Chap Two

51 2 0
                                    

 Sabado ng umaga.

“Mikay, samahan mo muna si Mang Baste sa bayan. Susunduin nyo ang apo kong si Gino. Magbabakasyon daw muna siya.” Nakangiting sabi ng kanyang Lola Ana sa kanya.

“O sige po Lola Ana. Luto na po pala ang lahat ng pagkain para sa apo nyo.” Nakangiting sabi ni Mikay.

“Maraming salamat Mikay. O sige na umalis na kayo. At baka naghihintay na dun ang apo ko.”

Habang nasa daan ay hindi naiwasang magbalik-tanaw ni Mikay. Halos doon na lumaki sa poder ni Lola Ana si Mikay. Dating kapitbahay sila ng kanyang Lola Ana pero ng mamatay ang kanyang nanay ay inampon na siya nito. Maaga namang namatay ang asawa ng kanyang Lola Ana at ang dalawa naman nitong anak ay kapwa na nagtatrabaho sa Maynila kaya siya na ang naging kasa-kasama ng kanyang Lola Ana sa malaking bahay nito simula noon.

Mayaman ang Lola Ana niya. Sa katunayan, ito ang may-ari ng malawak na bukid kung saan sumasaka ang halos lahat ng magsasaka sa kanilang lugar. Meron din siyang taniman ng iba’t ibang prutas katulad ng mangga, kaimito, dalanghita at iba pa.

“Mang Baste? Natatandaan nyo pa po ba ang itsura ni Sir Gino?” Tanong ni Mikay sa nagmamanehong si Mang Baste.

“Naku, titingnan ko na lang Mikay. Mahigit sampung taon ko na rin kasing hindi nakita si Sir Gino. Madali lang naman siyang hanapin kasi halos magkasing edad lang kayo nun.”

“Sana nga po Mang Baste.” Nakangiting sabi pa rin ni Mikay.

Please do post your comments and suggestions. :))) Plus add it on your Reading list. :P

Cheers,

Mskeiz

When Parallel Collides...Where stories live. Discover now