Chapter 4 - jeep

54 4 1
                                    

Kim’s POV

Ang dami ng na’kwento ni Lola kay Andrew. Ano ba naman ‘tong lola ko? Hays. Nakakawalang gana kumain kapag ganito. =.=

“Kumain ka na. Mahaba pa ang araw mo apo. Buti nalang dumalaw si Andrey dito at may makakasabay ka sa pag pasok.”

“Lola, Andrew po. “ sabi ni Andrew.

“Sige Andrey este Andrew He He He. Bilisan mo Kimberlyyyy at nako! Malelate pa kayo netong binatang ‘to.”

“Sige Lola. Sa canteen na lang po ako kakain. Bye!” at hinalikan ko si Lola sa pisngi.

“Bye-bye po, Lola!” pahabol pa ni Andrew.  Ang epal naman nitong lalaking ito! Nakakayamot.

May kalayuan ang RCS, may 20 minuto din ang byahe, jeep ang pangunahing mode of transpo dito samin, mura na pero kailangan mo lang magtiis dahil kung minsan ay papasok pa lang, amoy uwian na yung iba pero ganon pa man. Bakit nga ba kasama ko ‘tong mokong na ‘to? tsk..tsk..

Andrew’s POV

Ano banaman ‘to :’( may umupo sa pagitan naming tsk..

*biglang in-ON ni manong Driver ang sounds ♫*

Jeepney Love Story

-Yeng Constantino

♪“Sumakay ako sa jeepney

Ikaw ang nakatabi

Di makapaniwala

Parang may hiwagang nadama

Nang tumama sa'yo

Ang aking mga mata”

Nagkatitigan kaming dalawa. Tamang tama naman ay pumara ang nasa pagitan namin. Di kami kumikilos para I occupy ang space na naiwan ng bumabang pasahero.

“Upong otso lang mga bata! Aba aga-aga eh.” sigaw ni manong driver

“Sorry po, kuya.” sagot ni Andrew

Nag kadikitan kaming dalawa, nagtama ang aming mga siko at…

“Kim, pumreno ba yung jeep?”

“Hmmp! Hindi! Bakit?”

“Kasi parang huminto yata yung mundo ko.”

“TSEEE! “ umismid lang si Kim at lumayo ng tingin.

Natahimik nalang ako, at ipinagdasal na sana di maubos ang daan para sa kahit ganitong paraan ay makasama ko s’ya.

Kim’s POV

“Kim, pumreno ba yung jeep?” tanong sakin ni Andrew.

Nakakainis na tong lalaking ‘to ah? Tsss

“Hmmp! Hindi! Bakit?”

“Kasi parang huminto yata yung mundo ko.”

“TSEEE!”

Sinimangutan ko sya at lumayo nalang ng tingin, pero shiiit, first time may mag sabi sakin ng ganun. Ganun pala yung feeling? Ang corny pero bakit kinilig ako? Hihihi.

*prrrrrrrt* Ayun! Dito na pala kami sa school.

Pumasok na ko sa unang klase ko kinakabahan padin ako, parang masungit kase yung prof namin. Huhuhuh. :'(

“Everybody! What is love? Anyone?”

Bakit interesado ang lahat ng bitch kabataans sa pag sagot? Kanya kanyang interpretasyon ng pag-ibig. Ang lalandi naman nitong mga ito. >____< Kayamut!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Astral LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon