Napatitig ako sa kanya, magkasalubong ang kilay. "May genuine bang nac-confuse? Okay ka lang?"

Umiling siya at ngumiti. "Marian, hindi naman porke naguluhan ka, eh, hindi na totoo yung nararamdaman mo. Kaya nga confused, eh. Parang ganito lang 'yan," Iginilid niya sa likod ng tainga ko yung buhok na humarang sa mukha ko. "Parang mga bata lang tayo minsan na may gustung-gustong laruan. Halimbawa, may maganda akong laruan, gustung-gusto kong nilalaro iyon. Kaya lang, may nakita akong laruan ulit at binili iyon kasi maganda. Kaso noong nasa akin na, saka ko lang na-realize na mas gusto ko pa rin yung dati kong laruan. Gets?"

"Hindi." Ano kaya 'yon.

"Slow talaga."

"Ang gulo kaya!" Depensa ko.

Tumawa siya kaya napasimangot ako. Bigla niya akong hinalikan sa lips ng mabilis kaya napaiwas ako ng tingin.

"Ang gusto ko lang sabihin, okay, fine, ayan na, nagkamali nga si Juliet. Nakasakit siya." Pag-e-elaborate niya, "Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay masamang tao na siya. Na hindi na dapat siya bigyan ng chance na patunayan yung sarili niya. Na dapat magalit sa kanya lahat ng taong makakaalam ng nangyari. Kasi si Juliet, oo, nasa kanya na nga siguro lahat, pero hindi siya perfect. Naiintindihan mo ba?"

Tumangu-tango ako. Nagpatuloy naman siya.

"Gano'n kasi tayo minsan, eh. Kaya nga may kasabihan tayong once a cheater, always a cheater. Paano naman yung gustong magbago? Gustong bumawi? Paano yung mga taong katulad ni Juliet na naging mahina lang ng isang beses?" Saglit siyang huminto para tingnan ako sa mata. Hindi ako makaiwas ng tingin. Ang seryoso niya kasi habang nagsasalita. "Hindi ko naman sinasabing bigyan nating lahat ng chance lahat ng taong humihingi nito. Kasi ang second chance, ibinibigay lang sa taong deserving mabigyan. Hindi iyon pwedeng abusuhin." Wala sa sariling napa-nod ako. Ang...ang mature niya. "Imbes na magalit tayo sa may kasalanan, hindi ba dapat na mas lawakan natin yung pagiging understanding natin? Kasi si Juliet, hindi lang siya girlfriend ni Cindy, kaibigan din natin siya. Si Cindy, hindi lang basta pinsan mo lang, kasangga na natin iyon. Kaya mas okay kung parehas natin silang iintindihin nang walang pinapanigan. Kuha?"

"Hmm-mm..." Natahimik ako. Bigla akong napaisip. Feeling ko ang bad ko. Feeling ko tuloy ang babaw ng friendship namin dahil sa naramdaman ko kanina. Imbes na intindihin muna siya, mas inuna ko pang magalit. Kailangan kong mag-sorry.

Napasinghot ako. Saka ko lang na-realize na umiiyak na pala ako nang hawakan ni Steff yung pisngi ko.

"Huwag na iyak. Para kang bata, oh." May himig pang-aasar na sabi niya. "Sige ka, magt-take advantage ako tapos mare-rape kita."

"S-sira!" Biglang nag-init yung mukha ko kaya hagikhik na naman itong Steff na 'to. Naman, eh! Kung anu-ano tuloy pumapasok sa isip ko! "H-huwag ka ngang tumawa!"

"Huwag na kasi iyak." Bumunghalit ulit siya ng tawa. "Baby, tahan na."

Napalunok ako sa way ng pagkakasabi niya. Ang lambing kasi tapos, tapos, ano, parang nang-aakit. Siya na mismo ang nagtuyo ng luha ko. Kusa akong napa-smile sa ginawa niya. "Steff?"

"Hm?" Naramdaman ko yung kamay niya sa baywang ko, humahaplos.

"Ang matured ng dating mo kanina." Sabi ko. Sinubukan kong mag-wink kaso palpak. Tumawa na naman siya nang walang ka-poise-poise.

"Cute ng wink mo, ah, Yanyan my love, parehas na mata yung pumi—" Tumawa siya nang malakas bago pa matapos yung sinasabi niya.

Para naman akong ewan na nakatingin sa kanya ng masama. Naman kasi! Lagi ko na lang pinapahiya sarili ko sa harap niya! "T-tumigil ka nga!"

Tumawa pa ulit siya bago tuluyang tumigil. "Okay na." Ngumisi-ngisi siya.

"Ayoko na nga." Aalis na sana ako sa ibabaw niya pero niyakap niya ako ng mahigpit. "Steff—"

Lips na naman niya ang nagpatigil sa akin. Akala ko saglit lang pero nahigit ko ang hininga nang laliman niya ang kiss. Emerghed. Matutunaw ako!

Steff...

Napapikit ako. Feeling ko naging sensitive yung buong katawan ko sa presensiya niya. Ramdam ko kasi, eh. Yung kamay niya sa likuran ko, yung pagkagat niya sa lower lip ko, maging yung lambot ng katawan niya pati yung init na hatid no'n.

Pero dahil si Steff itong sumasamantala sa akin, hindi siya nakuntento at mabilis niya kaming pinagpalit ng pwesto. Siya na ngayon ang nasa ibabaw.

Hinawakan niya yung kamay ko at ipinuwesto ito sa ulunan ko. Feeling ko na-drained to the highest level yung energy ko nang maramdaman ko yung tongue niya na naglalaro sa loob ng bibig ko. H-hala! Shit! Napaungol pa yata siya...o ako?

"Yanyan..." Tawag niya sa akin nang lumayo siya ng ilang inches.  Napasinghap ako nang mapunta yung lips niya sa leeg ko.

"Steff—" Parang mauubusan ako ng hininga nang humalik siya pataas sa tainga ko. Nakikiliti ako na ewan. "T-teka..."

Para kasing may gumapang na init sa akin. Nakakapanindig balahibo. Masarap na hindi ko ma-explain. Naman, oh. Bakit parang ang init? Hoo! Grabe! Ang alam ko may aircon naman yung room niya. Hala, yung ice cream, natunaw na yata sa init!

Nablangko yung utak ko nang bigla niyang kagatin yung punong-tainga ko. Sushimitasen! Yung heartbeat ko, over na over na sa bilis! Yung braso ko, wer na u? Nakakapanlambot yung pinaparamdam niya sa akin.

Sayonara virgin na ba me?

"Yanyan," Huminto siya. Parehas kaming malalim ang hininga. Mapungay na ang mga mata niya. Parang dumilim yung color, pero ewan, baka imagination ko lang.

"B-bakit?"

"Gusto kong maging legal na tayo...sa magulang mo." Mahina pero seryosong sabi niya.

Para namang nag-loading yung utak ko.

"H-ha?"

Ano raw?

_____

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon