I guess he is reserving the position for his long lost son who's God knows where the fuck in the world he is. Bakit pa ako nagtaka? Kaya siguro Dad's dying to see his son para sa legacy na iiwan niya. I shrugged. Wala na akong pake sa mga bagay about sa kanya o sa anak niya. Almost a year now pero hindi pa din sila natatapos sa pag aaway ni Mommy. Mommy is crazy over Dad that she thinks that he might leave us. Well, prepared naman ako doon. It just that she's so crazy not to let go the iwanan part. Kasi ako? Pagod na pagod na ako.

"Kung ayaw seyo ng Minion-- Humanap ka ng Dora." Tawa ng tawa si Luther. Panay nga ang lecture sa harap at walang pumapasok sa utak ko.

Tumikhim si Darton na halata ang pagkairita. " I bet hindi ka makakatawa ng ganyan kapag nagmahal kana." Iritadong sabi niya.

Humalakhak ng mahina si Luther. "Well, mali ka.. Love is not my thing-- you know.."

Ngumisi si Darton. Para akong tanga na nanunuod ng tennis kakalipat lipat ko ng tingin sa kanila. "For now, it will come soon, dude.." sagot ni Darton. "Or maybe, she's just around.." baling sa akin si Darton kaya pinanlakihan ko siya ng mata. I know he knows that I like Luther. Pero, Like is different for Love.

Natahimik si Luther sabay baling sa akin. Inakbay niya ang braso niya sa balikat ko kaya bahagya akong napasinghap." Are you refering to, Sasha?"

Nalaglag ang panga ko sa sobrang gulat. Why he has to be straight forward? I mean-- bakit ako? Hindi ba pwede yung iba? Ni hindi nga ako naging parte ng choices niya about sa pilian ng partners eh. Ano to'? Lalandiin na naman niya ako?

Tumawa ng mahina si Darton sabay tapik ng balikat ko. " Maybe... ang daming choices sa "just around" ko dude. Bakit si Sasha lang ang nakita mo?" Hindi ko alam kung seryoso ba si Darton o inaasar lang si Luther. Biglang natigilan si Luther at hindi nakaimik. I cursed inside my head at gustong kong pag untugin ang ulo nila. Isali ba ako sa kagaguhan nila?

Ngumiti si Luther habang nasa harap ang mga mata. " Coz' she's the nearest.. bakit pa ako titingin sa malayo kung si Sasha na ang katabi ko?"

What the fuck?

Humalakhak si Darton kaya natigilan ako. May ilan din naglingunan sa amin kaya pakiramdam ko ay lulubog ako ako sa upuan ko.

"Kung mag lalandian lang kayo sa klase ko.. lumabas nalang kayo!" Puno ng awtoridad na salita ng prof namin. Yumuko ako sa sobrang hiya. May sinalita pa si Davina na hindi ko maintindihan. Luther is quite chill while Darton seat properly. Habang ako? Pakiramdam ko ay sasabog ang pisngi ko hindi dahil sa prof namin or pinahiya niya kami.. it's because what Luther just said. Damn!

Seryoso ba siya? O baka natatakot lang siyang ipahiya ako? Nevertheless.. sana totoo yung mga sinasabi niya. Kasi, kung magmamahal ulit ako.. it would be Luther. Una, he's just like Simon.. pangalawa, may challenge sa kanya. Hindi niya kayang mafall sa iba.. Gusto lang niya ng laro o saya. I can tame him.. sana..

Sino niloko ko? Si Simon nga na matino hindi ko nakuha. Si Luther pa kaya na gago? I like him.. nahuhulog ako sa kanya. Pero kasabay noon ang takot, natatakot ako na baka isa lang din ako sa mga laro niya. I can't bear another pain and rejection. Gusto kong maging maingat. Gusto kong laruin ang apoy pero hindi ko alam kung paano laruin na hindi ako mapapaso.

I've seen worst relationships. I have the worst life. Kung magmamahal ako. Gusto ko yung sigurado. Yung tama.

