Nakapaskil ang ngiti sa mga labi niya ng bumalik ito sa higaan niya at binigyan ng muling sulyap ang kaibigan, pamilya at ang taong mahal niya bago pumikit ang mga mata.

"Damn it! Doon ka na nga sa kabilang kwarto matulog, Wadensel!" Painis na singhal ni Clyde dahil kanina pa ito nahuhulog sa upuan sa sobrang antok. Hindi naman siya nakinig dito at mas lalong hinawakan ang kamay ni Samantha na nakatulog. At kumot hanggang balikat.

Lumapit ang mommy ni Samantha sa kanya at tsaka siya tinapik sa balikat.

"Sige na hijo. Kami na ang bahala dito." Napabuntong hininga siya at bago tumayo ay nagpaalam muna siya kay Sam at humalik sa noo niya bago siya pumunta sa kabilang kwarto para tuluyang makapagpahinga.

Napatingin naman sila sa orasan at nakitang 4am palang kaya nagpatuloy sila sa pagtulog.

Halos maalimpungatan sila ng marinig nila ang mahinang tawa ni Samantha.

"Sam!" Sabay-sabay na tawag nila dito na mas lalong ikinangiti ni Sam.

Halos patakbong yumakap ang mga kuya niya sa kanya at ang mga magulang niya nama ay umiiyak sa saya.

"S-She's alive!" Napahagulhol ang mommy at daddy niya at tsaka nila ito pinugpog ng halik. Napahahikhik nalang siya.

"Thank God! Anong gusto mong kainin? May masakit ba sayo? Okay ka na ba? Tell mommy kung may gusto ka okay?" Marahang tumango ito.

Inilibot naman ni Sam ang tingin niya at kumunot ang noo niya ng makitang walang Wadensel ang nakita niya sa kwarto.

"M-Mom. Where is he?" Mahina man pero rinig naman ng lahat. Napangiti naman sila.

"Nasa kabilang kwarto siya anak. Mamaya mo na siya puntahan. Natutulog 'yon and you need to eat para may lakas ka." Tumango naman ulit ito.

"Omg! I missed you!" Tumitiling sabi ng mga kaibigan niya at tsaka siya niyakap ulit.

"Bruha ka! Alam mo bang ang tagal mong natulog? Pero buti nalang at bumalik ka na. Alam mo? Para kaming namatayan habang tinitignan kang nakatulog diyan? Pinaiyak mo pa kami!" Umiiyak na sabi ni Pat na ikinangiti niya lang.

"Kuya Clyde, Zeijan and Jayden." Nakangusong tawag niya dito at tsaka niya itinaas ang dalawang kamay niya. Para bang humihingi ng nakapahigpit na yakap.

"Ano ba 'yan niyakap ka na namin kanina." Natatawang sabi ni Jayden at tsaka yumakap at binigyan ng halik sa noo nito.

Sunod naman na humalik si Zeijan habang umiiyak. Si Samantha mismo ang pumunas ng luha niya.

"Don't cry." Ngumiti si Samantha sa kuya niya at mas lalo naman itong naiyak kaya natatawang yumakap ito ulit.

"Wag kana ulit aalis." Takot na takot na sabi ng kapatid niya.

"Hindi ako aalis." Nakangiting sabi nya at tsaka siya kumalas sa yakap.

Napatingin naman siya sa kuya Clyde.

"Kuya aren't you going to give me a hug?" Parang batang tampo neto na ikinatawa ng mga nasa loob.

Napabuntong hininga ang kuya Clyde niya pero maya-maya lang ay yumakap siya ng mahigpit dito.

"I miss you." Bulong sa kanya ng kuya niya at ramdam niyang basa ang balikat niya. Ibig sabihin lang ay umiiyak din siya.

"Kuya Clyde naman. Isa ka din eh. Ayokong nakikita ko kayong umiiyak please?" Nahihirapang sabi niya. Tumango-tango naman si Clyde at pinunasan ang luha niya.

"Who said that I'm crying? Tsk." Patay malisyang sabi niya.

Natawa si Sam at walang sabi-sabing niyakap ang kuya Clyde niya. Sa lahat ng kuya niya ay dito siya naattach ng todo. Kahit mahigpit ay ramdam niya ang pagmamahal na binigay neto sa kanya.

May luhang kumawala sa mata ni Sam pero mabilis niya 'yong pinunasan para hindi nila mapansin.

Pagkatapos ay pinakain nila si Sam at nakipagkwentuhan sa kanila. Nangibabaw ang tawa niya sa sobrang saya sa dami ng jokes na baon ng mga kaibigan niya. Lingid sa kaalaman nila ay masayang pinagmamasdan ng mga magulang at mga kuya niya si Sam.

Ramdam nila ang saya neto ngayon.

"Ang ganda mo sa dress mo, Sam!" Maya-mayang puri ni Max.

"Hoy, hoy ano 'yan? Nakatulog lang si Wadensel sa kabilang kwarto ah!" Sita sa kanya ni Zander na ikinatawa ng lahat.

"Bakit? Totoo namang maganda si Sam ah? Tsk. Wag mo ngang lagyan ng malisya!" Singhal niya kay Zander.

"Sus. Para-paraan ka din noh?" At tsaka siya humagalpak ng tawa.

"Tama na nga 'yan. Sino nagpalit sayo, Sam?" Tanong ng mommy niya habang hinahaplos ang ulo niya.

"Ako po. Nagising ako kaninang madaling araw." Napasinghap sila sa sinabi ko.

"Kanina ka pa gising?!" Nakangiting tumango lang siya.

"Bakit hindi mo kami ginising?" Hindi siya nagsalita at napapangiti lang na pinagmasdan ang gulat nilang mukha na ngayon ay nakatingin sakanya.

"Para kayong nakakita ng multo." At tsaka siya humalakhak. Napatitig naman ang lahat sa kanya at tsaka sila napangiti.

Seeing her smiling and laughing like this is priceless. Ang ganda niyang pagmasdan. Para siyang anghel na hinulog sa lupa.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now