Chapter 31 - Untold Words (It Hurts)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kailan pa?" halos pairit kong tanong.

She flipped her hair. "Nililigawan pa lang niya ako no. Wag kang excited. Ligaw pa lang. Love is a step by step process," romantiko niyang sabi na may gestures pa.

Ikinuwento niya sakin na last week ay kinuha ni Matthew ang number niya kay... kay Keith tapos poof! Naging manika na silang dalawa. Joke. Syempre, tinext siya at don na nabuo ang kwento ni Lola Basyang.

"Talaga? Paano ka niligawan?" nakangiti kong tanong.

Ang ironic lang. Ako, brokenhearted at nakatanggap ng slap of rejection kamakailan lang. Habang itong bestfriend ko, favorite ni Kupido.

Ikinuwento sakin ni Cheska na yun nga. Matagal na daw pala siyang crush ni Matthew kahit noong may girlfriend ito. Kasi crush lang naman daw. Hindi big deal. Pero dahil ilang beses daw siyang nakikita ni Matthew sa cheerleading, lumala daw yung feelings ng unggoy.

Hindi ako makapaniwala pero hindi naman siya sasaktan ni Matthew. Hindi rin naman ako sinaktan ni Keith eh. Ang pagiging assuming ko lang ang dahilan kung bakit ako BH ngayon.

Pagbalik namin ni Cheska sa school, nakasalubong namin si Matthew, Luke at Keith sa corridor. Napatingin agad ako kay Keith. Nakatingin siya sakin. Umiwas ako nang tingin. Tiningnan ko na lang si Cheska at Matthew. Ano kayang mangyayari sa kanila?

Ngumiti si Matthew kay Cheska. Syempre, itong bestfriend ko, kilig ang tumbong. Namula agad. Napapangiti nalang ako. Ang cute nila.

"Hi, Glenn! Hi, Che!" bati samin ni Matthew.

"Hi, Matthew," sabi ko.

Kiming isiningit ni Cheska yung buhok niya sa likod ng tenga niya. Ang I was like... whoa. Ang pangit. Haha. Joke.

"Kumain na kayo?" tanong ni Luke.

"Oo. Katatapos lang. Kayo?" tanong ko. Tumingin si Luke kay Keith tapos tumingin ulit sakin. Alam kaya nila ang tungkol sa nangyari?

"Tapos na rin," nakangiting sagot ni Luke. Ngumiti lang ako. Napatingin ako kay Keith. Nakatingin pa rin siya sakin. Nakita kong bumuka yung bibig niya. Pero isinara na rin niya agad. Asa pa kong kakausapin niya ko.

Pagtingin ko sa tabi ko, nagke-kwentuhan na si Che at Matt. Natutuwa talaga ako sa kanila. Ang arte kasi nila parehas.

Wala naman akong gagawin dito. Mabuti pang umalis na ko. "Che, punta na ko sa room. Usap muna kayo diyan ni Matt mo huh," inemphasize ko talaga yung nickname nila sa isa't isa.

Dinilaan ako ni Cheska. Sus! Kilig yun for sure. Okay. I'm outta here! Ayoko na rin namang makita si Keith eh. Nagsimula na kong maglakad-lakad. Feeling ko nawawala na naman ako sa sarili ko. Papunta ako sa CR ng boys. Buti na lang hindi ako nakapasok.

Pagdating ko sa room, walang tao. Mabuti naman. Para magkaroon ako ng peace of mind pati piece of mind. Nawawala na ata ako sa katinuan eh. Umupo muna ko sa upuan ko. Tapos sumandal ako sa upuan ko tapos tinitigan ko yung kisame. Biglang may pumasok ng room.

Pero nakatitig pa rin ako sa kisame.

"Glenn..."

Okay. Ano bang problema mo sakin, Destiny? Kailangan ko ng malupitang piece of mind at peace of mind! Pagbigyan mo na naman ako. Please.

Nakatayo siya sa tabi ko. Ramdam ko. Ayokong lumingon. Tama nang nakatingin ako sa kisame.

"Bakit?" tanong ko pero hindi pa rin nalingon.

"May gusto sana akong sabihin sayo."

"Hindi mo na kailangang sabihin. Alam ko na. Hindi ako manhid."

"Hindi, Glenn. Kasi--"

Hindi na siya nakaimik nang biglang may pumasok sa room. Nakahinga ako nang maluwag. Salamat... Darwin. Si Darwin pala yung pumasok. Kahit papapno naman pala ay may matino rin siyang nagagawa

"Hey, Glenn! Hey, Keith!" bati niya.

"Oh. Andyan ka na pala," sabi ko tapos pilit akong ngumiti kay Darwin. Si Keith, umupo na lang sa upuan niya.

"Kanina pa kayo dito? Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Darwin.

"Wala," matabang na sagot ni Keith.

"Ah. Ganun ba? Keith, may practice na pala kayo ng basketball ano? Lalaban ata kayo eh," sabi pa ni Darwin. Napatingin si Keith.

Tumaas yung isa niyang kilay. "Sinong may sabi?"

"Narinig ko lang. Goodluck. Captain ka pa naman ata ng team."

Oo nga pala. Si Keith ang Captain ng Basketball, ako ang Captain ng Volleyball. Seems compatible,right? But unfortunately, not so really.

Tumango lang si Keith. Pero si Darwin, as usual, panay pa rin ang dada. Napakadaldal. Peace of mind, dude. Peace of mind. Kaya ako nagpunta dito para matahimik. Pero okay na rin to kaysa naman kausap ko si Keith.

Maya-maya, umalis na si Keith. Wala siyang imik. Kinakausap pa rin ako ni Darwin. This time, kinausap ko na siya. Para naman kahit papaano maaliw ako.

"Sunod-sunod ang mga activities natin no? Halos hindi na tayo makapag-lesson. Pero okay lang," sabi ni Darwin.

"Tamad mong mag-aral," sabi ko tapos tumawa ako.

"Oy. Wag ka ngang pa-inosente. Ikaw rin naman sigurado no. Halos kasisimula lang non ng klase pero ang dami nang nangyari. Edi halos ilang weeks rin pa lang mawawala si Keith?" tanong ni Darwin. Napatigil ako.

"Ah. Bakit naman?" tanong ko.

"Practice nila eh. Ilang weeks mo siyang hindi makikita," sabi ni Darwin na parang nakakaloko. Wala siya kasing alam eh. Kaya ganyan nalang siya kung makapagsalita. Okay lang.

Di bale nang hindi ko siya makikita muna. Iwas sakit na din.

"Ewan ko sayo," sabi ko nalang.

Ang plastic ko lang.

HF: Her SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon