Prologue

11 0 0
                                        


Prologue

Matapos ang lahat ng dinanas ko sa kamay ng mga kumidnap sa akin, nabuo ang matinding galit at pagkamuhi.

Galit at pagkamuhi sa mga taong nakasuot ng maskara nasa harapan ko.

Pagkasuklam sa taong naglagay ng marka sa ibabang bahagi ng balikat ko.

Dahil sa kawalan ko ng pag asa na makawala sa pagkakakulong sa tila hawla na kinalalagyan ko. Napadaing ako.

Isang boses ang nangusap sa akin habang nakalugmok ako sa sahig ng hawlang ito.

"Maaari kitang alisin sa kinalalagyan mo ngayon." Sabi ng tinig na iyon.

Inilinga ko ang aking ulo para hanapin ang nagsasalita ngunit wala akong nakikita kundi ang mga nakamaskarang nagtatawanan na nakapaligid sa hawlang kinalalagyan ko.

"Sino ka?" Tanong ko na tila nakikipag usap sya gamit ang isipan ko.

"Ako ang magliligtas sayo." Sagot nya

"Paano?!"

"Madali lamang ang tanong mo ngunit may kapalit ito."

"Ano?!" Balik kong tanong

"Ang kaluluwa mo!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Ngunit dahil nasa kalunos lunos akong sitwasyon ay pumayag ako.

"Sige! Pumapayag ako ngunit nais ko na lahat ng mga tao sa paligid ko na naririto ay mapaghigantihan ko muna."

"Masusunod, Master!"

Nakita ko ang isang itim na usok na unti unting naghugis tao. Mapula ang kanyang mga mata. Lumiwanag ang kaliwang mata ko at may markang lumabas dito na tulad ng sa isang sumpa.

"Ilabas mo ako dito! Yan ang utos ko!" Sigaw ko.

"Yes, Master!" Saad ng nilalang na iyon.

Agad akong nakawala sa kulungang yon at binuhat nya ako. Wala akong pakialam sa maaaring maganap. Nais ko lang makatakas sa impyernong lugar na yon.

Dinala nya ako sa dati naming bahay. Ang mansyon ng mga Chavez.

"Ano ang pangalan mo?" Tanong ko sa itim na nilalang na yon.

"Sebastian!"

Matapos kong marinig yon ay iginupo na ako ng matinding panghihina, pagod at antok.

Simula noon, naging kasa kasama ko na palagi ang nilalang na tinatawag kong Sebastian sa lahat ng ginagawa ko lalo na sa paghahanap sa mga taong nanakit at nagpahirap sa akin noon.

-- 👑
Yami_Psyche

Please vote, comment, like and share po.

Thanks po 😘

Heir Of The CurseHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora