CHAPTER 6

17 8 12
                                    


✖XAIRE'S POV✖

"RIRI!"

>_________<

"May Dapat kang sabihin sakin!"

Nagtalukbong ako ng unan. Baka sakaling Bumalik ako sa pananaginip ko.

Kaso...

"BUMANGON KA NA DYANNNN!"

Nagising ako dahil sa ingay ng kababata ko na si Jillian. Anak ng--!
Gusto ko syang sabunutan dahil sa naudlot kong panaginip. Potek! Nadun na eh! Ikikiss na ako ng Idol Kong si Gong Yoo! Grr! Sayang! Huhuhu TT_____TT

At ano ba ang ginagawa nya dito?! Ang aga aga pa kaya. Jusko! 6 pa lang. for Pete's sake!

"Nakakainis ka naman, Lian e! Huhuh" hinampas hampas ko pa yung unan.

"Hala? Dapat nga ako yung mainis sayo e! Ikaw dyan yung hindi nagkukwento!" Umirap pa sya bago ipagpatuloy yung sasabihin nya. Sinimangutan ko lang sya. "Jusko, Riri! Kabago bago mo pa lang sa school, sikat na sikat ka na?! Ang dami mong na kayang Haters!"

O__O

Wha-what?! A-ano ba ang sinasabi nitong si Jillian?! Anong haters ang pinagsasasabi nya?

Lalo syang napairap dahil mukang Alam nyang wala akong kaalam Alam sa sinasabi nya.

"Ano bang sinasabi mo?!" Nag cross arm sya at tinignan ako ng masama.

Bakit kasi hindi na lang nya ako diretsuhin. Hindi yung nagpapa suspense pa! Tsk!

"Ugh! Seryoso?! Wala ka ba talagang Alam?! Jusko! Alam na ng buong campus yung mga ginawa mo kahapon sa Campus Crush! Grabe!"

O_O

Ano daw?! Ano bang ginawa ko sa kanila?! E sila nga itong may ginawa sakin e. Tsk! Bwisit kasi yung Kasher na 'yon!

"Wala naman akong ginagawang masama ah?" Sabi ko.

"Wala??! E Ano yung kumakalat na Pinakyu mo raw si fafa Kasher?! Paano mo ipapaliwanag 'yon? Sige nga?"

Dahil sa katatalak nya malelate kami nyan e. Kaya minabuti ko na ikwento na lang sa kanya ang lahat mula sa Pagpasok ko hanggang sa paguwi. Gulat na Gulat naman ang Lukaluka. Hindi ata makapaniwala sa sinabi ko.

"S-seryoso?! Kaya pala ang di naming nakita sila Fafa Kasher, fafa Roie, at fafa Blaze. Dahil sa likod pala sila naglungga?!"

Mukang di pa sya maka get over sa paghihintay nya sa wala kahapon.

"At si fafa Kasher naman pala ang may kasalanan?! Mga bruhang chismosa! Di naman pala Totoo na nilalandi mo si fafa Kasher. Alam mo ba na kumakalat sa school na Slut ka?! Josko! Kalerki!"

"WATDAPAK?!"

"Oo! At kumakalat din na Lahat ng campus Crush ay nilalandi mo. Pati si Tristan na MVP ng SIS! Kaloka. Ang ganda mo 'teh!"

Mga walang'ya. Anong Slut?! At anong Nilalandi?! Excuse me? Hindi ako nanlandi ng lalaki sa tanang buhay ko. Nevaahh! Oo nga at friendly ako. Pero hindi ako nakikipag friends para mangflirt! What the ef?!

"PERO HINDI TOTOO ANG LAHAT NG BALITA, LIAN! DI AKO SLUT!"

"Oy! Wag kang magtransform na hulk dyan! Baka magiba ang kama mo! Naniniwala naman ako sayo"

Nakatahimik lang ako. Nagdeside ako na wag na lang pansinin ang kumakalat na nakita. baka kasi mapaaway pa ako, mahirap na. At isa pa, wala naman akong mapapala pag lumaban ako.

"Maligo na ikaw ateng! Malelate na tayis kapag tumunganga ka lang dyan." Napabuntong hininga na lang ako.

Takte lang! Aga aga Bad news agad?! Psh!

Tinungo ko na ang banyo para maligo. Isinantabi ko muna ang bad news. Di naman mahalaga ang sasabihin ng iba. Basta malinis ang konsensya ko, Tapos. Period. The end. -_-

"By the way, dito nga pala ako matutulog mamaya" sigaw ni Jillian.

Hindi pa naman umuuwi sila daddy kaya OK lang. Nandun daw sila sa Tagaytay. May kailangan silang I close na deal. Para naman sa kompanya 'to kaya ayos lang. Sanay naman na ako na hindi sila parating kasama. Pinalis ko ang Malungkot na isipin. Baka maloka na ako kapag masyado akong nagisip.

Ang Dyosa ko kase :)

(-__-')author--

K.

✖KASHER'S POV✖

Naglalakad kaming tatlo nila Roie at Blaze papunta sa first subject namin sa chemistry. Akmang liliko na kami ng may marinig kaming naguusap at nabanggit nito ang pangalan ni panget.

Nagkatinginan kaming tatlo at nagkaisa na magtago muna at pakinggan ang pinaguusapan nila.

"That Xaire is a totally slut!" Girl 1

Hindi ko Alam kung bakit, Pero may kung Ano sa loob ko na naiinis dahil sa narinig ko.

"Sinabi mo pa! Ang kapal ng mukha nyang Landiin ang Campus Crushes! Duh?! Napaka Landi! Mukang pokpok naman! Grrr!" Girl 2

I sighed. Hindi ko na pinansin pa yon. Wala naman akong pakialam Kay Panget. Tss!

"Psh! Insecures"I heard Roie's Whisper.

Tama si Roie, mukhang mga insecure lang ang mga 'yon.

Naglakad na ulit ako at sumunod naman sila Roie.

Dumeretso kami sa likod na parte ng University.

Hindi ko maalis sa isip ko ang pinagusapan ng dalawang babae kanina. Shit! Bakit ako nagkakaganito?

I should stop this. Hindi na tama na mabadtrip ako sa sinabi ng dalawang 'yon tungkol Kay panget. Wala naman kasi akong kinalaman ron.

"Why are we here?" Roie.

"Oo nga! Don't tell me you want to ditch?" Blaze said in teasing tone.

I manage myself to grin. Pinilit Kong wag ipahalata sa kanila na wala ako sa mood. And I'm thankful that they didn't notice my Mood swing.

Pangit lang siguro ang gising ko. I decided to ditch. Wala naman silang nagawa.

Tumambay lang kami sa Billiard Hall. Mamaya nalang kami papasok kapag nasa mood na ako. Tss!

-______-

My not so Typical GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon