HERE COMES THE BABY BOOM

911 3 0
                                    

Mag dadalawang buwan na ng mahumaling sa samot saring sexcapades sina Julius at Mariposa.Dahil sa napapadalas na pagkikita ay unti unting madedevelop ang loob ni Julius sa matandang dalaga.Sweet kasi si Mariposa at inosente na bihira lang makita ni Julius sa mga babaeng nakarelasyon nito sa buhay.Hindi naman maitatanggi na maganda rin nman si Mariposa kahit may edad kaya naman lalong gumagaan ang loob ni Julius dahil sa natural na pagkamatured ng dalaga sa kung ano mang meron sa pagitan nilang dalawa.

''Kumain ka na? eto pinaghanda kita ng tanghalian.Alam mo kanina nag flashback sa memory ko ung mga thrillng sexcapades natin.Ung sa may elevator,sa sinehan lalo na dun sa may baywalk nakakatawa lumundag pa talaga tayo dun sa dagat ng muntik tayong mahuli ng mga pulis na nagroronda.''kwento ng masiyahing si Mariposa habang nakangiting nakatingin si Julius sa kanya.

''Alam mo maganda ka talaga kapag nakangiti.''wika ni Julius na ikinagulat ni Mariposa.Napansin nito ang malagkit na titig ni Julius sa kanya,tataasan niya ito ng kilay sabay nguso sa pagkaing hinanda niya.

''Baka malusaw ako niyan sa kakatitig mo,kumain ka na tapos mamaya magkainan tayo.''yaya ni Mariposa na natuto ng buksan ang isipan sa mga naughty words and thoughts na itinuro sa kanya ni Julius.

''Hindi ka ba kakain? ang dami kaya nito d ko to maubos.''wika ni Julius ng umiling si Mariposa.

''Hindi ko pa feel kumain,sige lang kain ka lang masarap yan.''wika ni Mariposa ng biglang makaamoy ng hindi maganda dahilan upang magkanda duwal duwal siya.

''Oh ok ka lang? eto tubig,naku namumutla ka ata.''wika ni Julius matapos maisuka ni Mariposa ang lahat ng sama ng loob niya.Umiikot ang buong mundo ni Mariposa na biglang mawawalan ng malay na ikinabahala ni Julius.Agad na dadalhin ng binata si Mariposa sa ospital at matiyagang naghintay sa pagmulat ng mga mata ng matandang dalaga.

''Sino ang kaanak ng pasyente na si Mariposa?''tanong ng doktor ng lumabas ito sa E.R at maabutan si Julius na nagmamadaling tumayo.

''Ako ho dok kamusta na po siya?''tanong ni Julius sa doktor.

''Ay ok lang naman ang Mama mo iho,buntis lang naman pero dapat mag ingat kasi sa edad niyan yang mahirap na ang manganak.''wika ng babaeng doktor sa tila nabwisit na si Julius.Napagkamalan siyang Anak ni Mariposa ,hindi naman mukhang matanda si Mariposa para mapagkamalan niyang Nanay ito ng binata.

''Salamat dok.''tanging nawika ni Julius sa doktor na kasing edad nito at in fairness maganda siya at halatang may crush kay Julius.

Nilapitan ni Julius si Mariposa na nooy unti unti ng magigising at magugulat sa kinaroroonan niya.Mapapatingin ito sa nakangiting si Julius na lalapit at hahalikan sa noo si Mariposa.

''Magkakababy na tayo Mariposa.''wika ni Julius sabay halik sa labi ng hindi makapaniwala na si Mariposa.

''What? gf niya ang babaeng un?''wika ng doktor na napatingin sa kinaroroonan ni Julius at Mariposa.Walang pake sa mga tingin ng mga tao sa paligid nila ay magkahawak kamay na binantayan ni Julius si Mariposa na sinabihan niyang muling matulog at magpahinga.

Dalawang araw simula ng makalabas ng ospital si Mariposa ay excited na makikita si Julius na inaasikaso ang matandang dalaga.Kilig na kilig naman si Helen na nakatingin sa umuusbong na lovelife ng kaibigan na doble ang swerteng dumating sa buhay niya.

''Naku bff tingin ko inlababu na sayo si boylet!''wika ni Helen habang nakatingin sila sa nag lulutong si Julius.

''Sana nga magdilang anghel ka bff,akala ko noong una kaya kong magkababy ng walang lalake sa tabi ko pero ngaun parang masakit isipin na iiwanan na niya ako ngaung tapos na ang trabaho niya na anakan ako.Bff mahal ko na siya,super masasaktan ako pag iiwan ako ni Julius.''wika ni Mariposa na natatakot na mwala si Julius sa buhay niya.

''Mare im sure hindi siya mawawala sayo kasi magkakaanak na kayong dalawa.Saka single naman siya at kita ko naman kung gaano siya ka concern sayo at sa baby mo.Think of happy thoughts ok bawal ang nega nakakasama kay Baby.''wika ni Helen na pinapasaya ang nag aalalang si Mariposa.

''Sana nga bff...sana nga hindi ako iwan ni Julius.''wika ni Mariposa habang hawak ang umbok sa tiyan niya.

Limang buwan na ang tiyan ni Mariposa at makikitang going stronger parin sila ni Julius na nooy nakatira na sa bahay niya.Walang commitment o pag amin na sila na ba officially ay naging common nalang kay Mariposa ang pagiging sweet nila ng batang binata.May mga times na kusa itong nagpapaalam na umalis at pinaparamdam talaga ni Julius kay Mariposa na mahalaga ito sa kanya.

''Julius ano na ba tayo?''tahasang tanong ni Mariposa minsan ng hindi na ito makapag tiis at gustong i confirmed ang estado nila ng binata.

''Ano ba sa tingin mo?''tanong ni Julius ng hawakan niya ang kamay ni Mariposa.

''Nakakainis ka naman eh nagtatanong ako tapos sasagutin mo rin ako ng tanong.''wika ng tila nagtatampo na si Mariposa.Mapapangiti si Julius at makikitang unti unti itong luluhod sa harao ni Mariposa.Napanganga ang matandang dalaga ng makita nitong nakaluhod ang lalaking iniibig niya na nakatingin ng deretso sa kanyang mga mata.

''Gawin nating pormal ang lahat,Mariposa will you be my gf?''tanong ni Julius sa super kilig na si Mariposa na mapapayakap ng mahigpit sa binatang iniibig.

''Ikaw naman may paluhod luhod ka pa,hindi paba mag gf at bf ang turingnan natin sa isat isa.''wika ni Mariposa sa matatawang si Julius ng biglang mag beep ang cellphone ng binata at makikita ang pagkagulat sa message na natangap niya.

''Mahal aalis muna ako may nangyari kasi kailangan kong puntahan ngaun din,itetext ko si Helen na samahan ka dito ok?''paalam ni Julius sa nakangiting si Mariposa.

''Ok sige mag ingat ka sa lakad mo ah,i love u.''wika ni Mariposa ng mapansing matapos na halikan siya sa pisngi ni Julius ay hindi man lang nakarinig ng i love you too mula sa binata.

Itutuloy.......................

MY MAY-DECEMBER LOVE AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon