One

48.7K 1.7K 219
                                    

"Hey!"

Mabilis na naglakad si Brooke nang marinig ang tawag ng lalaking iniiwasan niya. Lumiko siya sa kabilang corridor at tinignan ang likod niya para masiguradong hindi siya nasundan ng lalaki.

"Aray!" daing niya nang tumama siya sa isang matigas na bagay dahilan para mapaupo siya at bumagsak ang lahat ng papel na hawak niya.

"Zeta Weiblich Community.." basa nito sa papel na nahulog niya.

Padabog niyang hinablot iyon mula sa kamay nito. Nakaluhod ito ngayon sa harap niya at nakatukod ang isang braso nito sa tuhod nito. "Hey, hotshot. Why are you rushing?"

"My name is not hotshot." she said in her monotone voice. She picked up all of the papers that were on the floor. She glared at the man who's just grinning at her.

Wala man lang malasakit at hindi talaga ako tinulungan!

"Then what's your name?" tanong nito.

"It's none of your business." pormal na sabi niya rito.

"That's unfair. You know my name and I don't know yours. Sige, hotshot nalang talaga itatawag ko sa'yo."

Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili. She stood up after she picked up her bag and hang it on her shoulder. "Mr. Ocampo, I'm sorry what happened last week –"

"One sorry doesn't compensate what you did to me last week, hotshot. You kissed my virgin lips!"

She tried hard not to roll her eyes at him. "Mr. Ocampo –"

"Aquish. You can call me Aquish." he said with a wink.

She sighed and just did what he said. "Aquish. Like what I said, I'm sorry if I kissed you last week. I panicked and all I wanted was to get rid of Draco and alam naman natin lahat na hindi na virgin iyang lips mo."

Namulsa ito at nginisian siya. "Okay, maybe I went too far by saying my lips are virgin but still.. you kissed me without my permission."

She let out a frustrated sigh. "And I already told you that I'm sorry for what I did."

"And I also told you that a sorry can't compensate what you did." sabi nito at ginaya pa ang tono ng pananalita niya.

She pursed her lips and inhaled deeply. She needs to be calm. She doesn't want to start a fight with Aquish Eli Ocampo. "Okay, what do you want me to do then?"

Aquish bit his lower lips and rubbed it using his thumb. "Hmm, I don't know yet."

She smiled, a fake one. "Then how do we settle this so that we can move on with our lives?"

Aquish chuckled and held her shoulders while clutching his stomach because of his laughter. Pinagtitinginan na sila ng mga estudyanteng dumadaan at nakita na rin niyang nagbubulungan ang ibang mga babaeng estudyante.

Who wouldn't be?

Siyempre, magtataka ang mga ito kung ano ba ang ginagawa ni Brooklyn Tori Jimenez, ang social chair ng sikat na sorority na Zeta Weiblich Community, sa gitna ng corridor at kasama pa talaga niya si Aquish Eli Ocampo, ang presidente at ang natatanging kilalang miyembro ng nangungunang fraternity ng Vanderbilt na Alpha Mies Omega.

Malamang sa malamang hindi na siya magugulat kung laman na sila ng gossip page ng Vanderbilt sa Facebook mamaya o bukas ng umaga dahil sa insidenteng ito.

"If you'll excuse me, I have to go." sabi niya at mabilis na naglakad at iniwan si Aquish na tumatawa pa rin.

"See you, hotshot!" dinig niyang pahabol nitong sigaw.

ZWCS#4: Price of a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon