Mahina naman siyang napahikbi kahit nakatalikod. Ramdam na ramdam niya ang hinanakit ni Wadensel. Aminin man niya o hindi ay alam niya sa sarili niyang mas nasaktan niya si Wadensel. At tama lahat ng sinabi niya.

"I don't want to let you go. But if you want to go on your own without me, papayagan na kita. I just want the best for you. Ayokong ipagpilitan ang sarili ko sayo dahil hindi ko na ramdam ang pagmamahal mo." Pinunasan niya ang mga luha niya at tsaka mahinang napabuntong hininga.

"Mahal na mahal kita Sam. Pwede bang ako naman yung mag-request ngayon sayo?" Seryosong tanong niya dahilan para mapaharap sa kanya si Sam.

Kitang-kita niya kung paano umiyak ang babaeng mahal niya. Pero wala siyang magawa. Gusto niyang punasan ang mga luhang nagbabadyang tumulo na naman pero hindi siya kumilos dahil pagod na pagod na siya.

"A-Ano 'yon?" Nanghihinang tanong ni Sam.

"Pwede bang 'wag ka ng bumalik sa buhay ko?" Seryosong tanong niya.

Biglang tumigil ang lahat para kay Sam. Napaawang ang kanyang bibig at sabay-sabay na tumulo ang mga luha niya.

"Bakit ngayon pa?" Tanong niya sa isip niya.

Hindi siya nakapagsalita. Ayaw niya sa request na 'yon. At yun ang hinding-hindi niya kayang gawin.

"C-Can you do that for me? J-Just... Just for the last time. Leave me." Nahihirapang sabi niya.

Hindi parin nagsasalita si Sam.

Ngumiti ng maaliwalas si Wadensel.

"I guess we need closure." At dahan-dahan siyang lumapit kay Wadensel habang naguunahang tumulo ang mga luha nila.

Marahang tumango naman ito.

"Live well. Kumain ka sa tamang oras, okay? Wag na wag mong papabayaan yang sarili mo ha? Masaya akong nakilala kita. You're my definition of true love and happiness. Thank you for everything. I'm not the perfect girl for you. You deserve someone better and that's not me. You're almost perfect not until I destroyed this.." She pointed his heart at tinitigan ito ng matagal.

Nanginginig na hinawakan niya ito sa mukha.

"Sam..."

"Shh.."

"Be happy, Wadensel. That's what I need you to do." Mahinang sabi niya sa kanya. Gumaralgal ang boses niya dahil sa sakit.

"This is the last time, Sam. Can we not see each other anymore? Gusto kong makalimot sa sakit pero ikaw padin ang babaeng pinakamamahal ko. Gusto ko lang na sarili ko muna ang mahalin ko. Gusto kong lumayo." Ngumiti si Sam sa kanya at siya na mismo ang pumunas ng luha sa lalaking mahal na mahal niya.

Ito ang gusto mo Sam diba? Pero bakit hindi mo kaya? Sabi niya sa sarili niya.

"I-I know. You'll forget me soon. Kung pwede ko lang tanggalin lahat ng sakit na nararamdaman mo ay ginawa ko na." Malungkot na sabi niya.

Ngumiti ng maaliwalas si Wadensel at tinitigan siyang mabuti.

"Sige na. Sakay ka na sa kotse mo." Nakangiting paalam ni Sam bago niya ito hinalikan sa labi.

Ngumiti pabalik si Wadensel at sumakay sa kotse niya. Napabuntong hininga siya at tsaka niya isinandal yung ulo niya sa manibela. Hindi niya namalayang nakatulog siya.

Bigla siyang naalimpungatan ng may biglang kumatok sa bintana niya.

"Sam?" Patanong na tawag niya dito.

"Bakit di ka pa umuuwi?" Takang tanong niya dito. Lumabas muna si Wadensel sa kotse niya at tsaka tinabihan si Sam na parang malalim ang iniisip.

"What are still you doing here?" Tanong niya dito. Nabalik ang tingin sa kanya ni Sam at tsaka tipid na ngumiti.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now