-2-
Irvin’s POV
Monday. I got up from bed and made some breakfast. Coffee and some toast lang ang almusal ko. Yan ang hirap kapag mag-isa ka lang. May family naman ako, I just prefer to live alone. Ang kukulit kasi nila, I want a peaceful life kahit tuwing weekdays lang. Umuuwi lang ako kapag weekends and kapag may kailangan ako.
After kong naligo at nagbihis, umalis na ako sa condo ko. Sumakay na ako sa sasakyan ko at nagdiretso ng school.
Ang boring ng first period namin, kaantok. Napuyat kasi ako kagabi. After nun, vacant na namin until after lunch. Pumunta ako ng cafeteria para ayusin ko yung files ko sa laptop. Wala pa naman masyadong tao dun kasi 9 am pa lang.
*type* *type*
Ang dami ng inaayos ko, makakahabol pa naman ako sa deadline ko with Mr. Perez bukas. May sariling business kasi ako, kaya lang saka ko na sasabihin kasi busy pa nga ako di ba?
Maya-maya umupo sa tabi ko si Carl, my womanizer childhood friend. Kilala ko ‘to since prep pa. Wala ng alam ang utak niya kundi babae. The great cassanova ang nickname niya sa school. Lahat na yata ng babae dito naging girlfriend na niya eh, Pinapatulan niyan kahit yung mukhang girl-version ni Shrek. Basta nakasulat sa birth certificate na female ka, papatulan ka niyan.
“Busy?” tanong pa ng shungak na ‘to. Nakikita ng kanina pa ako type ng type dito, ni hindi ko man lang nga siya nilingon eh.
“Ano sa tingin mo?” masungit kong tanong.
“Parang hindi. Nag-e-angry birds ka lang yata eh.” seryosong sagot ng mokong na ‘to. Pigilan niyo ko sasapakin ko ‘to.
“Anong kelangan mo?” tanong ko na lang, baka bangasin ko na ‘to eh.
“Wala lang. Masama bang umupo dito? Para naman gumanda yung view dito kasi andito ako. Haha.” Ang lakas talaga ng tama ng baliw na ‘to. Ilang beses kaya nauntog ulo nito nung bata pa?
“Then, shut up and don’t disturb me.”
“Sungit mo talaga bro. aha. Dinaig mo pa yung may PMS. Haha.” tawang-tawa pa talaga siya dun sa sinabi niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy ko na yung ginagawa ko. Ang dami pa naman neto.
“Hi Carly.” bati nung isang babae na mukhang espasol.
“Hello baby.” sagot naman ng mokong na ‘to. Girlfriend niya siguro. Umalis na yung babae pagkatapos nilang magyakapan at magahalikan. Grabe lang sa PDA no?
“Hi Carl.” ayan na naman at may bumati na naman sa kanya, mukhang pwet ng manok.
“Hello sweetie.” malanding bati nito. PDA na naman.
Nang makaalis na yung pwet ng manok, nakita niyang tinitingnan ko siya ng masama.
“What’s wrong? Nagseselos ka ba? Wahahahaha.” tawa nung baliw.
“Kadiri.” sabi ko sabay irap.
“Hahahaha. Kung babae ka lang, pinatulan na kita. Haha. Pero tama ka, kadiri nga yun.”
“Iba yung sinasabi kong kadiri.” sabi ko habang walang lingun-lingong nagtatype.
“E ano?” nagugugluhang tanong ng engot. Kahit kelan talaga, ang IQ neto…haist!
“Yung nakakapangilabot na pahalik-halik mo pa sa kahit sinong babae. Pano na lang kung hindi nagtutoothbrush yung mga yun? Ugh! Gross.” sabi ko na diring-diri. E panu ba naman, baka may sakit pa yun, e di nahawaan pa ako? Yuck di ba?
YOU ARE READING
Mai-in Love Ka Rin Sa Akin
RomancePuro na lang sila 'love is like this, love is like that'. e hindi naman ako interesado dun. Hindi na ako naniniwala sa love.... Pwede namang mag-isa lang di ba? Pero ano yun? May bigla-bigla na lang sumulpot na posteng kabute na ipinipilit na in-lov...
