Book II: Prologue

9.7K 305 26
                                    

Away-bati.

Ganyan kami ni Juliet sa mga nakalipas na buwan. At ngayon... siyempre away-bati pa rin!

Sinong may kasalanan palagi? Sino pa ba? Sino pa ba rito yung mahilig magmaganda? Ako, malamang! Wala siyang magagawa, alam naman niyang matigas ulo ko. Pero kahit sobrang pasaway ko at minsan hindi ako nakikinig sa kanya, ito, pinagtitiyagaan niya pa rin ako.

Maganda kasi ako! Maganda na, sexy pa!

"Hmm..."

Napangiti ako nang kumunot yung ilong niya, nairita siguro kasi kinikiliti ko yung mukha niya gamit ng buhok ko. Wala, wala akong magawa eh. Magtiis siya.

Maaga akong nagising dahil sobrang lamig. 'Langya kasi, ang tindi mag-aircon ng babaeng 'to. Pasalamat siya malambot itong kama niya. Nandito ako sa bahay niya pero nag-behave naman siya ng kaunti. Sadyang grabe lang magpa-cute itong girlfriend ko kaya napapayag niya akong matulog dito. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ng bugok kong kapatid noong nagpaalam akong makikitulog dito...

"Hoy, Ate Steff." Agaw-pansin ko sa kanya habang panay siya sa pagtitig kay Yanyan na panay lang ang paglalaro sa cellphone niya. Partida, pati game sa cellphone ng isip-bata kong pinsan pinagseselosan din niya. Tindi tumitig.

"Bakit?" Tanong niya nang hindi lumilingon sa akin. Binatukan ko siya ng malakas. "Aray! Sinasapian ka na naman!"

Gaganti sana siya pero lumayo na agad ako. Bwisit, eh, sarap pektusan sa ngala-ngala.

"Tse! Bastos ka kasi kausap! Try mo kayang tumingin sa akin!" Kunot-noong sigaw ko sa kanya.

Napakamot naman siya sa ulo niya at inirapan ako. Aba! Ang tapang na. "Ano ba kasi 'yon?"

Napabuga ako ng hangin at nameywang. "Makikitulog ako sa bahay nina Juliet ngayon at hindi mo ako mapipigilan."

Oh, 'di ba? Galing ko magpaalam. Sabi nga nila, talk like a boss, act like a boss. Eh, akong boss dito!

"So? Edi makitulog ka! Kahit huwag ka nang bumalik! Pabor pa nga sa akin 'yon, eh," Muli siyang tumingin kay Yanyan at ngumisi ng sobrang pilya. "Solo ko si Yanyan mamayang gabi."

'Langya talaga 'tong kapatid ko. Halatang gusto na akong ipamigay!

Para namang naestatwa si Yanyan sa narinig at napalunok. Lumingon siya sa akin at ngumiti na parang humihingi ng tulong. "Ah, eh, mahal kong pinsan? Ano kaya kung sumama na lang ako sa iyo —ay, shit! Steff!"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang bigla siyang dinamba ni Ate Steff at alam na...

"Wah, Steff! Huwag ngang malikot 'yang kamay mo!"

Napailing na lang ako at tumalikod na sa kanila. Maglalandian na naman eh. "Mag-aayos na ako ng damit."

"Okay! Bukas ka na ng gabi bumalik!" Sigaw sa'kin ng manyakis kong kapatid. "Kailangan makarami ako kay Yanyan ko!"

"Steff! Susumbong kita kay Mama!! Cindy!" Tili ni Yanyan na alam mong nagpa-panic na.

"Sira-ulo. Hindi ako nanay mo!" Natatawang sambit ko bago ako makapasok sa kwarto para mag-pack na ng dadalhin ko.

"Mine?"

Oh, gising na pala itong babaeng 'to. Hinawi ko yung buhok niyang nakaharang sa mukha niya. "Oh?"

"You're smiling. Gandang-ganda ka sa akin, 'no?" Ay nako, nagyabang na naman ang bruha. Ngiting-ngiti pa siya pagkatapos magtanong. Patusuk-tusok pa sa tagiliran ko. "Yee, nagagandahan siya sa akin."

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum