1:Fireworks

2 0 1
                                    

kaye.

Nandito kami ngayon ng mga pinsan ko sa plaza para manood ng fireworks display. Bagong taon ngayon at isa sa tradisyon dito sa aming bayan ang pagkakaroon ng fireworks display taon taon. Nakagawian narin naming magpipinsan na manood nito.

Teka, nasaan nga ba ang mga iyon?

Luminga linga ako para hanapin sila sa paligid. Ah! ayun naman pala. Nandoon sila sa may bilihan ng fishball. Tsk! di manlang nag aya, nagugutom na ako eh!

Lumapit ako sa kanila at kumuha na rin ng stick at saka nag umpisang kumuha ng fishball.

"Insan, hinay hinay ka lang ha. Di ka naman mauubusan" sabi sakin ng pinsan ko.

Bakit ba? eh sa nagugutom ako eh.

Kumain kami ng kumain hanggang sa nabusog kami. Matapos kumain ay bumalik na kami sa pinupiwestuhan namin kanina. Buti naman at wala pang umaagaw nito. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang oras. 11:58. Aba, malapit na pala!

Maya maya ay umakyat na sa stage yung emcee. "ok so 2 minutes left nalang mga kababayan. Stay put na tayo at hintayin until the final countdown ha"

Maya maya ay naramdaman ko ang unti unting pagsakit ng tiyan ko.Humaygad! wag naman po dito.

Juice ko! paano ko ito ilalabas ng walang nakakaalam.

isip...isip...isip...

"1 minute left before the fireworks display"

Ahhh!! alam ko na!

uutot na lang ako habang nagfafireworks
bwahahaha.

"bwahahaha-"

"Hoy wag ka nga tumawa ng ganyan katakot ka eh"

"kuya naman eh! ang epal m-ouch huhuhu" ansakit na talaga huhuhu.

"oh bakit namumutla ka?" nag aalalang tanong ni kuya.

" wala kuya excited lang" huwaaa!! antagal naman nung fireworks

"10..9...8..7"

ayan na..

"3..2...1. HAPPY NEW YEAR!"

POOOOOOT!

Hay salamat! Hinimas himas ko pa yung tiyan ko sa sarap. Pagkatapos ay nanood ako ng fireworks na parang walang  nangyari.

"ay ano ba yan ambaho" sabi ni ateng katabi ko na nagtakip pa ng ilong at suminga singa.

ay ang arte ni ate! nakikiamoy na nga lang choosy pa.Pero siyempre para ganap ang acting, "oo nga ambaho" sabi ko kuno at nagtakip rin ng ilong.

Natapos ang fireworks ng maayos ang pakiramdam ko. Maya maya ay nag aya na silang umuwi kaya nag umpisa na rin ako maglakad pero,

" i know what you did" sabi ng nasa likod ko.

Hala! ako ba yung sinasabihan niya. Lilingon na sana ako pero naalala ko. Pag lumingon ako, para na rin akong umamin so diretso na ng lakad ang ate niyo.

" you fart" dagdag niya pa.

Hanla, ako nga! Dahan dahan akong lumingon at ngumiti sa kaniya. Nakita ko naman ang ngisi na unti unting sumilay sa labi niya.

huwaw! ang gwapo ni kuya+_+

"you're drooling"

hinawakan ko ang baba ko para punasan pero wala naman.

.

" wala naman eh"

bigla naman siyang tumawa at halos hawakan ang tiyan niya katatawa.

hanla! nabaliw na ata si kuya

kuya, gulong ka na diyan nahiya pa eh=_=

" oy kuya wag ka maingay atin lang yon ha. Eh kasi ang sakit ng tiyan ko kanina. Kalimutan mo na lang yon kuya ha" sabi ko.

huhuhu..sana naman madaling kausap to.

"ok"

mabait naman pala si kuya e.

" sala-"

" if you will come with me"

come with me?

0_0

" anla kuya bata pa ko" oh juice ko! pinangako ko kay inay na ibibigay ko lang to sa taong mahal ko huhuhu..

nakita kong kumunot ang noo niya

"what?"

" eh kuya sabi mo sasama ako sayo. Kuya ha virgin ako" sabi ko at niyakap pa ang sarili.

Napahalakhak naman siya dahil dun.

uwaaa!! ang gwapo.

" no i mean out, like date"

ahhh..date

0_0

DATE?

Honey, I Fart YouWhere stories live. Discover now