Kath: Ano ka ba, diba bilin ni DJ? Bawal lumabas pag di sila kasama??


Kiray: Eh mamaya pa naman sila dadating eh...lam mo naman yung mga yon, ang tagal magbasketball. Dali na.


Julia: Oo nga Kath...saglit lang tayo....dali!! pilya niyang sabi. Nagkatinginan kami ni Yen. Nagngitian kaming apat.


Hmm...DJ....inuna mo ang basketball huh??? Bahala ka!!



Napagpasyahan naming mamasyal. Dahil hindi na namin pinabalik si Kuya Jonjon sa Manila, nagmakaawa kaming ipagdrive niya kami papuntang bayan. Ayaw pa nga dahil mahigpit na pinagbilin daw ni DJ na wag kaming samahan. Hindi naman niya ako matiis syempre ako amo niya eh. Dahil  sa wala pa akong masyadong alam sa lugar, nung makita ko si Onat na wala namang  ginagawa eh sinama ko siya.


Onat: Ms. Kath baka ho magalit si Sir Dj. Kabadong sabi niya. Nasa unahan siya katabi ni Kuya Jonjon.


Kath: Hindi yan...kasi hindi naman niya malalalaman. Pilya kong sabi.


Kiray: Onat....san ba maraming boys...este buys...


Kath: Sus....puro K na naman ang nasa isip...


Julia: Oo nga ...may Lester na...may Mr. Romantiko pa ....tapos....


Kiray: Che!!!


Kath: Onat san ba kami makakabili ng mga accessories...bags...mga ganun..


Onat: Ah sa may KATHA po..marami don...


Julia: Malapit lang ba??


Onat: Medyo...lagpas lang ng plaza.


Kath: Yun naman pala eh...promise saglit lang tayo.


Ilang saglit lang eh narating na namin ang lugar. Infairness maganda ang tiyangge na ito. Marami ring mga turista ang namimili rito kaya naman si kiray...ayun...inspired!

Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant