ASUNGOT SI EX

758 0 0
                                    

Sa isang apartment unit makikita si Julius na agad sasalubungin ng yakap ng isang babaeng seksi na may napakalaking pwet at hinaharap.Agad kakalas si Julius mula sa malagkit na pagkakayakap ng babae na magtataka sa malamig na pakikitungo sa kanya ng binata.

''Hindi mo ba ako miss? ''malambing na wika ng babae.

''Hindi kaya pwede ka ng umalis.''wika ni Julius na halatang may galit na nararamdaman sa babae.

''Ok im sorry kung umalis ako ng bansa at iniwanan ng may napakaraming utang.Intindihin mo naman na kailangan kong mag work para sa family ko...para sa future natin.''wika ng babae sa tila dedma na si Julius.

''Wala ka ng future sakin,tpos na tayo.Huwag mo na rin akong kontakin masaya na ako na wala ka sa buhay ko.Ung mga utang mo bayad na rin kaya wag mo na akong guluhin.''wika ni Julius na agad tatalikuran ang babae na hahawakan ang bisig niya.

''May iba ka na ba ha Julius? ganun ba talaga kabilis mo akong kalimutan? ''wika ng babae na hahawak sa dibdib ng galit na si Juluis.

''Oo Rowena ganun lang kadali un,huwag ka ng umasang makikipag balikan pa ako sayo dahil tapos na tayo.Eto ang susi ng apartment nato,at huwag mo na akong kontakin nanahimik na ako.''wika n Julius sabay walk out sa tila natulala na si Rowena.

''Hindi pa tayo tapos Julius,babalik ka rin sakin itaga mo yan sa bato.''wika ni Rowena habang nakatingin ng masama sa papaalis na si Julius.

Gabi na ng nakauwi si Julius ng madatnan nito na gising parin si Mariposa na hinihintay ang pagdating niya.Nakangiti niya itong yayakapin ng mahigpit sabay halik sa labi ng matandang dalaga.

''Kamusta ang bundat kong asawa? pinakain mo ba ang baby natin?''pang aasar ni Julius sa nakangiting si Mariposa.

''Bundat talaga? bakit hindi na ba ako sexy?''wika ni Mariposa ng ilagay ni Julius ang mga kamay nito sa bewang ng matanda upang idiin sa bewang niya.

''Ikaw lang ang babaeng kahit bundat may kurba parin at super ganda.Hala mahal ko bakit namamaga yang ilong mo siguro lalake ang magiging anak natin.''wika ni Julius sabay pisil sa ilong ng napatawang si Mariposa.

''Excited na ako sa baby natin,sana lumabas siyang malusog.''wika ni Mariposa sabay himas sa lumalaki niyang tiyan.

''Oo naman bakit may problema ba? may nararamdaman ka ba? gusto mo magpacheck up tayo bukas?'wika ng nag aalalang si Julius sa minamahal na si Mariposa.

''No im ok worried lang kasi ako baka kasi alam mo na sa edad kong to kung kaya ko bang mailuwal ng maayosa ng baby natin.Napanuod ko kasi kanina sa tv na malaki ang risk pag dating sa pagdadalang tao ng mga babaeng nasa edad 40 pataas.Alam mo ok lang kung ako ang mawala wag lang ang baby natin.''wika ni Mariposa ng yakapin siya ng mahigpit ni Julius.

''Walang mawawala,wala ni isa sa inyo ng baby ntin ang mawawala.Wag kang mag alala masyado ok? nakakasama sa baby ung sobrang pag iisip.Magiging maayos ang lahat dahil hindi ko hahayaan na may mangyari sa inyo ng anak ko.''wika ni Julius na nagkaroon ng pag alingalangan sa sitwasyon ng minamahal.

''Mahal na mahal kita Julius ikaw ang lakas ko sa lahat ng tao.Binigyan mo ako ng pangawalang pagkakataon na mabuhay sa pamamagitan ng anak natin.''wika ni Mariposa na hahalikan sa labi ni Julius.

''Ikaw ang nagbigay sakin ng dahilan para magbago,ikaw ang nagbigay sakin ng rason para umibig muli Mariposa.''wika ni Julius na agad yayakapin ng mahigpit ang nakangiting si Mariposa.

''Ikaw pala ang rason kung bakit nagbago sakin si Julius! Isang matandang kerengkeng! babawiin ko ang akin! makikita mo ring matanda ka!''wika ni Rowena na sinundan pala si Julius papunta sa bahay ni Mariposa.

Itutuloy...................

MY MAY-DECEMBER LOVE AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon