Chapter 47

456 11 0
                                    

"Sam!" Biglang nagising si Wadensel na sobrang pawis habang nasa loob siya ng kotse. Napabuntong hininga siya.

"Akala ko totoo. Thank God." Nakahinga siya ng maluwag. Biglang tumunog ang cellphone niya at agad naman niya itong sinagot.

"Hello?" Agad na bungad niya. He doesn't know but he felt nervous upon answering the call.

"W-Wade... Si Sam.." Hindi na natuloy ni Pat ang sinasabi niya ng bigla itong humagulhol ng iyak. Mas lalong bumilis at bumigat ang tibok ng puso niya ng maalala ang panaginip niya.

Napatingin siya sa paligid. It's real. Everything a while back is real. Except his dream.

"W-What?! Bakit si Sam?" Nagaalalang tanong niya. Narinig niya ang hikbi ng kapatid niya sa kabilang linya.

"J-Just come here." Pinatay niya na ang tawag at agad niyang pinaharurot ang kotse niya patungong bahay nila Sam.

Sobrang bilis ng takbo ng kotse niya na parang simbilis din ng tibok ng puso niya. Biglang bumigat ang paghinga niya ng marinig niya ang pangalan ni Sam.

Nang makarating siya sa bahay nila Sam ay nakita niyang nandoon ang mga kaibigan niya at ni Sam.

"What happened?! Where's Sam?" Agad na bungad niya.

"What the hell! Why are you all crying?!" Inis na tanong niya sa mga ito. Agad namang lumapit si Pat sa kanya.

"Where is she?!" Aligagang tanong niya at dire-diretsong nagtungo sa silid ni Sam.

"W-What the hell." Biglang namuo ang luha sa kanyang mata sa nakikitang survival method na ginagawa ng mga doktor.

Bigla siyang lumapit dito. Ganun parin ang suot ni Sam kanina sa bar habang sinusubukan parin nila itong irevive.

"N-No... This is not true!" Lumuluhang tinignan niya ang lahat at itinuro si Sam.

"Wade.. Calm down." Pagpapakalma ni Pat habang umiiyak pero tinabig niya lang ito at itinuro si Sam.

"Magkasama lang kami kanina! What the hell is this!" Galit na sigaw niya sa mga ito. Biglang lumapit sa kanya ang mommy ni Sam habang namumugto ang mga mata.

"She didn't survived her operation. She keeps it on herself. Hindi sana namin siya papayagang lumabas pero gusto ka niyang makita kahit na hirap na hirap na siya ay gumawa pa rin siya ng paraan para mapuntahan ka. She make herself looked so bubbly pero she's not. She put her mask so that no one can notice it."

Ito ba ang kapalit ng pagpapalaya ko sa sayo? Tanong niya sa sarili niya.

Bigla siyang napatingin kay Sam at bumalik lahat ng pinag-usapan nila sa panaginip niya.

"Can I also ask a favor?"

"Anything."

"Can you give me a hug?"

"Mahal na mahal kita, Wadensel. I love you so much."

"Shh. Hindi pa naman 'to ang last na pagkikita natin ah? Wag ka ngang umiyak. Magkikita pa tayo. Gusto ko lang munang lumayo at ayusin ang buhay ko."

"I love you."

"Shh. I know."

"I can't breathe, Sam!" Natatawang sita niya dito.

"J-Just for the last time, please?" 

"Live well, Wadensel. Always wear your smile, okay? Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal kita."

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon