoy gago! Ano?! Iiwan mo na naman ako pagtapos mo kong landiin? Painlove-in? Tangina mo naman Koo Junhoe. Bakit ang hilig mong mang-iwan ha?" Natauhan ako nang marinig ko yung boses na yun. Walang pagdadalawang isip akong tumakbo papunta kay Jinny. Na umiiyak. I cupped her cheeks para punasan yung mga luha nya. Shit bakit sya umiiyak?!

"Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba natutuwang aalis na yung makulit at gwapo mong manliligaw?" Tangina. Bakit ang ganda nya kahit umiiyak na?

"Gago ka Junhoe, gago ka. Ang manhid manhid mo. Pinaparamdam ko na nga sayong mahal kita pero hindi mo parin magets." Sinusuntok-suntok nya na ko sa dibdib ko pero hindi naman masyadong masakit. Ang lakas ko kaya— Agh! Napalakas yata yung suntok nya.

"Anong sinabi mo?" Nilapit ko yung mukha ko sa kanya.

"Sabi ko gago ka."

"Hindi yun eh. May iba akong narinig."
Napatingin ako sa mga labi nya. Parang gusto kong halikan ngayon.

"Mahal kita."

Fuck. >////<

"Ano ulit?" Gusto ko ulit marinig galing sa kanya. Para akong nababakla dahil sa kilig ngayon.

"Mahal kit—" Hindi na ako nakapagpigil pa. I claimed her lips and kiss her passionately. This is the first time I kissed her. Damn, parang gusto kong ulit-ulitin.

"Mahal din kita Jinny. Sobra pa sa inaakala mo." Nakaawang parin yung labi nya. Pucha, pag ako hindi nakapagpigil!

"Eh bakit aalis ka ngayon?! Ng walang paalam? Alam mo bang halos mabaliw ako kakaisip kung ano na nangyari sayo ha? Inamo ka Junhoe pinag-alala mo ko—" I kissed her again. Mura ng mura eh! Tsk.

"Mahal mo ko? Ibig sabihin ba nito, tayo na?"

She nodded.

"Paging Mr Koo Junhoe, your plane is already waiting for you. Please come as soon as possible or we will leave you."

Napatingin kami sa departure area. Nandun parin yung bagahe ko. Wala na kong planong umalis ngayong alam ko nang mahal din pala ako ni Jinny.

"Tawag ka na dun." Napatingin ako sa kanya nang sabihin nya yun.

"Gusto mo ko umalis?"

"Hindi. Pero sabi ni Chanwoo dream school mo daw yun. Baka magalit sakin ang parents mo kapag hindi ka lumipad papunta dun." Bakas sa mukha nya ang pag-aalala. Hindi nya ba ako pipigilan? Tangina sa ibang napapanood ko sa tv pinipigilan ng babae yung lalaki na umalis kase mahal nya pero bakit si Jinny?

"Kaya ko namang pumunta dun sa susunod, yung kasama ka. Mas sasaya ako kung sabay tayong mag-aaral dun."

Hindi na ulit nagsalita si Jinny kaya niyakap ko nalang sya. Mahal na mahal ko talaga sya. Si Jinny na yata ang magpapatunay sakin na may forever. Akala ko imposibleng ma-inlove ka gamit ang text messaging. Dahil una text lang yun, pwede kang magloko dahil hindi mo nakikita yung kausap mo. Pwede kang magsinungaling tungkol sa sarili. Meaning, fake lahat ng yun pero hindi ko akalaing ako mismo na hindi naniniwala sa ganito noon eh magkakaroon ng ganitong love story.

Nakita kong nasa likod sila Chanwoo at Shannon, pinapanood kami. Nagthumbs up ako sa kanilang dalawa. Sobra akong nagpapasalamat sa couple na yan, sila ang dahilan kung bakit ko nakilala si Jinny.

Buti nalang pala wrong number yung binigay na number sakin ni Chanwoo noon.

END

wrong number 【epistolary #2】Where stories live. Discover now