Pero may tiwala ako kay Juliet, alam ko naman na hindi na niya ako ulit sasaktan. At saka part na rin ng buhay peg-ebeg ang mga ganoong obstacles. Marami-rami pa ang mararanasan namin kaya sana, malagpasan namin ang lahat kasi wala rin namang makakapagsabi kung magiging kami ba hanggang dulo.

Pero dahil ako na si Cindy Hayssbert—isang living Goddess—ang nililigawan slash soon to be girlfriend ng chinitang si Juliet Shin Parker, tinataga ko sa lahat ng bato sa Earth na wala siyang ibang makakatuluyan kung hindi ako, ako, at ako lang. Ang kumontra ipapatapon ko sa Mars!


"Cindy?"

"Oh?"

Ngumiti siya, yung labas lahat ng ngipin. "Kiss mo 'ko."

"Hah," Natawa ako. "Ano ka, sinuswerte? Saka na kapag sinagot na kita."

"Then, sagutin mo na ako." Nag-pout siya. "Cindy..."

"Asa. Maghirap ka!" Sagot ko bago tumawa ng pang-evil. Aba, nararapat lang 'yon! Laglag naman ang balikat na tiningnan niya lang ako ng nagpapaawa. Next time na, Juliet.

"Nambu-bully ka na naman diyan."

Sabay kaming napalingon kay Ate Steff na kadarating lang. May ngiting tagumpay pa sa labi. Napataas tuloy yung kilay ko sa pagmumukha nitong kapatid ko. "Oh, Ate, naka-score ka, ano?"

Humagikhik siya. Eww! Parang ayoko na magtanong ulit, baka kung ano pang marinig ko.

"Hello, Ate Steff!" Masiglang bati ni Juliet. "You looked happy."

"Siyempre naman," Kumindat siya. "Nakita ko si Yanyan my loves, eh." At ang babae, ngumiti na naman ng wagas!

"Ang creepy mo, Ate."

"In love lang." Nag-sigh siya na parang nagpapantasya. Hindi ko alam kung nang-aasar siya o ano. Sapakin ko kaya 'to nang matauhan? Mukhang naaning na.

"Eww." Reaction ko. Tumawa naman s Juliet sa tabi ko sabay yakap at kiss sa pisngi ko. Medyo natameme naman ako. Hoy, bawal kiligin, aba!

"Ikaw talaga," Umiling-iling si Ate. "May love life ka na't lahat-lahat pero brutal ka pa rin talaga. Hindi ka na ba talaga magbabago?"

"Nah." Nagkibit ako ng balikat. "Asset ko 'to."

"Asset para mandarag ng tao?"

"May sinasabi ka?" Gusto yata ng away, eh.

"Wala, ah. May sinabi ba ako?" Balik tanong niya, sumipol siya. "Wala, ah."

"Ewan ko sa'yo." Sarap upakan, eh. Pero pansin ko lang na ang saya niya nga talaga. Hindi kaya naka-score na talaga siya kay Yanyan? Sa pagkakaalam ko hindi pa approved si Tita sa kanya tapos pauwi pa lang sina Papa at Mama. Napangiwi ako bigla sa naisip. Ang awkward lang ma-imagine na hindi na inosente ang mas slow pa sa pagong kong pinsan. Sana naman hindi pa nababahiran ng kamanyakan ni Ate Steff si Yanyan. Concern pa rin naman ako kahit papa'no.

"Bago ko makalimutan, patapos na rin sem niyo, 'di ba?" Sabay kaming tumango ni Juliet sa tanong niya. "Outing tayo gusto niyo?"

Bigla naman akong na-excite na ewan. "Sige!"

"Sure! Can I take Dianne and  Trisha?" Tanong naman ni Juliet.

"Sige lang. The more, the merrier."

"Eh, si Yanyan?" Singit ko. "Makakasama naman siguro siya, 'no?" Panigurado magwawala yung babaitang 'yon kapag hindi siya nakasama, mukhang outing 'yon, eh.

"Siyempre naman!" Kumindat na naman siya. Isang kindat pa iisipan ko na talagang may sakit siya sa mata. "Magmo-moment pa kami, eh."

"Ayokong isipin." Binelatan niya lang ako sa komento ko. Ang hirap asarin kapag sobrang good mood. "Isama na rin natin si Nikki."

"What?" Attentive so Juliet, nag-react agad.

Natigilan sila sa sinabi ko.

"Oh, bakit?" Tanong ko. Hindi naman sila nagsalita. "Magsasalita kayo o puputulin ko iyang mga dila ninyo?"

"Ito na, chill!" Sabi agad ni Ate, si Juliet naman ay napatakip na lang ng bibig. "Nagtataka lang naman kasi ako kung bakit siya kasama. Eh, 'di ba—"

"Eh, friend ko na rin naman siya." Putol ko sa kanya. "Mabait naman 'yon kahit conceited minsan."

"Parang ikaw."

"May sinasabi ka, Ate?"

"W-wala, 'no." Tumawa siya. "So, settled na, ha—" Napahinto siya tapos tumingin sa cellphone niya. "Wait lang," Senyas niya sa amin at saka tumalikod. "Hello, Pa?"

Si Papa?

"Cindy," Tawag niya sa atensyon ko. Pansin ko naman yung selos sa mata niya. "Isasama talaga natin si Nikki?"

"Okay na naman tayo sa kanya, 'di ba?" Mahinahon kong tanong. Hinaplos ko ang pisngi niya.

"I know, but—" Namula siya nang halikan ko siya sa lips. Napangiti tuloy ako at hinalikan ulit siya. Cute talaga.

"Huwag ka na magselos."

"Pero..."

"Lulunurin ko siya kapag pinormahan niya ako," Seryosong sabi ko kaya bigla siyang natawa. "Okay na?" Sa wakas ay naging ayos na ulit siya. Tinanguhan ako ni Juliet at yumakap sa akin.

Patay na patay talaga sa akin 'tong si Juliet. Ganda ko kasi, eh.

_____

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now