my Present Boyfriend meets my Future Husband (completed one shot)

2.1K 71 25
                                    

"Goodmorning Ally" bati ng gwapong boyfriend ko, napakagandang panaginip.. bongga di ba?

hinawi nya ang buhok ko at pinisil ang pisngi ko.

"Aray!!" nagising ako sa katotohanan at napabangon sa kama ko, napatingin ako sa katabi kong lalaki..

naalala ko HINDI SYA ANG BOYFRIEND KO pero, sino tong katabi ko?

wait.. baka nananaginip pa ko
Pumikit muna ako bago muling dumilat only to see him again.

"waaaaaaahhhhhhh!!!!!!!!" pinagbabato ko sakanya yung mga unan ko nung narealize ko na hindi na to panaginip

"sino kang trespasser ka? labas!! Bastos!!"

"haha, di mo ko kilala? si Ken to.." pakilala nya na cool na cool lang habang umiiwas sa mga pinagbabato ko sa kanya. Hindi ko sya pinansin at tinuloy ko yung pagbalibag ng unan sa kanya "wala akong kilalang Ken!! ni hindi ka man lang kumatok!"

"papa mo kasi ang nagsabi saking gisingin ka na para sa agahan.."

napatigil ako at napaisip.

"si papa??" lumapit sakin ang lalaking nagpakilalang Ken at nagnakaw ng halik sa pisngi

"ang cute mo talaga.."

pakiramdam ko, nag-init yung mukha ko sa inis at nag umpisa nanaman akong magwala at batuhin sya.. hindi lang ng unan, kundi ng kung ano na lang yung makapa ko dun, gusto ko talaga syang patayin

"Lumayas ka na nga dito! tatawag ako ng pulissss!!!!!!"

**
"papa! bakit naman po kung sinu sino ang pinapapasok mo sa kwarto ko??"

panay ang reklamo ko kay papa habang nag aagahan, yung Ken naman, ayun.. feel at home at nagkakape! Kaasar. Sino ba to?

"Ally, wag ka nang mahiya.. tutal mag-asawa naman tayo sa future eh." makalmang sabi nung Ken.

Tiningnan ko sya ng masama.
Kanina nya pa kasi pinipilit na asawa ko raw sya sa future.

"tingin ko, hindi na lang pulis tatawagin ko, kasi for sure.. doktor ang kailangan ng utak mo. tingin mo may maniniwala sayo sa pinagsasasabi mo?!" tingin ko maluwag ang turnilyo nya sa ulo eh..

"ako!" masiglang sabi papa habang nakataas ang dalawang kamay.

napatingin ako kay papa na himihingi ng paliwanag, hindi kaya maluwag na rin turnilyo nya sa ulo kagaya nitong Ken sa harap ko ? Nasobrahan na ba sya sa kakatrabaho kaya bumigay na?

"oo anak, asawa mo sya sa future.. nakapunta sya dito dahil sa time machine na pinaghirapan ko.. natapos ko ang 10 years para lang sa pag-aaral ng time dimension at ngayon.. success ang proyekto ko, di ba SON-IN-LAW?!" Proud na proud na sabi nya.

ganyan sya kahibang sa SCIENCE. Patuloy lang syang dumaldal ng tungkol sa science, time dimension whatever pero obviously, di ako nakikinig.

tumayo si papa at nagpaalam na pupunta ng laboratoryo para daw ipagpatuloy ang project na ginagawa nya . Sa wakas, matatahimik na dito.

"hindi ka pa rin ba naniniwala??" sarcastic yung tono ni Ken na kasama ko ngayong naiwan

"hindi" mabilis na sagot ko bago humigop ng kape ko.

"gusto mo ng proof?" tumayo sya at lumapit sakin hanggang sa macorner nya ko sa kinauupuan ko. Todo sandal naman ako pero masyado pa rin syang close na halos isang dangkal lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa habang hawak nya ang baba ko

my Present Boyfriend meets my Future Husband Where stories live. Discover now