Huminga ako ng malalim at naglakad palayo. Mabuti nalang at huling subject na iyon kanina. I need to breathe proper.
Bumalik ako sa room pero ala nang tao. I wonder where did Darton go? Nagsimula akong luminga linga sa cafeteria trying my luck to see one my cousin.
"New flavor of the month," bulong ng ilan ng dumaan ako. Pumikit ako ng mariin para pigilan ang galit ko na anytime ay pwede nang sumabog. Ganon kabilis kumalat ang maling balita?
"Atleast sa kanya months.. ako nga days lang.." another girl said dramatically. Umiling ako habang naglalakad at pinag walang bahala sila. I can't blame Luther for breaking your hearts.. sumugal kayo, e. Expect the heartaches.
"Sasha," natigilan ako at huminga ng malalim ng makita ko si Draco at Darton sa dulong side. I even roamed my eyes tsaka ko nakita si Luther alone sa dulong row. Nagtaka man ako ay pumunta ako sa side nila Darton.
"Care to explain about Luther's announcement?" Tumaas ang kilay ni Draco. Umiling ako at ngumiwi sabay upo sa tabi niya which has view from where Luther is seating.
"Nababaliw na siya.." hinablot ko ang shake na hawak niya sabay inom. Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako at napangalahati iyon.
Humalakhak ng mahina si Draco habang si Darton ay seryoso lang.
"What?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Does he tell you?"
"Tell me what?" Iritableng sagot ko kay Darton. Maybe, may alam si Darton. Kasi, hindi naman siya magtatanong ng ganito kung wala siyang alam diba? Should I ask him?
Huminga ako ng malalim. Paulit ulit kasi na bumabalik sa utak ko ang mga mata ni Luther kanina na halos magsumamo. And for some reasons.. it bothers me a lot.
"I don't want to sound nosy but.." he stopped. Tila ba nagdadalawang isip kung sasabihin niya o hindi. Umirap ako. "Then you shouldn't started the fire.." I gritted my teeth. Ilang segundong katahimikan ang nangyari sa pagitan namin ni Darton. Draco's busy doing something on his phone which is I don't really care.
"Ano na, Darton?" Angil ko. Hindi kasi ako makatiis na hindi malaman ang situation. Somehow, part of me not just bothered for Luther. I really care..
Napatingin ako kay Luther na may katawagan ngaun sa cellphone habang panay ang igting ang panga.
"Okay, why the fuck I have to explain this?" Iritableng salita ni Darton.
Umikot ang mata ni Draco na ikinangiti ko ng bahagya. "Nagmagaling ka kasi.. you idiot!"
"Are you going to explain or I'll be the referee for your fight first?" Sumimsim ulit ako ng shake ni Draco. Nawala ang atensyon ko sa dalawa ng biglang nawala si Luther sa loob ng cafeteria.
Nang wala na talaga si Luther sa loob ay bumalik ang tingin ko kay Darton. Nakatingin siya sa akin kaya tinignan ko siya ng masama. He raised his both hands up kaya pumangalumbaba ako ready to listen to whatever he has to say.
"I'm not the one who spill it, bro." Natatawang tinapik ni Draco si Darton sa balikat sabay tayo.
"Thanks for the support you skunk!"
"Enough for the long intro.. please.." napasinghap ang dalawa ng bahagya kong tinapik ang lamesa. Nagkibit balikat si Draco sabay ngisi ng makahulugan kay Draco. "The table is open, bro.." humalakhak siya sabay martsya palabas ng cafeteria sabayan ng sunod sunod na mura ni Darton.
"Luther's really in trouble now.." panimula ni Darton. "I know.." maagap na sagot ko. Duh! Yung rason ang tinatanong ko diba?
Tumikhim si Darton." Ano ba tong napasok ko.." napakamot siya ng batok. Hindi ako makapagsalita coz' I'm giving him more time.. alam ko naman na hindi madali sa kanila ang magsalita coz' that's their brother's code. Pero, hindi naman ako iba sa kanila diba? And technically parte na ako ng issue!
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
15. Rules
Start from the beginning