"Luther can we catch up?" Nanliit ang mata ko ng may lumapit sa amin. Isang subject nalang ay uwian na. I think she's the girl na kapartner ni Luther sa klase ni Miss Ana. I saw Eros enter the room. Nagtama agad ang mga mata namin kaya mabilis akong ngumiti sa kanya. Sa gilid ko ay biglang may mahinang mura na pinakawalan si Luther.

Nabalik ang atensyon ko sa kanya at sa babaeng nakatayo sa harap namin. Ano pa hinihintay ni Luther? He never declined any girls na lumapit sa kanya. Why having second thoughts now?

"Pretty please.." naka puppy eyes ang babae kaya yumuko at sikretong umirap.

"Does she know that guys doesn't want the girls to do the move?" Bulong ni Darton.

Napaisip ako. First love ko si Simon and I'd done everything. Ako ang gumawa para mapansin niya ako. So it means kaya hindi niya ako nagustuhan dahil ako ang kumilos?

"With Luther?" I answered him sarcastically. Depende siguro sa guy. Pero kay Luther? I bet he's not that type.

Hindi na sumagot si Darton. Nagkibit balikat lang siya at ngumisi.

"Lets hang out.. your--" hindi ko na nasundan ang babae ng biglang lumapit si Eros. Sumipol si Darton kaya napalingon si Luther sa amin.

"Hi, Sasha.. are you free after class?" Kumalabog ang puso ko sa sobrang gulat. Is he asking me for time alone?

"Luther, please.." dinig kong salita ng babae pero hindi ko siya tinigna.

"Go na yan.." pang aalaska ni Darto kaya lalong nag init ang pisngi ko.

Isang tikhim ang narinig namin sabay akbay sa akin ni Luther. Napatingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin ng masama.

"Sorry.. baka magalit ang girlfriend ko." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Kita ko ang gulat sa mata ni Eros at bahagyang pagkabigo. Yung babae naman sa harap namin ay gulat na gulat na hindi ko mapaliwanag. Pati ibang nakarinig ay natigilan.

Si Darton sa gilid ay nagpakawala ng napakalakas na halakhak. Pumikit ako sa sobrang hiya. Ano ba sinasabi niya? Nababaliw naba siya? Hindi ako makatingin kay Eros sa sobrang hiya.

"I thought commitment is not your thing?" Mapanuyang sagot ng babae. Kumuyom ang kamao ko. Ano ba ginawa mo Vera Cruz? Alam naman pala niya! Ano to'? Fuck fuck lang ang gusto niya?

"Well.. you heard me.. may girlfriend na ako.." seryosong usal ni Luther. Padabog akong tumayo at dumiretso labas ng room to breathe properly.

What the heck?

"Sasha.." napalingon ako ng makita ko si Luther sa likuran ko. Bakit siya sumunod?

"Baliw kana ba?" Galit na salita ko. Nag igting ang panga ni Luther.

"I'm sorry..." salita niya. Huminga ako ng malalim para kumalma. Nakakahiya din kay Eros kanina.

"Ano to'? Ginamit mo ako para makalusot ka sa gulo mo?" Iritableng salita ko. Huminga ng malalim si Luther at pumikit ng mariin.

"Kailangan kita.."salita niya na ikinatigil ko. Tinignan ko pa siya kung nagbibiro siya o ano. "I want to change, Sasha.. and I need you.."

Parang nalagot ang hininga ko sa sinalita niya. Parang kumarera ang puso ko sa bilis ng pagtibok.

"Bakit ako?" Tanong ko. Totoo naman, ang daming babae jan pero bakit ako?

"Because--" hindi niya matuloy ang sasabihan niya sunod sunod na lunok ang nagawa niya. Tila ba hirap na hirap sabihin ang sasabihin niya. Lumapit siya sa akin sabay haplos ng pisngi ko habang malamlam ang kanyang mga mata. Lalong kumalabog ang dibdib ko sa haplos na ginawa niya.

"Let me say it this way," huminga ulit siya ng malalim. "every man needs a woman when his life is a mess.. just like in a game of chess the Queen needs to protect his King.."

"A-no ba sinasabi mo?" Pakiramdam ko ay nanghina ang tuhod ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. May sanib ba si Luther? Ang deep eh.

"Save me.. be my Queen.."

Nalaglag ang panga ko. Seryoso?

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now