Chapter 5

1.4K 53 3
                                    

Chapter 5

Oh, I'm holding my breath

Won't lose you again

Something's made your eyes go cold

Nagising ako sa boses ni Taylor Swift. Paborito ko sya kaya marami akong CD ng mga kanta nya. I assume na nandito ako sa kwarto ko. Hindi ko pa naimumulat ang mga mata ko. Parang ayaw ko pang imulat ang mata ko.

Come on, come on, don't leave me like this

I thought I had you figured out

Something's gone terribly wrong

You're all I wanted

Nang maramdaman ko ang sakit ng katawan ko ay binuksan ko na ang aking mga mata at tumambad sa akin ang nakasubsob na mukha ni Kuya Vince sa kama. Ano ba ang nangyari sa akin? Bakit sobrang sakit ng katawan ko?

"Ku-- Kuya........ Vince...." Sinusubukan kong magsalita pero parang walang lumalabas na boses sa aking bibig. Tanging hangin lang.

Iginalaw ko ang kamay ko para sana abutin si kuya ngunit masakit!

"Aray!" Sa wakas at nagkaboses na ako.

"Van-- Vannah? God Vannah! Gising ka na! Vanna masakit ba? Vanna, God." tarantang sabi ni kuya Vince. Hindi naman ako makaimik. Ngayon ko lang nakitang nagkaganito si Kuya Vince. Sa pangalawang pagkakataon ay nawalan nanaman ako ng boses. Ang sakit ng buong katawan ko at pati ang pagsasalita ay magdudulot sa akin ng sakit.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang mga nangyari. Pilit kong iniisip pero wala akong matandaan. Saan ko ba nakuha ang lahat ng sakit na ito?

"Vannah..." Iyak ni Kuya. Gusto kong punasan ang mga luha nya pero hindi ko magawa. Iyak lang sya ng iyak dito sa tabi ko habang hawak hawak ang kamay ko.

"Sino may gawa ng lahat ng ito?" galit si Kuya. Galit sya. At natatakot ako.

"TANGINA VANNAH! MUNTIKAN KA NG MAMATAY!!!! SINO ANG MAY GAWA NITO SAYO?!!!!" sigaw ni Kuya Vince sa na humalulong sa buong kwarto .Hindi ko na kinayanan kaya't napaiyak na lang ako. Nakakatakot si Kuya Vince. Nakakatako siya. Iba sya ngayon. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya.

"Sssshhh. Pasensya na. Galit lang ako sa nangyari sayo. Pagbabayarin ko ang may gawa nyan. " Hinalikan nya ako sa noo at tinawagan na ang family doctor namin. Napakamaalaga talaga ni Kuya Vince.

Sinabi sa akin ni Kuya Vince na isang araw na pala akong walang malay. Ayaw daw ako patagalin ni Kuya sa ospital kaya't iniuwi ako kahit hindi pa ako magaling. Dito na lang daw ako sa bahay magpagaling. Ang family doctor namin ang gumamot sa akin at ilang nurse. Hindi nga maikakaila na mayaman kami. I wonder kung alam ng magaling kong tatay itong nangyari sa akin.

-

3 days have passed at sa wakas ay okay na ako. Pinapatawag ako ni Kuya Glenn para raw pag usapan ang mga nangyari sa akin. Ready na akong kausapin sila but I won't tell the truth. Second day ng nagkamalay ako ay naalala ko ang lahat and I won't tell. I already formulated my own story back when I was in bed feeling all the pain. Akalain mong nagawa ko pang magisip. Knowing Kuya Vince, he wont think twice para sugurin ang mga may gawa nito sa akin at alam ko rin na wala syang laban sa gang ni Gray. Sampu sila, isa lang si Kuya.

Pagkapasok ko sa library, isang mainit na yakap ang sumalubong sa akin. Yakap na kailanman ay hindi ko inaasahan.

"Get your hands off me." matigas na pahayag ko. Tila nagulat naman sya sa pahayag ko at marahang inalis ang pagkakayakap sa akin.

"Why princess? May-- may masakit pa ba sayo?"

"Wala naman. Hindi ko lang inaasahang may di ka aya aya palang panauhin." malamig na sagot ko at hindi parin tumitingin sa kanya. Galit parin ako sa kanya. Galit na galit.

RIGID HIGH: School of GangstersWhere stories live. Discover now