MOTHER IN LAW PLUS EX LOVER

904 3 0
                                    

Sinorpresa ni Mariposa si Julius ng dalawin niya ito sa car shop kung saan siya nag tratrabaho.Napatingin ang mga kasamahan ni Julius ng makita ang isang may edad na babae na nilalambing at pinapakain si Julius sa harap nila.

''Pre un ba ang asawa ni Julius? parang Nanay na niya un ah!''bulong ng kasamahan nito sa trabaho.

''Hay sayang ka Papa Julius ang gwapo mo sana pero bakit sa isang cougar ka na inlove sana sa akin nalang.''wika namn ng secretary ng car shop.

Narinig at napansin ni Julius ang kakaibang mga tingin at bulong bulungan ng mga kasamahan nito ng dumating si Mariposa.Nakaramdam siya ng hiya pero tiniis niya ito para lang hindi masaktana ng damdamin ng minamahal niyang si Mariposa.

''Sige na mahal tama na to,umuwi ka na alam mo namang bawal siya magpagod at bumiyahe dba? Minda iuwi mo na ang Mam mo,ok na dito salmat sa masarap na food.''wika ni Julius na gustong iiwas si Mariposa sa matinding pressure dahil sa maselang kalagayan ng pagbubuntis nito.

''Sige uuwi na ako,wag kang papagabi ha! love u.''wika ni Mariposa na natunugan ang pagpapaalis ni Julius sa kanya.

Alam niyang pinag titinginan sila ng mga katrabaho ni Julius,naririnig din niyang bahagya ang mga masasakit na puna sa kanya ng ibang tao.Napapikit si Mariposa habang nasa loob ng taxi at iniisip na kung bakit kailangang maging malupit ang tadhana sa kanila ni Julis.Bakit naunang ipinanganak sa kanya ng ilang taon ang lalakeng iniibig.Bakit napaka complicado ng kanilang relationship at bakit madaming nanghuhusga sa pag iibigan nilang sa paningin ng iba ay mali.

''Mam may tao po ata sa labas ng gate!''wika ni Minda ng makita ang isang kaedad nito na babae na nagaabang sa labas ng bahay niya kasama si Rowena.

''Siya na naman! hay pasaway na babaeng yan!''wika ni Mariposa na matapos bayaran ang taxi ay agad haharapin si Rowena.

''Siya Tita ang sinasabi ko sayong cougar na kinakasama ng anak niyo.''sumbong ni Rowena sa ina ni Julius.

Kasing edad ni Mariposa ang ina ni Julius,halatang may kaya ang babae dahil sa makinis na kutis at mga alahas sa katawan nito.Napataas ang kilay ng babae ng makita ang umbok sa tiyan ni Mariposa,makikitang direng dire ito na nakatingin sa kanya.

''Ikaw pala ang matandang kumerengkeng sa anak ko! My God magkasing edad lang ata tayo pero nagawa mong asawahin ang anak ko!''wika ng ina ni Julius kay Mariposa na kahit nasasaktan ay pilit dinededma ang panglalait ng byenan niya.

''Walang pinipiling edad ang pag ibig,kung andito kayo para guluhin kami pwes nagsasayang lang kayo ng oras.''wika ni Mariposa ng bigla siyang hawakan sa braso ng ina ni Julius.

''Hindi ka nababagay sa anak ko,lubayan mo siya!''matigas na utos ng ina ni Julius kay Mariposa.

''Hindi ko magagawa un,kung si Julius mismo ang magsasabi sa akin niyan maluwag sa dibdib kong tatanggapin.Pero kung ikaw at ang babaeng yan ang magsasabi sakin na layuan ko si Julius pwes manigas kayo dahil ipaglalaban ko ang pag ibig ko sa anak niyo.''wika ni Mariposa sabay bitaw sa mahigpit na pagkakahawak sa braso niya.

''Sa tingin mo magtatagal sayo ang anak ko? at yang batang yan sa tingin mo magiging normal ang buhay niyan paglabas sa tiyan mo? Sinisira mo ang buhay ni Julius,kung mahal mo siya hindi mo hahayaang mapunta sa ganitong landas ang buhay niya.Ang tanda tanda mo na hindi mo man lang naisip ang mga consequence ng mga pinag gagawa mo.AKo na mismo magsasabi sayo na hindi mag wowork out ang relasyon niyo ng anak ko.''wika ng ina ni Julius sa dedma na si Mariposa na agad papasok ng bahay at tumuloy ng kwarto niya.

''Papano yan Tita mukhang ayaw hiwalayan ng gurang na iyon si Julius.''wika ni Rowena sa ina ni Julius.

''Kung ayaw niya hiwalayan wala na tayong magagawa dyan,si Julius nalang ang kakausapin ko im sure makikinig ang anak ko sakin.''wika ni Carmen ang ina ni Julius kay Rowena na lihim na nagdiwang sa plano niyang paghiwalayin si Julius at Mariposa.

''Umalis na ba sila Minda?''tanong ni Mariposa kay Minda ng dalhan siya nito ng orange juice s akwarto.

''Opo Madam,nakakainis naman ung nanay ni Sir Julius akala mo kung sino magsalita.''wika ni Minda kay Mariposa na mapapabuntong hininga na lamang sa mga nangyayari sa kanya.

''Hayaan mo na hindi naman nila kami magagawang mapaghihiwalay ni Julius.''wika ni Mariposa ng biglang pumadyak ang bata sa sinapupunan niya.

''Agree ka rin pala anak,dont worry magiging isang happy family tayo promise ko sayo yan.''wika ni Mariposa sa sarili habang hinihimas ang umbok sa tiyan niya.

Mag aalas syete na ng dumating si Julius,papasok na sana ito ng bahay ng biglang harangan siya ni Rowena.

''Anong ginagawa mo dito?papano mo nalaman ang address ko?''tanong ng tila nagulat na may halong galit na si Julius.

''Hindi na mahalaga kung papano ko nalaman ang address mo,ang mahalaga ay ang sasabihin ng Mama mo tungkol sa relasyon niyo ng matandang iyon.''wika ni Rowena sabay nguso sa likdo ni Julius kung saan makikita si Carmen na nakakunot ang noong nakatingin sa gulat na si anak nito.

Itutuloy............

MY MAY-DECEMBER LOVE AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon