Chapter 22

7.4K 270 19
                                    

Juliet's

"Ang aga mong magising."

I look at Tita who's smiling at me. Nakaupo siya sa lamesa at umiinom ng coffee habang nagbabasa ng newspaper. I smile back at her and umupo sa isang upuan sa tapat niya. "Oo nga po, eh. Good morning po."

"Good morning din," bati niya pabalik.

Kumuha ako ng tasty and pinalamanan ito ng Nutella. Kakauwi lang ng mama ni Cindy kahapon. Cindy was like a kid yesterday. Ang dami niyang story kay Tita and panay ang rants niya about kay Peter who's enjoying pissing her off. That kid really do love my girlfriend despite that. Super pilyo. Si Tita naman, panay lang ang tawa. In the end, ayon, buong araw na wala sa mood ang love ko.

"Si Cindy tulog pa?" She asks. Ibinaba niya yung newspaper sa gilid niya at masiglang tumingin sa akin.

I nod. "Yes po. She looks tired, Tita."

Tumango lang din siya pabalik as she sips her coffee. Black coffee to be specific, Tita loves it.

Wala naman siyang say about Cindy and I sharing the same room. In fact, she's somewhat kinikilig pa. She trusts me naman na I won't do anything bad to her daughter. I respect Cindy though sometimes I'm too clingy and touchy on her. What can I do, mahirap kaya magpigil. I just love her that much.

"Where's Ate Steff nga pala?" I ask nang mapansin kong medyo tahimik. Peter is still sleeping pa. Off ni Ate today since bisperas na ng Christmas ngayon.

"Nasa kabilang bahay. Pihadong ginugulo na naman non si Marian."

We both chuckle. Hindi talaga kumpleto ang araw ni Ate kapag hindi nakakasama si Yanyan. She really loves her. I wonder when Yanyan will notice it. I take a bite of my sandwich and savor the taste of the spread. May pagkakapareho minsan si Yanyan kay Cindy. They're both dense sometimes. Siguro it runs in the blood lang.

"Mama!"

Napalingon kami ni Tita ng sabay kay Cindy na nakasimangot at kasalukuyang inaalis si Peter sa pagkakasabit sa kanya. Mahigpit itong nakayapos sa binti niya at talagang ayaw bumitaw. Medyo nakapikit pa ito.

"Ma!" She growls while wiggling the kiddo out of her leg. "Alisin mo nga po itong tiyanak na ungggoy na 'to sa binti ko!"

Tatayo na sana si Tita pero pinigilan ko siya at nagpresintang ako na ang bahala. Lumapit ako kay Cindy. Hinalikan ko muna siya sa cheek niya before I kneel down. I smile at Peter and ruffles his hair. "Kiddo, alis na sa binti ni Tita Cindy."

He looks at me sleepily. Finally bumitaw na rin siya ang kaso sa akin naman siya yumapos. I can't do anything but to carry him.

"Morning Tita mama." He greets. He's been calling me that since Cindy is my future wife daw. Even the kid likes me.

Umupo na ako sa upuan ko habang nakakalong siya sa akin. Pinakagat ko siya sa sandwich ko. "Morning too, Peter."

Umupo si Cindy sa tabi ng mama niya kaya napakunot ako ng noo. She didn't sit beside me. Tita chuckles at siniko ang anak niya kaya lalo itong napasimangot. I pout. My girlfriend's not in the mood today...

"Is there a problem, Mine?"

"Meron." Walang gana niyang sabi habang sinisimulang papakin yung Nutella. Tumitig siya ng masama kay Peter na nakakandong pa rin sa akin at kinakain na yung sandwich ko. "Ayan, ayang tiyanak na 'yan ang problema ko." Dinuro niya yung bata gamit ng kutsara. "Hoy, Pedro, umalis ka sa kandungan ni Juliet! Girlfriend ko 'yan!"

"Ayaw! Beh!" Pang-asar na sagot ni Peter na may kasama pang hagikhik. Halos magdugtong na ang kilay ni Cindy. Obvious na naiinis talaga siya.

"Love, stop being jealous. Bata lang 'to oh," I say pertaining to his pamangkin. "If you want, ikakalong din kita later."

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now